PROLOGUE

25 3 0
                                    

Prologue

An-An's POV

Napatampal nalang ako sa sariling noo at napa-iling-iling. Wala na talaga siyang gagawin na matino, laging nalang katangahan ang nagagawa niya. Naglakad ako palapit sa kanya, habang nakabusangot ang mukha. Lord, bakit naman ninyo ako binigyan ng boyfriend na kasing lampa niya?

"Ayos ka lang?" Tanong ko, habang nakadungaw sa kanya. Tinatanong ko pa, obvious naman na hindi siya ayos. "Napakalampa mo talaga. Napakalaking kanal 'yan, Josh. Tapos...Haayyy." Ang tanga talaga, eh. Anong tingin niya sa kanal, swimming pool? Iniabot ko ang kamay sa kanya. "Kaya mo bang umakyat o magtatawag ako ng tutulong sa'tin?"

Umiling siya, "Kaya ko na." Sagot niya. Weh, kaya na daw niya. Bahala ka.

Ang kamay kong iniaabot sa kanya ay binawi ko na. "Sige, kaya muna pala, eh." Sabi ko at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Agad siyang nag-angat siya ng tingin. Nang maramdaman na walang humawak sa kamay niyang iniaabot sa'kin. "Sabi mo tutulungan mo ako?" Tanong niya na nakatingin sa'kin.

Tinagilid ko ang ulo ko. "Sabi mo, kaya muna." At pinakatitigan siya.

"Basta, tulungan mo nalang ako."

Napanguso nalang ako at tinulungan siyang maka-akyat. Payat si Josh, kaya nakaya ko siyang maiakyat galing sa mabahong kanal. Ang baho naman! Ang baho talaga, tapos ang damit niyang puti nadumihan na. Ang mukha niya, medyo nalagyan na din ng ka-unting dumi. Hindi ko alam kong anong gagawin. Tatawanan ko ba siya o maaawa sa sitwasyon niya.

"Ako na." Sabi ko at pinusan ang mukha niya gamit ang panyo. "Napakalaki ng kanal, hindi mo ba nakita?" Paninirmon na tanong ko sa kanya.

"Nakita ko."

Kita mo 'to. Nakita naman pala. Sabihin mo tanga lang talaga siya. Dapat pala ang title ng story na 'to. Ang boyfriend kong tanga. Hindi lampa. Hahaha

"Nakita mo, tapos nahulog ka parin." Natatawa sabi ko.

"Nakita ko nga. Dapat nga iiwas na ako, kaso hindi ko nakita at naiwasan 'yong maliit na bato, kaya... Ayon, do'n ako natisod." Paliwanag niya.

Natisod sa maliit na bato? Wow!

"So, kasalanan noong bato? Tanga mo! Maliit lang 'yon. Sabihin mo lampa ka lang talaga... Tara na, umuwi ka na. Maligo ka, ang baho mo." Sabi ko, bago tumayo. "Ako na magdadrive." Hindi naman siya umangal, kaya kinuha ko na ang susi sa kanya.

Nakarating agad kami sa bahay na tinitirahan niya. Wala na ang mga magulang niya, 'yon ang sabi niya sa'kin. Ang Tita Gina nalang niya ang kasama dito, at nag-aalaga sa kanya. Ang alam ko namatay ang nanay niya no'ng pinagbuntis niya si Josh. Ang tatay naman nito, hindi ko alam kong nasaan. Sabi patay na. Pero kapag tinatanong ko kong anong kinamatay. Laging sinasabi, 'Basta patay na' May gano'n? "Maliligo lang ako, gusto mo ba na samahan ako?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Hoy! J-josh, a-anong, gusto mo ba na samahan ako? Umayos ka nga." Hindi na ako inosente. I mean, inosente naman, pero 'yong utak hindi na. Hindi ako nanunuod kong 'yon ang naiisip ninyo, binabasa ko 'to. Marami sa wattpad, kaya maalam ako sa mga bagay na hindi pa dapat malaman ng katulad kong kabataan.

"Lagi mong sinasabi na ako ang tanga. Ikaw din pala. Sumama sa kwarto. Do'n lang, uupo at hihintayin akong matapos... Ano sasama ka?"

Ahh. 'yon lang naman pala. Masiyado ng madumi ang utak ko kababasa ng mga may matured content na stories. Bwahahaha.

"Hindi na. Tutulungan ko nalang si Tita na gumawa ng hapunan... Bye." Peki akong ngumiti at kumaripas ng takbo papunta sa kusina kong nasaan si Tita Gina. Mamaya mag-iba pa ang isip ko at talaga sasama ako sa kanya sa loob ng banyo. Hihiludan ko lang siya sa likod. Promise! Hihiludan lang talaga. Wala na akong ibang gagawin.

Naglalagay na ako ng plato at kubyertos na gagamitin namin. Habang si Tita Gina, naman ang naghahain ng kanin at ulam. Napatigil kami sa ginagawa ng dumating si Josh. Nakaligo na at amoy na amoy ang mabagong halimuyak niya. Para talaga siyang kawalayan. Matangkad na payat. Napa-iling ako sa naiisip.

"Tita." Tawag niya at ibinuka ang dalawang braso, para salubungin ng yakap si Tita Gina. Pero, dahil nga sa lampa siya. Napagkrus niya ang dalawang paa, dahilan kong bakit nadapa siya. Nauna na naman ang mukha niyang humalik sa tiles at para ulit siyang palaka sa posisyon niya. Nakadapa ang dalawang palad sa tapat ng kanya ulo. Napalobo ko nalang ang sariling pisngi, dahil sa pagpipigil kong tumawa.

Natapos ang hapunan namin na puro kwentuhan. Nakwento ko din ang katangahan na ginawa niya kanina. Wala yatang araw na hindi siya nagiging lampa o nakagagawa ng katangahan . Masama ba akong girlfriend, kapag tinatawagan ko siyang tanga o lampa? Kahit naman sabihan ko 'yon sa kanya. Mahal ko parin siya. Para bang 'yon lang ang way ko para biruin siya. Pero alam kong hindi dapat ganu'n dapat. Tsaka kong hindi ko siya mahal, sana noon ko pa siya hiniwalayan. Sana matagal na kaming wala, at sana wala ako dito sa tabi niya ngayon, dahil sa lahat ng kahihiya na nagawa niya. Pero nandito parin ako. Narito parin sa tabi niya. Mahal ko siya, kahit ano pa siya. Ganito lang talaga ako sa kanya.

"Ihahatid na kita."

Mabilis naman akong tumanggi at sinabing kaya ko na ang sarili ko. "Kita nalang tayo bukas sa school. Bye!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Pagdating ko sa bahay. Tahimik ang buong paligid. Pero, sanay na ako. Mapait akong ngumiti. Lagi naman ganito ang eksenang nadadatnan ko. Dumiretso na ako, kong saan ang kwarto ko. Nag-shower lang ako saglit at natulog na.

Vote and Comment guy's ❣️

ANG BOYFRIEND KONG LAMPAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz