Entry Number One: Cinderella

63 9 34
                                    


BAKIT NGA BA HINDI TUMULO ANG LUHA NILA?


Sa loob ng dalawamput' pitong taon, sampu dito ay ginugol ko para mahalin ka.

Ito rin ang mga taon kung kailan nasaktan ako ng sobra.

Bigla lang kitang naalala, namiss, na hindi ko alam kung bakit. Matagal na rin kasi nung huli kitang nakita.

Habang nakatingin ako sa kisame ng aming bahay dahil kagigising ko lang, hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko si Jared. 

Kamusta na kaya siya? 

Ang lapit lang namin sa isa't isa pero hindi namin magawang magkita kasi mahirap na, ang chismis madaling kumalat lalo pa at selosa ang girlfriend nya na kahit akong bestfriend niya ay pinagseselosan niya. 

Pero sabagay, kung iisipin baka nararamdaman niya yung mga bagay na pinararamdam ko kay Jared pero hindi maramdaman dahil manhid. Naalala ko na naman ang maamong mukha niya, singkit na mga mata na kulay chesnut brown, makakapal na kilay, mapupulang labi at napakatangos na ilong dagdag mo pa ang height niya na pangbasketball. 

While browsing my facebook account, I saw one of my friend in my newsfeed wherein give me a chill nang mabasa ko.

Paul posted a while ago... Jared's wedding is tomorrow and I am the best man! Congrats bro!

I think, I am the one who didn't know na Jared is getting married and bukas na ito. Because I unfollowed him on facebook.

It gives me chills to my spine and a fast heartbeat.

Bakit nga ba hindi naging kami?

I never confess.

I never confess because it can ruin our friendship at iyon ang pinagsisihan ko. 

I am a woman with a huge confidence on the body, kaya kong sabihin lahat kahit crush sa ibang tao but not on Jared. Ayoko lang kasing mawala siya sa tabi ko kahit na halos lahat ng tao nagsasabi na bagay kami, na kami rin ang magkakatuluyan sa dulo. 

Kahit anong sabi nila, hindi nangyari yon. 

Sana pala nagtapat na ako sakanya noon na gusto ko siya, kung nareject ako mas okay lang kesa ngayon na wala, hindi na nga nakapagtapat hindi pa kami nag-uusap.

 I'd lost my contact to him when he got his girlfriend two years ago. Yes, it was two years ago, nagkakasalubong kami sa daan kaunting kamustahan pero hindi na tulad ng dati. Paano nga ba kami noon?

He was famous during our highschool days, pagdadating siya nakangiti na ang mga tao. Mukha lang siyang bad boy pero hindi naman, medyo playboy, medyo lang naman. Hindi kami close, hindi rin kami magkaibigan noon, nagkataon lang na intrams noon, nang mapagtripan ako ng mga kaklase ko na ipahuli sa jailbooth. 

Malakas ang personality ko pero tinatablan ako ng takot pagnakakakita ako ng palaka at iyon ang nasa loob ng room na pinaglagyan sakin noon. Sa sobrang takot ko, kinalampag ko yung pinto na nakasara hanggang sa pagbuksan nila ako, pero dahil sa takot at galit ko, ang nagbukas ng pinto ay sinapak ko. 

And that was him Jared.

Trending ako noon dahil nga ang crush nila ay sinapak ko at nagkablack eye sa kanang mata niya pero imbis na magalit siya, pinunasan lang niya ang mata ko dahil umiiyak na pala ako noon.

"Sorry talaga, sorry, sorry, hindi ko talaga sinasadya." Pinagdaop ko pa ang palad ko, at nakatapatparin ako sakanya pero kahit na anong sabi niya na "that's okay" hindi ako pumayag na ganun nalang kasi nakasakit ako.

Bakit hindi tumulo ang luha nila? (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now