Kabanata XVIII

38.5K 3.5K 821
                                    

"BAKIT ANG DAMING HUGASIN SA LABABO?!"


Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit sa akin sa Cross mula sa kusina. Plain black V-neck shirt and fitted jeans ang suot niya. Kakauwi niya lang from the office.


Ewan kung may iba pa siyang pinuntahan after sa company. Nilapitan niya ako sa sofa kung saan akong nakahiga at busy na nanonood ng make up tutorial sa Youtube.


OF COURSE, KUMAIN. MERON TALAGANG HUGASIN, sagot ko sa aking isip. ALANGAN NAMANG KUMAIN AKO SA PALAD KO.


"Are you mad?"


Umiling lang ako habang ang mga mata ko ay nakatutok phone.


"What happened to your room? Bakit ang gulo ng kama mo?" Galing kasi na kasi siya sa itaas.


OF COURSE, NATULOG AKO. ANONG GUSTO MO SA SAHIG AKO MATULOG PARA HINDI MAGULO ANG KAMA KO?

"Are you sure you're not mad?"


Umiling ako habang tuloy pa rin sa pagyu-Youtube.


"And how about your laundry? Bakit biglang tambak na ang labahin mo?"


OF COURSE, GUMAGAMIT AKO NG DAMIT. ANONG GUSTO MO, MAGHUBAD NA LANG AKO AT WAG NANG GUMAMIT NG DAMIT?


"Are you sure you're not mad?"


Tumingala ako sa kanya ay inirapan ko siya. MAGHUGAS KANG PLATO, MAGLINIS KA NG KWARTO KO, MAGLABA KA NG MGA DAMIT KO! sigaw ko sa aking isip.


Humugot siya ng wallet at isa-isa niyang inilibas ang atm card at credit card doon. "Oh, by the way, I have your cards now. Tapos nang ma-process."


Napabalikwas ako ng bango mula sa sofa at umayos ako ng upo. YES, HANDSOME, I'M EXCITED! Nagmistulan akong maamong tuta.


"Are you sure you're not mad at me?"


Umiling-iling ako. NEVER, HANDSOME.


"Okay. That's good to hear."


CAN I HAVE MY CARDS NOW? Nakangiti ako sa kanya at napakaamo ng aking mga mata.


Napa-isip siya. "I'll think about it. I don't like your attitude today." Ibinalik niya ang mga cards ko sa wallet niya.


Kumulo ang dugo ko pero nagtimpi.


"Are you mad at me now?" Iniumang niya ang cards sa wallet niya.


Umiling ako at maamong ngumiti sa kanya. Hangga't hindi ko hawak ang cards ko, magtitimpi ako.


Tumunog ang doorbell kaya tinalikuran ako ni Cross. Binuksan niya ang pinto at iniluwa nito si Tito James.


"Hi, Embry. How are you?" bungad sa akin ni Tito James sa pintuan. May hawak siyang brown envelope.


Ngumiti ako sa kanya at kinawayan siya.


"I need to talk to your husband, is that okay with you?" Hindi na siya humakbang papasok.


Tumango ako sa kanya.


Lumabas sila ni Cross at may pinag-usapan sila. Hindi ko sila marinig dahil malayo sila sa akin. Pero natatanaw ko na inabot ni Tito James kay Cross ang mga papers na hawak nito.


When I First Met YouWhere stories live. Discover now