Chapter 66

1.3K 39 23
                                    

Enjoy Reading!

***

NAGPATULOY LAMANG sa pagduwal si Honey. Kakagising niya lamang at naduduwal na siya. It's her morning sickness. Nang matapos ay naghilamos siya at lumabas na siya ng banyo.

Dalwang linggo simula ng umalis si Kairus upang kausapin daw ang mga magulang nito. Pero simula noon ay hindi na ito bumalik. Hindi niya alam kung anong nangyari rito at nagsisimula na siyang mag-aalala.

Not until Tita Kiana message her with the two words. 'He's safe.' Alam niyang si Kairus ang tinutukoy nito kaya kahit pa paano ay nakalma siya pero may kaba pa rin siyang nararamdaman. May nangyari ba sa binata?

What happened to him?

Kahit nag-aalala siya, pinili niyang kumalma dahil baka mapaano ang batang nasa loob ng tiyan niya. Ipagdarasal niya nalang na sana ay nasa maayos na kalagayan ang nobyo.

Simula ng malaman niyang buntis siya ay hindi na siya magpapagutom ay laging masustansyang pagkain ang kinakain niya. Sa loob ng dalawang linggo ay limang beses na siyang dinalaw ng dalawa niyang kaibigan. How did they know the penthouse's floor? She doesn't really know also.

But when she asked them, Denice just pointed at Lyka and mouthed, 'her boyfriend.'

At ngayon ay magisa ulit siya. Nagbabalak siyang lumabas mamaya upang maarawan pero inaantok pa siya. Lagi nalang siyang inaantok. Gigising siya upang kumain tapos matutulog ulit.

She went back to her reverie when her phone on the side table rang. She picked her phone and looked at the ID Caller. Napailing na lamang siya ng makitang ang boss niya iyon.

"Ms. Lao! Buti naman at sumagot ka!" Bungad ng Boss.

"Ano iyon, Paul?"

"Ms. Lao... Maawa ka naman sa akin. Kayong magkakaibigan! Ikaw, ilang buwan ka ng hindi pumapasok. Si Denice ay nag-leave ng dalawang buwan at nagpunta sa ibang bansa! Habang si Lyka ay nag-leave rin ng isang buwan dahil sa kagustuhan ni Hans! Why are you all doing this to me!?" Nagdadramang ani ng nasa kabilang linya na ikinatawa niya.

"Okay lang yan, Paul."

"Anong okay? I'm running out of employees! Isesesante ko talaga kayong magkakaibigan kayo!"

"Kaya mo?" Naghahamong aniya.

The man on the other line sighed made her chuckled. "Okay lang na magleave ang dalawa pero ikaw? You're my big problem, Ms. Lao! Lumalago ang career mo dahil sa Photographer's Life at hanggang ngayon may mga gustong kumuha sayo pero wala akong maipakita na Ms. Lao sa harap nila!" Paul hissed in the other line full of frustration. "Please naman, pumasok ka na... I'm begging you, Honeypie.."

"Call me that again, I will strangle you to death."

"Honeypi—" pinatayan niya ito ng tawag.

Hearing Paul calling her that nickname, gosh, she wanted to vomit. It's cringe. She doesn't know why though.

Umupo siya sa gilid ng kama at nagpadala ng message sa boss.

'I'll to there to work tomorrow, and I will strangle you to death.'

She hit send then she lay down to Kairus bed. Papasok na siya bukas, kawawa naman ang boss niya, wala ng empleyado dahil sa kanilang tatlo.

Siguradong tumatalon na iyon ngayon sa kaalaman papasok na siya bukas. Napabuntong-hininga na lamang siya at humikab, kakagising niya lang pero inaantok na siya ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captured Hearts (On-going)Where stories live. Discover now