Twenty-third Shot

48 7 3
                                    

a/n:
warning: harsh language :P

Twenty-third Shot

"River, kain tayo."

Thankfully, minutes after they talked-Dio & River-ay umalis din si Dio. Hindi ko na rin kasi talaga alam kung anong nangyari kung nagtagal siya. Baka nakita niya na 'ko rito.

Gulat na napalingon sa'kin si River dahil ilang segundo rin siyang nakatulala sa tapat ng pintuan.

Ngumiti lang ako bago lumapit sa kanya't niyakap siya ng marahan.

"You don't need to tell me." Ika ko sa kanya at tiningala. I smiled at him reassuringly. "Keep your business with Dio. It's fine with me."

Ayos lang talaga sa'kin na wala akong alam. May ilang punto akong naiisip pero ayokong tuluyang ma-involved dahil alam kong may kaakibat na naman iyong sakit.

I had enough already. Hindi ko na kakayanin kung may bago na naman. Sapat na sa'kin ang masakit na katotohanan na dala ng pamilya ko.

Iyong kay Candice? Saka ko na iisipin. Sasabog lang ang utak at puso ko kung ipipilit ko pang isiksik iyon sa'kin.

As long as wala namang kinalaman sa'kin, hindi ako mangingialam. Ayoko lang talagang may koneksyon sa'kin pero wala akong alam.

Nakakatangang kapag nalaman mo na ang tagal na pala tapos ikaw nalang ang 'di nakakaalam.

Hirap siyang lumunok bago yakagin akong pabalik. He caressed my hair. He sighed confusingly.

"I'm really sorry, love.."

I smiled. I tapped his back and pulled off. "It's okay. Let's eat, hm? I'll cook. Ano bang gusto mo?"

"You cook?" ani niya at naglakad na kami sa kusina niya. Tumango ako. "Really?"

I squinted my eyes on him offendingly. "Bakit? Anong akala mo? Kaya ko namang magluto ano!"

He chuckled and hugged me from the back when we reached the kitchen. River kissed my cheek that made me squeal.

"Ano ba 'yan! Kanina ka pa ha!" Reklamo ko dahil kanina pa talaga siya halik ng halik sa'kin porket hindi ko sinasaway! Napaka-abuso!

River's laugh thundered.

"Ayun naman pala! Hindi naman pala ako gugutumin ni future Mrs. Reyes!" He teased and ran away when I was about to punch his face.

Nagpaikot ikot pa kami sa buong bahay bago ako nakapagluto ng gusto niya. Mabuti nalang at may sapat na ingredients sa refrigerator niya. Tinatamad kasi kaming pareho na lumabas at mamili.

Pagkatapos naming kumain ay nagdesisyon naman kaming manood ng movie sa sala. Maraming movies sa laptop si River kaya roon na kami namili.

We ended up watching an anime series na nasa 25 lang ang episodes at mabuti'y isang season lang.

Entertained na entertained pa kaming dalawa dahil mystery pa iyon. Kaya't kada episode ay hinihinto namin para mag-share ng kanya kanyang thoughts kung anong maaaring mangyari sa susunod na episode.

At syempre! Hindi na rin bago ang premyo ng mananalo sa kada episode. Tutol pa nga ako ng una kahit na alam ko naman sa sarili kong mas matalino ako sa kanya dahil napanood niya na ata ito! Ang unfair naman para sa'kin!

"Itigil na nga natin 'to!" Reklamo ko't napatayo na sa inis ng nasa episode 23 na kami. Dinuro ko si River na tawa lang ng tawa. "Napaka-duga! Nakaka-dalawampung halik ka na ha!"

A Shot for LoveWhere stories live. Discover now