Kabanata XXI

38.4K 3.1K 666
                                    

BAKIT MASAKIT?


Funny dahil ang sakit para sa akin na malamang may iba pa pala bukod sa akin. Na may iba pa pala siyang pinakasalan. Na may iba pa siyang naging asawa maliban sa akin. Hindi ko maiwasang isipin kung inalagaan niya rin ba ang una niyang napangasawa nang katulad ng pag-aalaga niya sa akin.


Pinagluluto rin ba niya? Ipinaglilinis ng kama? Ipinaglalaba?


Hinalikan niya rin ba?


O baka may nangyari na sa kanila—


"Earth to Embry Maceda!" matinis na boses ni Trudis na pumutol sa malalim kong pag-iisip.


Ha?


"Kanina ka pa tulala, girl." Hinila niya ang upuan para lalong mapadikit sa akin. Nasa first subject kami ngayon at naghihintay na lang sa pagdating ng prof.


Nagsulat ako sa whiteboard ko at ipinabasa sa kanya. DON'T MIND ME. SO WHAT DID YOU FIND OUT?


Kagabi pa lang nang malaman ko ang tungkol sa Maria Estella Alonzo-Mondragon na iyon ay itinext ko na agad si Trudis. Hindi ko binanggit na naging asawa ni Cross ang babae, basta sinabi ko lang sa kanya na imbestigahan niya at alamin ang lahat ng tungkol dito.


"Wait!" Kinuha niya ang malaki niyang backpack. Yes, she was using a backpack, iyong pang grade school style. Big and with cartoon prints. May kinuha siyang mga papers sa loob niyon at inabot sa akin.


Tinanggap ko iyon at binasa. The files were all about Maria Estella Alonzo-Mondragon. Naririto at nangunguna ang zerox copy ng marriage certificate ng babae sa asawang nagngangalang Joaquín Allesi Mondragon.


"Embry, makikita mo riyan ang ilang info about Maria Estella. Isa siyang dating hotelier. Nag-iisang anak at walang ibang kamag-anak bago ikinasal sa asawa niyang si Joaquín Allesi Mondragon. Diyan sa mga papeles na 'yan ay makikita mong noong namatay si Maria Estella ay ipinamana niya ang mga naiwang ari-arian sa kanyang asawa. Pero pagkatapos manahin ng asawa niya, ibinenta rin sa iba."


Pigil ang emosyong binuklat ko ang mga papeles. Tiningnan ko ang mga properties at mga businesses na mga naibenta na. Pero alam ko na pinalabas lang na ibinenta ang lahat ng ito. Matapos mailipat ng pangalan, pinalabas lang na napunta na sa ibang tao.


Nagsulat ako sa whiteboard. SAAN MO ITO NAKUHA?


"Sa ninong kong private investigator," mayabang na sagot ni Trudis. "Isang tawag ko lang sa kanya kagabi, tinulungan niya agad akong makakuha ng mga info about that Maria Estella Alonzo-Mondragon. Ang galing lang dahil iba talaga ang nagagawa kapag may connection ka."


Tumango-tango ako at ngumiti para sumaya siya.


"Anyway, bakit kailangan mo ang mga info about that girl. Matagal nang patay 'yan e. Plus, wala na ring mapapala riyan dahil walang may alam kung saan dinala ng asawa niya ang mga pinagbentahan ng lahat ng ari-arian niya."


Nagsulat ulit ako sa whiteboard. WALA LANG. MALAYONG RELATIVE KASI SIYA NI MUDRA. I WAS HOPING NA BUHAY PA SIYA, pagsisinungaling ko para hindi na siya mag-comment.


But Trudis was Trudis. Magko-comment at magko-comment pa rin siya dahil ganoon siya. "Ah, ganoon ba? E paano 'yan na patay na nga siya?"


WHERE IS HER HUSBAND?


Nagkibit-balikat si Trudis. "I don't know. Iyon din ang ipinagtataka ng private investigator kong ninong. Kahit daw kasi anong gawin niyang paghahanap ng info about Maria Estella's husband, wala talaga siyang makita. Walang nakakaalam kung nasaan si Joaquín Allesi Mondragon o kung buhay pa ba ito. Malamang naman na hindi na. Malamang patay na rin kasi matanda na rin iyon e."


When I First Met YouWhere stories live. Discover now