A/N:
Nakalimutan kong isama sa tag but this story is also about friendship :3Twentieth Shot
Binili nga ni Candice ang mga two-piece na pinili ni River para sa'min. Nanatili ako sa kanilang likod upang i-distansya ang sarili ko.
Nakikita kong napapansin naman iyon nina Candice ngunit 'di na nila pinuna pa. Nagpaalam na rin akong mauuna na sa bahay dahil hindi ganoong kaganda ang pakiramdam ko.
Hindi gumanda dahil biglang sumulpot si River.
Aaminin ko, kahit pa patuloy kong kinukumbinsi ang sarili kong wala na talaga kaming pag-asa ni River.. talagang may natitira pa ring pag-asa sa puso ko na baka..
Baka lang naman.
I sighed as I stare at my room's ceiling. Inihagis ko nalang kung saan ang mga dalang paper bags pagka-uwing pagka-uwi ko.
Wala sa sarili akong napatanaw sa nakabukas na bintana ng balkonahe ng aking kwarto. I was expecting..
I was expecting that they'll immediately go home after I did.
Pero mukhang hindi iyon mangyayari.
Ilang oras pa ang lumipas ngunit ni anino nila'y 'di ko nadatnan. Isinuko nalang at hinayaan sila.
Ano bang paki kung anong gawin nila? May relasyon sila.. Sino ba ako para mag-demand?
That night, I drank cartoons of milk just to get driven by sleep immediately. I was right. Madali akong nakatulog at 'di na inalala pa ang naiisip.
*****
“Cela, 'yung boyfriend mo ba player ng school nila ngayon?” Tanong ni Aisha kay Cela'ng nag-aayos ng mukha.
Cela proudly swung her hair. “Yes, sis! Naman! Ang galing kaya ni Jude!”
Nandito kami ngayon sa restroom ng arena na pagdarausan ng UAAP Tournament ngayong taon. Marami ring tao sa loob kaya ang init talaga at ang ingay.
Kanya-kanyang pakulo ang lahat ng manonood. May mga nakikita akong banners, balloons, mga hairbands, mga t-shirts, jerseys at kung anu-ano pa bilang pagsuporta nila sa kanya-kanyang school na sinusuportahan.
Cela, Aisha and I just wore a simple maroon shirt. Where there are printed words saying 'Go & Fight Gawking Falcons!'. May dalang maroon balloon si Cela si Aisha naman ay isang banner. Ako lang ang empty-handed sa'ming tatlo.
Sumama lang naman ako rito dahil wala rin akong magawa sa bahay. Pinauna ko pang umalis si Candice para hindi talaga kami magka-sabay dahil paniguradong hahatakin ako no'n sa crowd ng Dominicus kahit taga-Falcon naman din siya.
Masyado lang siyang loyal sa school ni River. I wonder tuloy kung bakit hindi pa siya nagpalipat doon kay Dad? Maybe dahil tapos na ang finals? Baka next year..
“Ikaw ba, Aish, player din ba si Leroy?” asked Cela when we're about to head out.
Nakipagsiksikan kami palabas hanggang sa nakahinga na kami ng maluwag at naglakad papuntang main court.
“Oo! Point guard, teh.” Pagmamayabang naman ni Aisha at nagtilian silang dalawa.
Nagbuhatan ng bangko ng mga boyfriend nila at ipinagmayabang sa isa't isa. Napailing nalang ako at nagpahuli sa paglalakad nila.
YOU ARE READING
A Shot for Love
Fanfiction(A FAN FICTION STORY) Mary Cadence Sinclair has always been in a constant cycle of her life. Even though she has her family complete, friends that are truly reliable-she still finds her existence, dull. An uncommon circumstance changed everything. T...