Chapter 19

427 19 4
                                    

Nineteen



SPG|R18

lilli's POV

Pakatapos ng maiksing pag uusap namin ng daddy ni Evan ay nag lakad na kami papunta sa silid na kinaruroonan ng mommy ni Evan. Habang palapit kami ng palapit sa pinto ay sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko. Parang hinagalukay ang sikmura ko na mamawis ang aking noo, parang gusto ko nalang himatayin sa sobrang kaba na nararamdaman.

"Relax baby." bulong sakin ni Evan ng pansin nya ang pagiging kabado ko.

Unang pumasok ang daddy ni Evan at agad pinuntahan ang asawa nito na nakahiga sa kama. Mabilis itong napatayo ng makita nito si Evan, agad naman itong inalalayan ng daddy nya.

"Hijo! Akala ko hindi mo na naman ako dadalawin. Kung hindi pa sumakit ang dib-dib ko ay hindi no ako maiisipan puntahan." sabi nito na punong puno ng pag tatampo ang boses.

"Kamusta po ang pakiramdam nyo?" sabi ni Evan sabay humalik ito sa noo ng kanyang mommy.

Mag sasalita na ulit dapat ang mommy nya ng biglang napad pad saakin ang tingin nito. Ganon nalamang ang kaba na aking naramdaman ng pasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang muli ko itong sinulyapan ay napako ang tingin nito sa mga tattoo ko.

"Mom, i want you to meet Lilli. My fiancee..." biglang sabi ni Evan kaya naman mabilis na napabaling sa kanya ang kanyang mommy.

"What did you just say, Evan Enrique?" matalim nitong sabi kay Evan. "Nasisiraan ka na ba ng bait? Kung nag rerebelde ka dahil sa biglaang pag pupumilit namin sayo ng kasal ay hindi kana namin pipilitin. Basta itigil mo lang itong kahibangan mo!" muling sabi nito, bahagyang tumaas na ang aboses.

Hindi ko magawang mag angat ng tingin dahil sa namumuong tensyon. Ang pagkakahawak ko sa kamay ni Evan ay lalong humigpit na marahan nyang inalis kaya naman bigla akong nag angat ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng marahan nya akong sa bewang palapit sa kanya.

"No mom, Hindi ako nag rerebelde. The reason why i don't want that marriage is because i want to marry someone else... And that is Lilli." mahinahon na paliwanag ni Evan ngunit hindi padin bumibitaw ang pagkakahawak nito sa angking bewang.

"Nahihibang na talaga ang anak mo Elias!" paghihisterikal na sabi ng mommy nito sabay baling sa kanyang ama.

"Malaki na ang anak natin alam na nya ang ginagawa nya. Hindi ba't ikaw na din ang nag sabi na kailangan na nya bumuo ng pamilya. Hayaan mo na mag desisyon ang panganay natin." malumanay na sabi ng kanyang daddy.

"Yes i want him to settle down but not with someone-" hindi natuloy ng mommy ni Evan ang sasabihin nito ng biglang mag salita si Evan.

"Lilli is not just someone, mom. She's different, and i love her. Sooner or later magiging asawa ko na sya."

"Hindi ako makakapayag! Malaking kahihiyan ito sa ating pamilya. Hindi ko sya matatanggap sa pamilyang ito!" galit na sabi ng mommy nya habang nakatingin saakin ng masama.

Ang kaninang pinipigilang imosyon ay tuluyan ng lumabas. Mahina ako napahikbi at napayuko nalamang.

"I'm going to marry her, whether you like it or not mom." pinal na sabi sabi ni Evan.

"Sige sa oras na lumabas ka sa pamamahay na ito ay kalimutan mo na kami. Hindi ka na pupweding pumunta dito sa oras na pinili mo ang babaeng yan."

"Don't make me choose, Mom. Please..." nagsusumamong sabi ni Evan sa.

"No Evan, you need to choose. Your family or that woman." mahinahon na sabini nito ngunit may diin habang blangkong nakatingin saaming dalawa.

"I choose her... I'm sorry mom." mahinang sabi ni Evan kaya naman muling nag init ang aking magkabilang mata dahil sa nag babadyang pag iyak ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'll Mark You As Mine Where stories live. Discover now