First Shot

751 33 67
                                    

First Shot

"Sinclair." A disgusting sweet voice shouted but I didn't move even a bit. Sa tono palang kilala ko na iyon.

Napairap nalang ako.

Our classmates made their ways out of the room. They stormed out of the room as if they were not in school. Mga akala mo nasa palengke. Tss.

Napailing nalang ako. Why do I even care? Para namang may concern ako sa kanila. Oh, please. No dramas.

Lumapit sa akin ang kaibigan kong si Cela tulad ng aking inaaasahan. Nakangiti itong naglalakad papunta sa akin dala ang isang module. Napairap ako ng ngumiti siya ng makita ang pag-irap. Alam na alam niya talaga kung paano ako pikunin. She knows how I hate being called with my surname. I glared at her.

Nakalabas na lahat ng kaklase namin at kami nalang ang natira. Like what grade conscious students usually do.

“Late lunch again! May sasagutan na naman. Hayop talaga.” Napailing siya at napadabog. “Cady, help me here nga!”

“Could you please stop cussing in front of me? Nakakarumi ng tainga.” Umirap siya. ’Kala mo talaga ang gandang pakinggan. Bihira na nga lang siyang magmura kaya unti unti na ’kong nakukumbinsing mabuti na siyang tao—not until today.

“As if naman nakakaganda rin ’yung pag-irap mo sa’kin minu-minuto. Gosh, Cady, act like we’re friends naman!” angil niya na hindi ko na pinansin.

Cela handed me her module in English and pointed the exact sentence na balak niyang magpatulong sa’kin. Bahagyang itinulak ko pataas ang salamin ko sa mukha na kanina pa bumababa.

Umupo si Cela sa tapat na upuan sa harapan ko. Kakalabas lang ni Mr. Garcia. Ang teacher namin sa Math. Halos mahilo ako sa recent topic namin sa Matematika.

Grabe. Sa terms nga ni Cela, medyo ‘hayop’ ngang talaga. Nagkataon pang nagka-sunuran ang dalawang subject na ito kaya ang sakit nga naman talaga sa ulo!

“Ano bang gagawin?” Tanong ko matapos basahin ang teksto. Mukha namang simple. Naiintindihan ko naman kaso syempre.. magkaiba naman kami ng utak.

She crossed her arms on her chest. Maganda naman siya but not the major one. More likely, average pero sa tingin ko rin kung aayusan siya ng matindi, sobrang ganda talaga ni Marcela.

She’s petite, morena, hair’s shoulder length in black color and tall. Ang problema lang sa kanya ay ang napaka-pasmado niyang bunganga at ang pagiging straightforward. Matalino nga ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagpapatulong pa ito sa’min ni Aisha samantalang honor din naman.

“Explain mo nga anong gagawin. I don’t really get it talaga! Balak ko sana kay Aish nalang magpatulong kaso umalis si gaga agad! Dunno where did she go kaya sa’yo ako bumagsak.”

“I see.” I shortly replied. Okay?

“No offense, Cady, ha? Pero kasi sa talino mo feeling ko kapag may pina-e-explain ako sa’yo e ang bobo-bobo ko! Be a little softie naman, hindi ’yung laging parang kakain ka ng tao! Jusko, teh, paano ka magkaka-jowa niyan?” Mahaba niyang litanya na kakaunti lang ata ang naintindihan ko sa rami.

At teka, ano? Jowa? Ano bang term ’yun?

Oh.. Is she referring about.. a boyfriend?

Do I need that?

“Sorry about that,” Komento ko sa huling remark niya—ignoring the very last one. “Kasalanan ko bang magkaiba lang talaga tayo ng utak? Alam mo namang hindi ako gano’ng ka-specific mag-explain tulad ni Aisha. But, anyways, I’m sorry.. really kung ganoon.”

A Shot for LoveWhere stories live. Discover now