Chapter 08

964 38 11
                                    

HINDI INAKALA ni Kairus na ganito pala kaliit ang mundong ginagalawan nila ni Chinese girl. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba sila o sadyang aksidente lamang ang lahat ng nangyayari.

Hindi naman talaga pumayag ang pinsan niya sa hiniling niya na ikinataka niya. Laging binibigay ni Paul--ang pinsan niya, ang mga hinihiling niya, kahit kailan ay hindi ito nagdamot 'pag dating sa kaniya. Kaya ganun na lamang ang pagtataka niya ng hindi ito agad pumayag sa kahilingan niya.

Kung hindi niya ito pinilit, malamang ay hindi talaga ito papayag.

Don't made me doubt in your actions, Paul.

Ani niya sa isipan habang matiim nakatitig sa pinsan niya.

Kasalukuyan siyang narito sa loob ng opisina ni Paul, hinihintay dumating ang taong hinihiling niya rito.

"What took her so long?" ani niya sa nababagot na tinig dahilan para mapatingin sa kaniya ang pinsan niya.

"Couz, bakit mo ba siya gusto kuhanin? Iba nalang kaya. Mas magaling pa sa kaniya. I will recommend Lyka and Denice. They are both professionals. Kung ganda rin ang hanap mo, hindi papatalo ang dalawang iyon. 'Wag na si Ms. Lao." mahabang lintanya ng pinsan niya.

"Ang Ms. Lao na iyan ang gusto ko. No one else, Paul." aniya sa naiinis na tinig. "Ano ba ang meron sa Ms. Lao na iyan at ayaw mong ibigay sa akin. Hihiramin ko lang naman siya." dugtong niya.

"Alam kong alam mo na nagtataka ako, couz. Ngayon ka lang humiling sa akin ng ganiyan. Isang 'photographer'. The fuck? Hey, Kairus Hudson! Ikaw pa ba iyan? Nasaan na ang pinsan kong galit sa camera? Ibalik mo!" he rolled his eyes at his cousin.

"Ako pa rin ito. At saka, 'wag mong ipunta sa akin ang topic. Ikaw, this is the first time, na humiling ako sayo at pinilit ka. Sabihin mo nga, do you like her?" he asked while his right eyebrow rised.

Sasagot sana ito nang may kumatok at bumukas ng pinto. Doon iniluwa ang babaeng kanina niya pa hinihintay.

Chinese girl.

Nagusap muna ang dalawa hanggang sa ipinakilala na siya ni Paul.

"Ms. Honey Chay Lao, meet my cousin. Kairus. Kairus Hudson, siya ang kumukuha sayo."pagpapakilala ni Paul sa kaniya.

Honey? Honey Chay Lao... What a nice name. Cute, sweet, like her taste.

Nginitian niya ito nang malapad. Bakas sa mukha nito ang gulat kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa kaniyang labi.

"Nice to meet you again." tumayo siya at lumapit sa dalaga. Nang makalapit siya rito ay inilagay niya sa baba nito ang kamay niya para isara ang nakanganga nitong bibig dahil sa gulat."Chinese girl."




HINDI NAMALAYAN ni Honey na nakanganga na pala siya sa sobrang gulat. Gulat talaga siya! Bakit ba napakaliit ng mundo nila?

"Again? You know each other?" takang tanong ng boss niya kay Kairus.

Hindi! Hindi pwede malaman ni boss.

"Yea--"

"Hindi!" agad niyang putol sa sasabihin ni Kairus. "Hindi ko siya kilala boss." pagtanggi niya at tumingin sa lalaking nasa harap niya na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "S-sino ka ba?" tanong niya rito.

"Really? You don't know me?" hindi makapaniwalang saad nito.

"Ahm. Kinuhaan kita ng litrato. Ikaw iyon, naalala ko." Napakagat na lamang siya sa ibabang labi.

"And?"

"Iyon lang."

"Whoa! Amazing. After what we've done. Sasabihin mo, iyon lang? Wow! Just wow. How about midnight snack. You forgot that too?" napalunok siya sa paraan ng pananalita nito.

Captured Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon