CHAPTER 1

17 1 0
                                    


Chapter 1

An-An's POV

Maaga akong nagising. Para pumasok sa school ngayong araw. Hindi na ako nag-almusan, dumiretso na agad ako sa sakayan ng jeep. Mas gusto kong maging independent, kaysa magpahatid sa driver dito sa bahay. Tsaka nasanay na din akong pumasok sa school na walang laman ang tiyan. Kahit pa lagi akong pinag-sasabihan ni Josh. Na kesyo dapat kumain ako ng kahit ka-unting kanin lang. Pero, ayaw ko talaga. Wala akong panlasa sa umaga. Baka, kasi patay na ako. Charr. Nasanay lang siguro, kaya gano'n.

Naka-upo ako sa waiting shed ng school, habang hinihintay na dumating si Josh. Nang bigla nalang lumapit sa'kin si Lara. Ang isa sa bully naming kaklase. Binati niya ako, pero ako tinignan ko lang siya. "Hinihintay mo 'yong lampa mong boyfriend?" Tanong niya, at sinabayan ng nakaka-insultong tawa. Naku! Sinasabi ko na. Haya'n na naman, magsisimula na naman siya. Kong makapanlait akala mo napakaperpekto. "Ikaw." Ikaw nga naging gold na ang ngipin mo, pinaki-alaman ko ba? Ano naman kong lampa ang boyfriend ko, at least siya mabuting tao. Tsaka, dapat ako lang ang nagsasabing lampa ang boyfriend ko. Ikaw, boyfriend mo ba siya? Kong makatawag ka ng lampa, close kayo? 'yan ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero nanahimik nalang ako. Kabilin-bilinan ni Josh, 'wag ko daw patulan ang mga nambubully at nang-iinsulto sa kanya. Pachoosy naman siya, siya na nga 'tong tutulungan.

"Anong ako?" Mataray na tanong niya.

Ayaw ko siyang patulan, kaya tumayo na ako sa pagkaka-upo at lumipat ng lugar kong saan ko siya puwedeng hintayin. Narinig ko pa ang boses ni Lara. Tinatawag niya ako at ilang beses sinabing bastos daw ako. Pake alam ko naman sayo. Habang hinihintay siya, nakita kong papalapit sa'kin si Christian. Isa sa mga manliligaw ko. Oo, 'mga'. Kahit na may boyfriend na ako. Hindi parin sila tumitigil sa panliligaw. 'di ko naman ikaka-ila na maganda talaga ako. Hahaha. Kaya, medyo habulin din ako ng boys. Pero, ni isa sa kanila walang akong pinapansin. Kasi nga, loyal ako. Kahit pa payatot, maitim, nerd, tanga at lampa si Josh. Siya parin ang pipiliin at mamahalin ko. Hindi lang naman kasi sa panlabas na anyo, kong bakit kailangan mong mahalin ang isang to. Dapat pati din sa panloob. "Mag-isa ka?" Tanong niya.

Mukha bang may kasama akong hindi niya nakikita? Isa din 'tong tanga, eh. Pero, dahil nga mabait ako tumango ako sa kanya bilang sagot sa tanong niya. Magsasalita pa sana siya ng marinig ko ang boses ni Josh. Agad akong napatayo at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

What the! Ano na naman ang ginagawa niya sa sahig? Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Christian, agad ko naman siyang tinignan ng masama, bago siya iniwan at lumapit sa lampa kong boyfriend. "Ano na naman ang ginagawa mo diyan? Ang aga-aga nakikipag-halikan kana sa simento." Masungit na sabi ko at tinignan ang mga estudyante na kinukuhanan siya ng litrato. "Tigilan nga ninyo 'yan. Imbes na tulungan niyo, inuna pa ninyong kuhanan siya ng litrato!" Sigaw ko sa kanila. Tinulungan ko ng makatayo si Jost, at inalalayan kong maglakad palayo sa mga pesting estudyante.

"Ang lampa mo talaga! Ano na naman ba ang ginagawa mo? Feel mo ba halikan 'yong simento?!"

"Hindi ko naki--."

"Hindi mo nakita 'yong maliit na bato?! Gas-gas na 'yon." Putol ko sa sasabihin niya. Sa araw-araw niyang palusot 'yon. Akala niya hindi ko alam na 'yon na naman ang sasabihin niya. "Patingin." Sabi ko at tinagilid ang mukha niya. May galos ng ka-unti sa bandang baba niya. Naglabas ako ng bulak at nilagyan ng alcohol. Sa araw-araw na nangyayari ang ganito. Nakasanayan ko ng magdala ng bulak, alcohol at band aid. Nang matapos kong linisan at lagyan ng band aid ang sugat niya. Niyaya ko na siyang pumasok. Hindi pa naman kami late. Pero kailangan na talaga naming pumasok.

Sa garden kami lagi naglu-lunch. Simula kasi no'ng duma-dami na ang nambubully sa kanya. Halos hindi na kami makakain sa cafeteria. Siya lang naman dapat. Kaso, ayaw ko naman na iwan siya at mag-isa nalang dito sa garden kumain. Kong hindi kasi binubusuhan ng kong anu-ano ang pagkain, pinapatid  naman nila 'to, habang hawak ang tray na may lamang pagkain niya. Ako ang girlfriend niya, pero wala man lang akong magawa para sa kanya. "Ang lalim ng iniisip mo, baka malunod ka niyan." Natatawang sabi niya, bago ako sinubuan. Nginuya ko muna 'to at nilunok, bago nagsalitan. "Edi, sana nalunod na ako." Sabi ko. Tinawanan lang naman niya ako, bago ulit ako sinubuan. Para na ba akong baby sa lagay na 'to? Syempre, baby naman niya ako, kaya okay lang na subuan niya ako. Eh, ikaw? Sinubuan ka na ba? Sinubuan ng pag-kain? Kong hindi pa,  'wag kang mainggit, darating din 'yan sayo.

—————————————————————————————————————————

"Kapag ang badboy nagmahal pati asin lalanggamin?" Basa ko sa binabasa kong story.

"Naniwala ka naman?" Tanong ni Josh.

"Kapag nakita ko. Baka, oo... Subukan natin, tignan natin kong lalagamin ba ang asin."  Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa kama niya at hinila siya. "Halika, samahan ko ako, gagawa tayo ng experiment." Natatawang sabi ko.

Wala man kaming badboy na kasama, at hindi ko alam kong gagana nga ba ang kalukohan na gagawin ko. Basta gusto ko lang subukan, wala namang mawawala. Hindi ba?

Nasa bahay na kasi nila kami. Wala si Tita Gina. Kaya kaming dalawa lang ang narito. Wala kaming gagawin na kahit ano. Kaya 'wag kayong mag-isip ng kong anu-ano diyan. "Walang langgam na pupunta sa asin, An-an. Nagiging baliw ka na sa kababasa mo ng Wattpad. Tigil-tigilan muna 'yan." Sabi niya at nahiga muli sa kama.

"Ikaw din naman nagbabasa."

"Nagbabasa ako. Pero, hindi Wattpad. hindi kagaya mo na puro fictional character lang ang binabasa, hindi naman sila totoo at nag-i-exist." Sabi niya at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng libro. Sinilip ko, kong anong libro ang binabasa niya. 'Tomorrow's Lawyers: An Introduction to Your Future'? 'yon ang nakalagay. Pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin.

Ano nga ulit ang sinabi niya? Sinabi niya na hindi sila totoo at nag-i-exist? Aba't, pinapamukha pa talaga sa'kin. Lumapit ako sa kanya, at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Ikaw." Sabi ko at dinuro siya. "Kahit na hindi sila totoo, marunong silang makuntento sa isang tao at magmahal ng totoo."

"Marunong din naman ako." Sabi niya at deretso na nakatingin sa mata ko.

"Pero... basta, 'wag mong gina-ganon ang mga baby ko. Sasapakin kita! Hindi man sila totoo, at least alam nila kong paano pahalagahan at mahalin ang taong mahal niya." Sabi ko, bago naglakad palabas ng kwarto.

"Sino bang boyfriend mo, huh?" Rinig ko pang sigaw niya. Pero hinayaan ko nalang.

Vote and comment guy's ❣️

ANG BOYFRIEND KONG LAMPAWhere stories live. Discover now