Entry Number Four: My Wedding Vow

27 6 27
                                    



December 26....

Paano nga bang ang tulad ko ay makakakilala ng babaeng tulad mo?

Nilibot ko ang aking paningin sa lugar na pagsusumpaan natin ng pag-ibig. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ito ang araw na pinakahihintay natin...

Ayaw mo ng magarbong gayak kaya't simpleng dilaw na mga bulaklak lamang ang disenyo ng simbahan. Ang mga bisita ay nakasuot rin ng dilaw dahil ang gusto mong ikaw ang mamukod tangi sa araw na ito. Ikaw lang ang nakaputi.

Hindi pa man bumubukas ang pintuan ng simbahan ay hindi na ako mapakali. Nadiyan ka na ba sa likod ng pinto? Gustong gusto na kita makita ulit.

Nagulat ako ng may mag-abot ng panyo sa akin. Nakita ko ang Best man kong kapatid mo.

"Para kang bakla pre, dapat kapatid ko ang umiiyak hindi ikaw." Natawa kami pareho sa sinabi niya.

Ganito rin ba ang nararamdaman mo?

Huminga ako ng malalim dahil narinig ko ang tinig ng tita mo.

Bubuksan na ang pinto.

Kailangan ko ng magsimula.

Nagkaroon ng kaunting ingay ang paligid, napasinghap ang ilan dahil sa tinig na narinig nila.

Oo, ako rin ang kakanta. Hiling mo yon diba?

Lumiwanag ang paligid dahil sa pagbukas ng tuluyan ng pinto ng simbahan.

"Can this be true?
Tell me, can this be real?
How can I put into words what I feel?
My life was complete
I thought I was whole
Why do I feel like I'm losing control?"

Tumulo na naman ang aking luha...

Sa wakas nakita na ulit kita.

Paano nga ba ako nahulog sa matatamis mong ngiti? Tinignan ko muli ang paligid, nakita ko silang nakangiti sa akin. Ang ganda ng boses ko no? Kitang-kita ko sa mukha mo na kinikilig ka sa boses ko. Napakabagal mo naman maglakad, atat na kong makatabi ka. Bilisan mo!

I never thought that love could feel like this
And you've changed my world with just one kiss
How can it be that right here with me
There's an angel?
It's a miracle.

Ah, naalala ko noon, ang bait mo... sa sobrang bait mo kahit binubully kita nginingitian mo lang ako. Kahit na puro kasamaan lang ang ginagawa ko sa araw-araw, hindi ka nag-atubiling tulungan ako noong kailangan ko ng tulong. Ikaw ang nakapagpatino sa katulad kong gago.

Your love is like a river
Peaceful and deep
Your soul is like a secret
That I never could keep
When I look into your eyes
I know that it's true
God must have spent
A little more time
On you...

Maraming salamat sayo, biruin mo nagkaroon ng linya ang buhay ko? Itong gagong nakatayo ngayon sa altar habang hinihintay ka ay isa na ring doctor. Sabi mo pa sa akin, matalino ako, tamad nga lang. Buti nalang talaga dumating ka sa buhay ko. Naayos mo ako.

Malapit na kitang mahawakan... Malapit ka ng ibigay sa akin ng magulang mo.

Ang tatay mo grabe ang iyak ngayon sa tabi mo. Sabi niya kasi sa akin inagaw raw kita sa kanya. Ang nanay mo naman nakatingin sa akin. Binigyan ako ng matamis na ngiti habang papalapit kayo sa akin.

Bakit ang ganda mo lalo ngayon?

Kitang kita ko sa titig mo. Gwapo ba ako lalo ngayon?

"Anak. Maraming salamat at dumating ka sa buhay niya. Ikaw ang nagbigay sa kanya ng dahilan para ngumiti ulit kahit na..." hindi na natapos ng tatay mo ang gusto niyang sabihin dahil umiyak na siya ng tuluyan sa akin.

Bakit hindi tumulo ang luha nila? (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon