Entry Number Three: Last Summer 2012

33 5 13
                                    



Disclaimer: I wrote it way back 2016. I joined Fil-Stories that time, bear with my deep tagalog sentences. Mababaw lang din pero gusto ko lang ilagay dito. Thank you.

-

"Ang tagal na natin mula noong huli kitang nakita ah? Namiss kita! Sobra!" sambit ko sakanya habang tinititigan siya. Hinawakan ko siya, ramdam ko ang lamig ngunit nagbibigay parin ito ng init sa aking puso. "Ang ganda naman ng lugar na tinirhan mo, parang katulad ng tinatambayan natin noon!" Para tayong bumalik sa nakaraan dahil sa lugar na ito. Umihip ang malakas na hangin, tinatangay nito ang nakaladlad kong buhok. Naalala ko pa noon sabi mo gusto mo ko na makita laging nakaladlad ang aking mahaba at alon kong buhok. Nakita ko ang ngiti mong nakapang-aakit. Lahat ng tampo ko ay nawala dahil sa ilang taon mo kong pinaghintay.

Ilang summer na ba ang lumipas?

Sa loob ng anim na taon, nagmistulang taglamig ang sumibol na tag-init. Binawi ang init na naramdaman, tinakasan ng ngiti ang labi. Kailan ko kaya masasabi na "sa wakas, ako'y nakaahon na mula sa pagkakalunod sayo"?

Sa twing mauubos na ang pahina sa aking mga libro, hudyat na ito na malapit na kita muling makita. Hindi madaling maghintay, pero alam kong sulit ang lahat nang ginagawa ko sa tuwing nakikita ko ang mukha mo. Halos kada taon, inaabangan ko ang pagbubukas ng bahay ninyo, dahil yon ang hudyat na umpisa na ang isa sa pinakamasayang panahon ng buhay ko.

Aaminin ko, matagal na kitang gusto.

Alam mo ba kung paano?

Naalala mo ba? Sampung taon na ang nakalipas, kung saan ikaw ang nag-iisang tao na tumabi sa upuan ko, dahil walang may gustong sumabay na kumain sa isang tulad ko... na anak sa labas ng isa sa pinuno ng lalawigang ito dahil karamihan ay alam kung anong klaseng tao ito. Pero ikaw, hindi ka natakot at sinabi mo pa na "Hindi naman ikaw ang may gawa noon, hindi ka masama katulad ng tatay mo."

Hindi parin kita pinansin dahil hindi ako madaling magtiwala. Hindi rin kita ganoon kakilala. Pero alam mo kung ano ang nakakagulat? Kahit na hindi kita pinapansin, patuloy ka lang sa pag upo sa tabi ko at binibigyan mo pa ako ng isang napakainit na ngiti.

Isang hapon habang ako'y pauwi, naramdaman kong may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang aking paglalakad at naramdaman kong ganon din ang kanyang ginawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko nilingon ang sumusunod sa akin at basta tumakbo nalang ako papunta sa bahay naming. Nagkamali nga lang ata ako ng ginawa dahil nakita ko na naman ang isang bahay na kuwago lamang ang nakatira.

Hindi ko alam kung nasaan ang nanay ko, basta ang alam ko lang, iniwan nya ako dahil bunga raw ako ng pagkakamali. Sa edad kong labing lima, nabubuhay na akong mag-isa dito sa isang malaking bahay na bigay ng aking ama at may nagpupunta lang sa umaga na katulong para sa aking mga pangangailangan.

Habang kinakain na naman ako ng lamig ng aking bahay, narinig ko ang pagbukas ng gate. Sinundan ba nya ako? Dahil sa matinding kaba, tumakbo ako sa isang sulok kung saan nakalagay ang tambo na maaari kong ipukpok sa kanya. Dali-dali akong tumakbo papuntang pinto upang pukpukin ang taong kanina pa sa akin ay sumusunod.

Sakto sa pagbukas ng pinto hinampas ko ang ulo mo. Napahiyaw ka pa sa sakit noon dahil sa pagkapukpok ko, pero imbis na magalit ka sa akin, binigyan mo pa ako ng isang nakakalokong ngiti at sinabi mo pa "Ang tapang mo talaga!" Sabay abot sa isang pamilyar na bracelet sa akin at ngayon ko lang napagtanto na wala na ito sa braso ko.

"Kaya mo ba ako sinundan?" sabay kamot mo pa sa ulo mong hinampas ko. "Sorry ah? Natakot ba kita? Ayaw mo kasi akong pansinin." Nagpaalam ka na, pero isa pang kinagulat ko, binuksan mo lang ang pinto ng kabilang bahay na katabi ko. "Kami ang nakatira rito, pero ngayon lang ako nauwi, bukas nalang ulit." Kinawayan mo pa ako bago ka pumasok sa loob.

Doon nagsimula ang lahat diba? Napailing nalang ako nang maalala ang mga iyon. Nandito ako ngayon sa palagi nating tinatambayan sa tuwing uuwi ka para magbakasyon. Makikita mo rito ang isang ilog na masasabi mong napangalagaan dahil sa kulay nito, at mga puno ng mangga na madalas nating inuupuan.

Sa loob ng higit dalawang buwan na pag-upo mo sa tabi ko, hindi ko alam kung kailan tayo nagsimulang mag-usap, tumawa at mag-inisan, basta ang alam ko lang naging matalik kitang kaibigan. Pero lumipas ang mga panahon, isa na ata sa pinakamasakit na pangyayari sa magkaibigan ang nangyari sa atin. Kinailangan mo ng umuwi para ipagpatuloy ang kolehiyo sa Maynila kung saan doon matutugunan ang gusto mong kurso na wala rito sa probinsya. Ang pinanghahawakan ko nalang ay ang nag-iisa mong pangako na "hintayin mo ako, pag naubos mo na ang mga pahina ng mga libro, pabalik na ako." at sinelyuhan mo ng isang mainit na halik sa aking noo.

Saksi ang lugar na ito sa mga sinabi mo.

Pero lahat pala ng umpisa ay laging may katapusan.

Matapos ang apat na tag-init, tila ba lumamig na ang mga ito, hindi kana nakauwi rito sa atin. Patuloy kitang sinulatan sa address na ibinigay mo sa akin, pero wala akong natanggap ni isang sulat mula sayo. Nakatapos naman ako ng kolehiyo isa na akong guro. Sa loob ng apat na tag-init, parang nalusaw na rin ang pag-asa ko masabi sayo na gusto kita.

Ngayong bakasyon, ako ang ipapadala ng aming eskwelahan upang maging kinatawan sa isang conference na gagawin sa Maynila. Sa wakas, makikita ko na ang lugar na ginagalawan mo. Ang conference ay para sa mga gurong may angking taleno sa sining.

Bawat dingding dito ay may nakasabit na mga sining. Naalala kita, magaling ka rin magpinta. Habang tumitingin ako sa mga nakasabit dito, napansin ko na tinitignan ako ng mga taong nasa paligid ko.

May isang lalaking medyo matanda ang lumapit sa akin.

"Ikaw ang babaeng nasa kwadrong iyon?"

Sa kanyang pagkakaturo, nakita ko ang isang napakalaking kwadro na nakasabit sa gitna ng pasilyo. Isang babaeng nasa ilalim ng puno nakatingin sa papalubog na araw na tila ba sabik sa kinabukasang nag aabang. Sa paglapit ko sa kwadro nakita ko ang pangalan ng obrang ito "Last Summer 2012."

"Sa wakas makikita na kita." Isang pangungusap na tila ba nagdulot ng masayang pakiramdam sa akin.

"Teacher nya ako noong kolehiyo, kinukwento ka nya sa akin noon." Nakangiti ang matanda habang nakatingin sa obra na ito. Dahil sa aking pagkasabik, tinanong ko ang matanda kung saan ko sya matatagpuan.

"Panigurado ako masaya na sya. Nakita mo na ang dapat na regalo nya sayo bago ka gumraduate ng kolehiyo. Sigurado ako masayang masaya na sya ngayon." Sambit pa sa akin ng kanyang guro.

"Kaya nga po sabihin nyo na kung saan ko sya makikita para masabi ko sakanyang nandito na ako." Buong galak ko pang pilit sa kanya!














"Manila North Cemetery."

Bakit hindi tumulo ang luha nila? (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now