Entry Number Five: Hindi ko Inaasahan

12 1 0
                                    


"Letse..."

Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa isa sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buhay ko.

Masaya dapat ako ngayong araw, pero bakit ganito?

Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang huli nyang sinabi sa akin...

"Ayoko na, napapagod na ako."

Habang tinititigan siya sa kanyang mga matang akala mong wala ng buhay... Tumingin ako sa paligid... Pilit akong humahanap ng mga taong ka-kuntyaba niya para masabing hindi nangyayari ang isang bagay na akala ko ay hindi darating.

"Joke lang ito diba? Hon?" pilit kong hinakbang ang pagitan naming dalawa, nang hahawakan ko na ang kanyang mukha ay umatras siya.

"Hindi na nakatutuwa, tumigil kana sa joke mo, alam kong magaling kang artista, pero h'wag mo namang gamitin sa akin, please."

Nakita ko kung paano siya umiling...

"Sorry... ayoko na."

Sabay dapat kaming pupunta rito, pero hindi na nangyari... iniwan na niya ako. Ang saya sanang maglakad sa kahabaan ng Han River dito sa South Korea pero ang dating excitement na mayroon sa akin ay nawala.

Ano nga ba ang mayroon sa lugar na ito?

May kung anong magic sa lugar na ito na parang totoo ang nangyayari sa mga Korean drama na laging may umiiyak dito. Kasi ngayon ako... oo.

Dinantay ko ang aking mga braso habang nakatingin sa katubigan dito. Malamig... pero mas malamig ang nararamdaman ko.


Paano na ako?

Pagkatapos ng siyam na taon, naiwan ako.

Naiwan kami...

Napahawak ako bigla sa tiyan kong hindi pa halatang may buhay ng nakatira.

Paano na tayo ngayon?

Hindi ko man lang nasabi sa tatay mong magiging tatay na siya...

Hindi ko inaasahan...

Hindi ko inaasahan na maiiwan pala akong mag-isa.

Tama rin pala yung sinasabi ng iba na pagkatapos ng isang relasyon, doon mo maiisip lahat ng mga bagay na sayang.

Panahon, oras, emosyon, at higit sa lahat, effort.

Nagtiwala naman ako.

Nakuntento naman akong nakatago sa dilim, ang importante kasi sa akin, makita kong masaya ka... pero hindi pala... hindi na pala.

Huminga ako nang malalim pagkaraan ay itinaas ko ang aking katawan sa pamamagitan ng pagtulak sa sariling kong mga kamay sa bakal nai hinahawakan ko ng...

"Be careful!!!" may sumigaw na lalaki pagkaraan ay naramdaman ko nalang na may umakap sa akin.

"What are you trying to do, miss? Do you want to kill yourself?" sinisinghalan ako ng isang lalaking nakafacemask.

Pinilit kong kumawala sa kanya pagkaraan ay tinulak siya palayo sa akin.

"Of course not! Hindi ako hibang!" pero mas nagulat ako noong sabihin nya na... "Sabi na nga ba Pilipino ka!" pagkaraan ay tinanggal nya ang nakaharang sa kanyang mukha at doon, nakilala ko siya.

"Nicholas?!" sigaw ko sakanya na tila ba hindi makapaniwala na ang isa sa sikat na singer sa Pinas ay nandito ngayon sa harapan ko.

"Pilipino ka nga." Pagkaraan ay ngumiti siya... pero bigla nalang niya akong itinalikod pagkaraan ay ibinigay ang suot niyang sombrero at salamin sa mata.

"Kaya mo bang tumakbo?" pero bago pa man niya ako makasagot ay hiniklat niya ako.

"Are you okay?" tanong sa akin ng kasama kong lalaki matapos nya akong patakbuhin at isakay sa sasakyan.

Hindi ko siya sinagot muna dahil kailangan kong makabawi sa hingal na nararamdaman ko, pagkaraan ay hinawakan ang tiyan ko.

"Baby? Naalog ka ba?"

Nang makabawi, tinignan ko si Nicholas pero ang tingin nya ay nasa aking tiyan.

Mukhang nakahalata siya.

"I am sorry, I don't know... May nakita kasi akong paparazzi... ayoko lang na..." nginitian ko lang siya pagkaraan ay tumango... I give him a sincere smile, I know... I know that feeling because my boyfr... no, my ex is also like him.

"Ayaw mo ba?" bago nya ituloy ang sasabihin niya ay nagulat ako ng hawakan niya ang tiyan ko. "buhay yan, blessing..." dugtong nya.

Napahawak din ako sa aking tiyan, pagkaraan ay naramdaman ko nalang ang pagtulo muli ng aking luha.

"Gusto ko... pero ang tatay nya, hindi pa niya alam...umayaw na." nakita ko sa salamin sa sasakyan niya ang pagkabigla.

"He didn't know that you are pregnant? Bakit hindi mo sinabi?" bakit ba nagagalit to?

"Sasabihin ko naman pero, naunahan na niya ako noong sinabi nyang ayaw na nya." Heto na naman ako, naalala ko na naman ang sakit... siyam na taon... siyam na taon kaming magkasama, anim na taon kaming nagsama sa iisang bahay pero, heto... mag isa nalang ako.

"Sabihin mo sa kanya, he needs to know. Ginawa nyo yan, hindi lang ikaw."

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa aming dalawa.

"Palagay mo ba, matatanggap nya?"

Pero nakita kong bigla niyang pagpikit at yumuko.

"Hindi ko masasagot... Pero gago siya kung hindi nya tatanggapin yan. Basta kahit anong mangyari, kayanin mo. Yna."

After 6 years...

"Ma! Ma! Si Dada nasa TV ulit!" nakita ko kung paano ngumiti ang anak ko habang tinitignan ang ipinakilala kong tatay nya mula noong nagkaisip siya.

"Thank you Mr. Nicholas Samson for your great performance!" kasabay ng hiyawan ng mga tao ang hiyaw din ng anak ko.

"Mama! Mama, hindi ba tayo pupuntahan ni Dada dito? 5 na po ko pero wala pa rin sya." Nilapitan ko nalang siya pagkaraan ay kinarga ko ang anak ko para akapin habang nakatingin sa TV.

Kailan ko ba masasabing hindi siya ang tatay mo...

Pagkatapos ng palabas ay lumabas ang isang commercial ng isang buong pamilya...

Akap-akap ng isang babae ang isang batang lalaki na kasing gulang ng anak ko, napakagandang tignan ng dalawang ito pero mas gumaganda pa sa twing darating ang oras na aakapin din sila ang padre de pamilya nila na tila tuwang-tuwa sa nakikita nya.

"Sana ganyan din tayo ni Dada pag umuwi na siya."

Sana nga...

Sana...

Gusto mong magkapamilya, laging yan ang sinasabi mo sa loob ng siyam na taon nating magkasama... pero hindi ko inaasahan... na hindi pala ako... hindi pala sa akin...

ang Dada mo... kaakap na ang binuo nyang pamilya, anim na taon na ang nakalipas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit hindi tumulo ang luha nila? (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon