Chapter 46

624 30 12
                                    

"AY GANO'N? May pa gano'n?" Anang tinig ni Lyka

"Hala! How dare you, forgot about him bee!" Ani naman ni Denice na hinampas-hampas pa ang braso niya.

"H'wag niyo akong ganyanin! Nakalimutan niyo rin naman siya e!" Sigaw ni Honey sa dalawang kaibigan.

"Oo nga naman, si Denice kasi e." Sisi ni Lyka kay Denice.

"Why ako? You're the one nga riyan!" Ganting sisi naman ni Denice.

"Ikaw!" Ani Lyka.

"You nga!" Ani naman ni Denice.

"Ikaw nga sabi e!"

"You nga sabi e!"

Napahilot na lamang si Honey sa kaniyang sintido dahil nagsisimula na naman magtalo ang dalawa niyang kaibigan. Hindi niya na pinigilan ang mga ito dahil sasakit lamang ang ulo niya, sa halip ay tumayo na lamang siya at naglakad patungo sa kaniyang silid.

Kinwento niya kasi sa dalawa ang nangyaring aminan sa pagitan nila ng kaniyang boss. Siya man ay nagulat, gano'n rin naman ang mga kaibigan niya ng malaman ng mga ito.

Humiga agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang silid. Pagod na pagod siya ngayong araw, hindi niya alam kung bakit. Napamulat siya ng biglang pumasok si Kairus sa kaniyang isipan.

Babawi ako sa kaniya bukas. Promise.

Iyon lamang ang sinabi niya sa kaniyang isipan bago siya lamunin ng kaniyang kaantukan.




FRUSTRATION WAS eating Kairus' whole body. Frustration was killing him! Sobrang miss niya na si Honey dahil ilang araw na rin silang hindi matinong nagkikita.

Oo, nakikita niya ito, nakakapiling niya ba ito? Hindi!

Kapag may pinaplano sila ay hindi naman natutupad at hindi niya na rin ito nasusundo. Kapag lamang siguro ay nagpupunta siya sa bahay nito ay doon lamang sila nagkakaroon ng oras sa isa't-isa. At iyon ang kinaiinis niya, bakit hindi niya p'wedeng makapiling ang nobya ano mang oras na gusto niya?

Napabuntong hininga na lamang si Kairus at tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair at naglakad patungong palabas ng kaniyang kumpanya.

Nang makalabas ay agad siyang pumunta sa kaniyang sasakayan. Nang makarating roon ay agad niya iyong minaobra at pinaharurot patungo sa condominium building ng dalaga.

Damn! I really missed my girlfriend so damn much!

Tumunog ang telepono niya hudyat na may tumatawag. Sinagot niya iyon ng hindi tinitignan sa pagaakalang nobya niya iyon.

"Hello ba--"

"Babe! Finally! You answered my call!" Agad uminit ang ulo ni Kairus ng marinig ang boses ng ex-girlfriend niya sa kabilang linya.

Ilang araw na siya nitong ginugulo, kung hindi ito pupunta sa opisina niya ay walang tigil naman ito sa pambubulabog sa cellphone niya sa pamamagitan ng pagtawag kaya minsan ay pinapatay niya na lamang ang telepono, pero sinindihan niya iyon kanina dahil naghihintay siya na magtext ang nobya niya. Naiinis na siya pero gano'n pa man ay hindi niya pinatulan ang panggugulo nito. Baka kapag pinatulan niya ay masaktan niya ang dalaga sa sobrang inisdahil sa kakulitan nito.

"Ba--" pinatay niya ang tawag at itinuon sa daan ang buo niyang atensyon.

Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho upang makapunta ng mabilis sa condominium building na kinaroroonan ng nobya. Agad siyang bumaba ng sasakyan ngmakarating roon, mabilis siyang naglakad papasok at sumakay sa paitas ng elevator.

I can't wait to see my baby.

Suot niya pa rin ang kaniyang business suit pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lamang ay makita ang kaniyang nobya na magpapagaan sa nalulumbay niyang puso.

Nang makarating siya sa palapag ng kwartong kinaroroonan ng dalaga ay  halos liparin niya ang patungo sa unit nito. Nang makarating siya roon ay agad siyang kumatok. Ilang segundo bago iyon bumukas at bumungad sa kaniya ang kaibigan ng nobya na si Lyka.

"Oh, Kairus.."

"Ay! Si Fafa Kairus?" Kaagad sumulpot sa likod ni Lyka ang isa pang kaibigan ng nobya na si Denice.

"Si Honey?" Kaagad niyang tanong sa dalawa.

"Oh, nasa room niya. Kanina pa siya there, maybe she's asleep na." Pagsagot sa kaniya ni Denice.

"Halika, pasok ka." Aya ni Lyka at niluwagan ang pinto upang makapasok siya.

Sa ilang Linggo nilang magkarelasyon ng nobyo at ang madalas niyang pagpunta sa unit ng mga ito tuwing gabi upang makapiling ang nobya ay nakilala niya na ang mga kaibigan nito. Si Lyka at si Denice na hanggang ngayon ay hindi niya makayanan ang ka-conyo-han.

Nang makapasok ay hindi siya naupo sa sofa dahil hindi naman iyon ang pinuntahan niya. Sa halip na umupo, ay nagsalita siya upang magtanong.

"Can i go to her room?" Paghingi niya ng permiso sa dalawang kaibigan ng nobya.

"Oo naman."

"Sure! H'wag mo lang siya ri-rape-in!"

Natawa siya sa sinabing iyon ni Denice bago nagpaalam sa dalawa. Dali-dali siyang nagtungo sa k'warto ng nobya at kaagad iyong binuksan. Sabik na siyang makita ito. Bumungad sa kaniya ang Honey na nakahilata sa kama nito na halata mo sa mukha na pagod.

Naiiling na lumapit siya rito at inayos ang pagkakahiga nito sa kama. Nang maayos ang higa ng nobya at siya naman ang humiga sa tabi nito. He cuddles her and his sadness immediately flew away. With her, he felt calmness.

They supposed to talk, but he chose not to. They're both tired, so better rest for now.

Tomorrow we'll talk. Rest now, baby..




NAALIMPUNGATAN si Honey ng maramdaman niya may mabigat na bagay na nakapatong sa kaniyang tiyan. Gano'n na lamang ang pagkagulat niya ng makitang isang braso iyon. Unti unti niya inangat ang tingin upang makita kung sino ang may-ari ng maskuladong braso na iyon. Agad na bumungad sa kaniya ang nangingiting mukha ni Kairus.

"Goodmorning, baby." Nakangiting bati nito sa kaniya.

"A-anong gina--" napatigil siya sa pagsasalita ng sakupin nito ang kaniyang labi. Wala sa sariling naitulak niya ito.

"What the.." hindi makapaniwalang ani ng nobyo.

"Nangki-kiss ka kasi! Hindi pa ako nagto-toothbrush!" Sigaw niya rito na ikinatawa lang ng binata.

"So what? Do you think i care?" With that he crash his lips to hers again.

They're both fighting using their tongue as their swords, Kairus even rolled his body and position himself on top of her. They were enjoying their moment, tasting and savoring each others company. Not until someone open the door and barge them up.

"Honey, my de--Oh my God! In Jesus name! Oh my God! My daughter!"

Napabitiw si Honey sa kanilang halikan ng binata dahil sa gulat at napatingin sa sumigaw.

"M-mamá."

----------------GimmieFries-----------------

Captured Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon