CHAPTER 3

15 0 0
                                    

Chapter 3

An-An's POV

"Anong mayroon, Ma? Bakit andaming pagkain?" Tanong ko. Para kasing may fiesta dito sa bahay sa dami ng pagkain na nakahain sa hapag.

"Gusto ko lang mag-celebrate." Nakangiti nitong sabi.

"Mag-celebrate? Saan naman?" Tanong ko ulit.

"Sa ngayon hindi mo muna puwedeng malaman." Ngumiti siya ng pilit. May duba ako. May tinatago siya. Sa paraan palang ng pagkakangiti niya may kakaiba na. "Kain na!" Sigaw ni Mama, kaya nawala ang tensyon na namumuo sa hapag.

"Oo nga. Kumain na tayo. Lumalamig na ang pagkain." Sang-ayon ni Papa at ngumiti din ng pilit. May iba talaga. May hindi sila sinasabi sa'kin.

Natapos ang dinner na maingay at masaya. Masaya at maingay silang nagkukwentuhan sa kong anu-anong bagay. Pero ako tahimik lang. Masama talaga ang pakiramdam ko dito sa mala fiestang pagkain na 'to. Paano kong ibinenta pala nila ako? Paano kong pampalubag loob lang ang ginawa nilang celebration na 'to. Siguro mahal ang ipinangbayad sa'kin, kaya madaming pagkain na nakahain dito sa lapag. Nako! 'wag naman sana.

—————————————————————————————————————————————

"SOFHIA!" Malakas na sigaw ko ng makita ko ang kaisa-isa kong kaibigan. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit. Yumakap din naman siya pabalik sa'kin. "Namiss kita. Anong ginagawa mo dito?" Masayang tanong ko. Last month lang nagtransfer siya sa ibang school. Kasi kailangan na asikasuhin ng mga magulang niya ang business nila. Hindi ko alam kong saan 'yon. Hindi ko naman na inalam. Basta ngayon masaya ulit akong makita siya.

"God! Namiss din kita." Sabi niya, bago namin pakawalan ang isa't isa. "Good news, Love..." Ngumiti siya sa'kin, ako naman hinihintay ang susunod na sasabihin niya. "..Dito na ako mag-aaral." Agad nanlaki ang mata ko at napatalon sa tuwa. Napahawak naman siya sa kamay ko at sinabayan ako sa pagtalon. Ganito talaga kami, kapag masaya. Tsaka love ang tawag niya sa'kin. Walang halong landi o harot. Sadyang 'yon lang ang nakasanayan niyang itawag sa'kin. Natigil lang kami sa pagtalon ng may marinig kaming malakas na pagtikhim. Sabay kaming napatingin ni Sofhia, sa lalaking nasa gilid namin.

"Ayy. Oo nga pala. Love, si Dion, pinsan ko. Dion si Andrea Ramirez, best friend ko." Nakangiti 'to ng matapos kaming ipakilala sa isa't isa. Masasabi kong guwapo siya. 'yong tinatawag niya na Dion. Maputi, matangkad, hati ang buhok sa gitna, na bumagay naman sa kanya. Medyo mamula-mula din ang kaniyang labi... Pero... teka nga. Bakit ko ba siya dinidescribe. Ano namang paki ko, kong guwapo siya. May boyfriend na ako. Dapat wala ng ibang guwapo sa paningin ko, kong hindi siya lang. Si Mark Joshua Dela Vega, lang dapat. "Dito din siya mag-aaral." Dagdag ni Sofhia, habang hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya.

"Andreaa!" Tawag sa'kin ng kong sino. Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Marlou. Isa sa mga kaklase ko. Mabait siya hindi katulad sa iba naming kaklase na bully. Hinihingal pa siya ng makalapit na sa'min. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"S-si J-jo-s-h k-as-i." Putol-putol na sabi niya.

"Teka nga! Huminga ka muna. 'di ko maintindihan." Putol ko sa sasabihin pa niya.

Huminga siya ng malalim. "S-si Josh, kasi na hulog sa hagdan."

Nahulog sa hagdan!?

Walangjo! Ano naman ang ginawa niya? Napatakbo na ako agad. Hindi na ako nagpaalam kay Sofhia at Dion. Alam ko naman na susunod ang mga 'yon. Malayo pa ako, pero rinig ko na ang mga tawanan ng mga estudyante. Nakipag-siksikan ako sa mga nagkukumpulan. At parang gusto kong tumawa ng malakas, pero mas nanguna ang awa na naramdam ko ng makita ko ang posisyon ni Josh. Ako ang nasasaktan sa kanya. Nakadapa siya sa gitnang bahagi ng hagdan. Ang paa niya ay papunta pa itaas, habang ang ulo naman niya ay nasa pababa ng hagdan. Gets niyo ba? Basta gano'n. Gano'n ang posisyon niya na nadatnan ko. Pero sabi nahulog? Hindi naman nahulog, eh. Nasa may hagdan parin naman siya. Lumapit na ako at tinulungan siya. "D-dahan-dahan m-masakit ang m-mukha ko." Nahihirapan niyang sabi.. kawawang mukha lagi nalang nasasaktan dahil sa kalampahang ginagawa niya.

ANG BOYFRIEND KONG LAMPAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt