CHAPTER 2

14 0 0
                                    

Chapter 2

An-An's POV

Hinihintay kong lapitan ng mga langgam ang asin na nilagay ko sa hagdanan sa harap ng bahay nila, Josh. Pero, ilang oras na akong naghihintay at nakatunganga dito, wala parin... Tik. Tok. Tik. Tok. Tik. Tok. Agad nanlaki ang mata ko, napangiti pa ng may nakita akong isang langgam. Palapit siya ng palapit sa asin. Malapit naaa! Ayan na! Ayan na!

"Talagang ginawa mo?" Tanong ng nasa likuran. Hindi ko siya nilingon. Pero ramdam ko na ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Mamaya kasi, kapag nilingon ko siya, mawala nalang bigla ang isang kawawang langgam na 'to. Nanlaki ang mata ko. "Josh, tignan mo lumapit siya sa asin."

"Lumapit lang siya, pero hindi 'yan kukuha... Tignan mo." Turo niya. Tinignan ko naman at para akong binagsakan ng isang sakong simento. Joke. Binagsakan ng langit at lupa ng makita kong iniwan ng langgam 'yong asin. Para bang may isang nakakadiring sakit ang asin, na iniwasan niya. Tanga naman. "Tanga noong langgam, pareho kayo. " Natatawang sabi ko. Sayang kaya 'yon. Siya na nga 'tong binigyan ng pag-kain, tapos dineadma lang niya.

"Bukas pahgkatapos ng klase. Samahan mo ako."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko, habang ibinabalik ang asin sa garapon. Sayang kaya 'to, kaya ibabalik ko nalang sa kusina. Joke ulit. Itatapon ko na.

"Sasamahan ako na m-mag-gym." Nahihiyang sabi niya.

Sa gulat ko, agad akong napatayo. At dahil nga nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Kamuntik na naman siyang humalik sa simento. Magbiro ba naman kasi siya. Gym? Seryuso? Talagang may balak siyang mag-gym. Eh, baka mayupi lang siya kapag nagbuhat ng barbell. O, 'di kaya, bumalik lang sa kanya ang punching bag na susuntukin niya. Naku! Baka sa hospital ang bagsak namin. "Sa iba nalang, Josh." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Baka kasi... Pumanaw ka agad kapag sa gym tayo pumunta." Sabi ko, at sinabayan ng mahinang pagtawa.

"Wala ka talagang tiwala sa'kin." Sabi niya at ngumiti.

Oo, wala... Pero syempre 'di ko 'yon sinabi sa kanya. "Mayroon naman. Sa mga gamit lang sa gym, wala. Baka kasi pahirapan ka." Tumatawang sabi ko.

Inakbayan naman niya ako at kinuha ang garapon na hawak ko. "Pasok na tayo." Yaya niya sa'kin. Papasok na sana kami nang makita ko si Tita Gina, na nagsasarado ng gate. Hinintay na namin siya. At ng matapos siya, sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. May dala siyang isang malaking galon ng Ice cream. Hindi pa man niya naibababa 'yon. Kinuha ko na agad. Natakot kasi ako na baka, kaya, ayaw no'ng langgam ng asin, kasi 'tong ice cream ang hinihintay niya. Hindi ko siya bibigyan. Choosy pa kasi kanina, eh. Naglagay na ako ng ice cream sa dalawang mangkok, bago 'to dinala sa kwarto ni Josh. Si Tita Gina, nagpaalam na sa'kin na magpapahinga, medyo masakit daw ang ulo niya. Masakit pala ang ulo. Dapat hindi na siya lumabas para bumili ng ice cream.

Papunta na ako sa kwarto ni Josh, dala ko ang dalawang mangkok sa magkabilang kamay. Kaya ang ginamit kong pangbukas sa pinto ay ang paa ko. Naabutan ko siya na inaayos niya ang makakapal niyang libro. "Law talaga ang kukunin mo sa college?" Tanong ko, bago inilapag ang mangkok sa side table ng kama niya.

Tumango siya. "Oo. Ikaw ano'ng kukunin mo?" Tanong niya.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Hindi ko naman talaga alam kong anong course ang kukunin ko sa college. Ilang buwan nalang, gagraduate na kami sa senior high. Pero 'to ako, nganga parin sa pag-iisip sa course na pipiliin. "Pero gusto kong maging house wife nalang... Gusto ko na nasa bahay lang nag-aalaga ng mga anak... Ayaw ko silang magaya sa'kin...  Gusto ko, na iparamdam sa kanila 'yong hindi ko naramdam na pag-aalaga at pagmamahal ng isang magulang." Sabi ko.

Simula kasi pagkabata. Laging wala ang mga magulang ko. Lagi silang nasa trabaho. Naiintindihan ko naman kong bakit sila nagtatrabaho, dahil para din naman sa'min 'yon. Ang hindi ko lang matanggap 'yong wala na silang oras para sa'kin at sa dalawa kong kapatid. Buong araw kasi silang nasa hospital at late na sila kong umuwi sa gabi. Dati ayos lang kasi nandiyan naman si Ate Angelyn at Kuya Angelo, na nakakasama ko. Pero ngayon may sari-sarili na din silang pamilya. Wala na sila sa bahay at minsan nalang din sila bumisita sa'min. At kahit na may isang kasambahay at isang driver kami sa bahay.  Pakiramdam ko nag-iisa parin ako. Kaya, kapag uwian sa school, lagi akong dumi-deretso dito sa bahay nila Josh.

Hindi ko namalayan na tapos na pala siya sa pag-aayos ng mga libro. Gumapang sa kama si Josh, palapit sa'kin at hinawakan niya ang kamay ko. "Halika dito." Sabi niya, at pinagpag ang tabi niya.

Lumapit naman ako sa kanya. Naka-upo na siya ng maayos sa kama, habang nakasandal na ang likod sa headboard. Isiniksik ko ang sarili sa kanya at niyakap siya sa may beywang. "Mag-aaral akong mabuti. Tapos kapag nakapagtapos na at may maganda na akong trabaho. Papakasalan na kita at tutuparin ko ang pangarap mong maging house wife."

Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. "Kong gano'n... Bawas-bawasan muna ang pagiging lampa. Ayaw  ko din ng asawa na tatanga-tanga at bigla nalang nahuhulog sa kong saan-saan na akala mo swimming pool ang huhulugan. Dapat sa'kin ka lang nahuhulog. At ayaw ko din ng asawa na bigla nalang naghahalikan sa simento. Dapat 'yang labi mo. Sa labi ko lang hahalik." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Kahit na maitim siya. Nakita ko na namula ang pisngi niya. At para siyang nasusunog na uling. Joke. "Ang arte mo naman... Paano kapag ganito na talaga ako. Iiwan muna ba ako, gano'n?"

"Ahmm... Pag-iisipan ko pa." Pabirong sabi ko at sinabayan 'to ng mahinang tawa.

"Umuwi ka na nga." Sabi niya at itinulak ako ng mahina.

Mabilis akong napabangod sa pagkakahiga. "Hindi ko pa nga nauubos 'yong ice cream ko. Pinapa-uwi muna ako agad." Sabi ko at inirapan siya. "Lusaw na siya. Ikaw kasi."

Hindi niya kinain ang ice cream na kinuha ko para sa kanya. Hindi sa ayaw niya. Hindi ko lang talaga 'to binigay sa kanya. Nasarapan kasi ako. Tsaka mas masarap pala kapag lusaw na 'yong ice cream. Subukan ninyo. Masarap talaga, promise! Nang matapos kong kainin 'yon. Umuwi na din ako agad. Akala ko katulad ng lagi kong nadadatnan sa bahay. Na tahimik at nasa kaniya-kaniya ng kwarto si Manang Beth at Manong Lito. Ngayon, nasa sala siya kasama ang mga anak ni Ate Angelyn at Kuya Angelo. Nandito sila?

"Andrea, nand'yan kana pa?" Tanong ni Ate Angelyn. Palabas siya ng kusinan kasabay 'yong asawa niya. Si Kuya Aaron. Nakasunod naman sa kanila si Kuya Angelo at Ate Cyryl. Ang asawa ni Kuya. "Ginabi ka yata. Saan ka galing?"

Naglakad ako palapit sa mga pamangkin ko at ibinaba ang bag sa mahabang sofa. "Sa kaibigan ko lang Ate." Sabi ko. Hindi kasi nila alam na may boyfriend ako. Si Manong Lito lang ang nakaka-alam. Ayaw ko din sabihin kay Manang mamaya ay madulas siya at masabi niya kay Mama. Mahirap na. Kaya kailangan kong ipalusot na galing ako sa isang kaibigan. "Hi, Aira." Nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya. Si Aira, ang panganay na anak ni Ate Angelyn.

"Si Aira, pinansin mo. Paano naman si Cyver." Nagtatapo na sabi ni Kuya. Ngumiti ako at lalapit na sana kay Cyver, kaso napatigil ako noong sinabi niyang. "Stop! I'm a big boy now. So, don't squeeze my cheek anymore." Masungit na sabi niya, kaya napatawa nalang kaming lahat. Maliban syempre kay Ara, na isang taon palang. Ang pangalawang anak ni Ate Angelyn.

"Ayan! Completo na tayo. Let's go. Let's eat now." Malawak ang ngiti ni mama at pumalakpak pa.

Anong mayroon? Hindi naman siya ganya. Baka, sinapian siya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpaalam muna na magpapalit ng damit. Kaso, sabi 'wag na daw. Hindi daw dapat pinag-aantay ang pagkain. Daming alam. Magbibihis lang naman ako saglit. Tatakbo ba ang pagkain, kapag pinag-antay.

Vote and comment guy's ❣️

ANG BOYFRIEND KONG LAMPAWhere stories live. Discover now