Chapter 6

554 45 34
                                    

Six





HALOS mag dadalawang linggo na nang huli silang nag kita ni Evan simula nung pumunta sila sa charity ball. And her father keep sending her a message to invite Evan for a dinner, at para sakanya hindi magandang ideya yon dahil baka ma-uwi na naman sila sa sagutan ng daddy nya, At sobrang nakakahiya yon kay Evan pag nagkataon.

Bigla syang na paigting ng marinig nya ang phone nya na nag ring, she immediately grab her phone and check who's calling hoping that its Evan, but her mood suddenly show a disapoiting sight.

Kuya Dante is calling....

She took a deep breath then answer kuya dante.

"Hello, boss Miggy? Good afternon boss, may ginagawa po ba kayo?" Sabi nito sakanya pagkasagot na pagkasagot nya ng tawag.

"Ahm, wala naman po kuya dante. Medyo na late lang ako ng gising, bakit may problema ba jan sa shop?" tanong nya habang papunta ng sala ng condo nya at binuksan ang makapal na kurtina at sliding door para pumasok ang liwanag at hangin.

"Wala naman pong problema, kaya lang need namin ng back up eh. Ang dami kaseng nag papa-tattoo, boss"

"Ah, ganon po ba, sige papunta na ako jan kuya dante. Pasabi nalang kay Lucas pa ayos na nang pwesto ko." then she end the call and immediately went to shower room.

After few minutes natapos na din sya sa pag piligo at agad nag bihis.

Habang papunta sya sa parking lot iniisip nya padin si Evan dahil mag dadalawang linggo na itong walang paramdam.

Bat kaya walang paramdam 'tong doktor na to!

When she reach the parking lot agad syang sumakay sa nakaparada nyang sasakyan at nag maneho papuntang shop.

Nung tumigil ang sasakyan dahil sa stop light kinuha nya ang cellphone nya para itext si Evan dahil hindi nya na talaga kaya na hindi malaman ang dahilan kung bakit hindi sya nito tinatawagan at tini-text

mababaliw na ako!

To: Doc. Evan

Hey, how's your day?

Pagkasend nya non ay sakto naman nag gow na ang stop light kaya nag maneho na sya papunta ng shop.

PAGPASOK nya ng shop nakita nya agad sila kuya dante na abala sa pag ta-tattoo habang ang ibang tao na nag hihintay ay nasa mahabng sofa at namimili ng mga design.

AGAD syang bumaling ng tingin kay lucas ng tawagin sya nito.

"Boss miggy, ready na po." sabay turo nito sa mesa kung saan sya nag ta-tattoo.

Tinanguan nya lang ito at nag tungo na sa loob ng opisina nito para ipasok ang dalang bag at nag hinanda na ang mga gagamitin nya.


Habang tumatagal paunti na ng paunti ang mga tao sa loob ng shop at medyo nakaramdam na din ng pamamanhid ang kamay nya dahil ilang oras na syang nag ta-tattoo hanggang sa hinanap ng mata nya si lucas at tinawag ito.

"Bakit boss?" tanong nito sakanya ng makalapit.

"Ahm, after netong tina-tattoo-an ko pa assis nlang sa iba." sabi nya sabay turo sa babaeng naka upo sa harap nya at pumipili ng design.

"Sige po boss" sabi ni Lucas at agad naman inasikaso ang ang iba pang mag papa-tattoo.

NATAPOS ang buong araw pero wala syang natanggap na reply mula sa binata.

WALANG imosyon at walang gana syang lumabas ng shop at nag maneho papunta sa condo ni George.

"Hey, my friend! What brings you here" bungad sakanya ni George ng pagbuksan sya nito.

I'll Mark You As Mine Where stories live. Discover now