Chapter 1

1.3K 52 72
                                    

One





Nagising sya dahil sa sunod sunod na tunog ng kanyang cellphone, padabog nya itong inabot na nasa lamesa sa gilid ng kama nya.

Ellie is calling...

Automatoko na umikot ang mata nya ng makita kung sino ang tumatawag. Ang bunso nyang kapatid, na tiyak ay pipilitin na naman sya na pumunta sa family dinner nila, at sigurado sya na wala na naman maayos na mapupuna sakanya ang ama. Pero wala syang choice kundi sagutin ang tawag ng kanyang kapatid. She sighed before answering the call.

"What ellie, ang aga aga mo mang istorbo" bungad nya sa kapatid

"Ang aga aga ang sungit ng ate kong maganda" palambing naman na sabi ng kapatid

"So bakit ka nga tumawag" naiirita nyang tanong.

"Hay nako, ate pwede ba bawas bawasan mo yang pagiging masungit mo. Baka mamaya tumanda kang dalaga, sige ka."

"like i care?" at muli na naman umikot ang mata nya dahil naiinis na talaga sa pang aasar ng kapatid.

"So, eto na nga ate tatanong ko lang kung anong oras dating mo mamaya para sa family dinner. Para na din ma paayos ko yung room mo, excited na ako kase minsan lang tayo mag kasama-sama ng kumpleto"

"I knew it! Kukulitin mo na naman ako about jan sa dinner na yan. Well about that, my answer is.... Hindi ako pupunta"

"Pero ate kaylangan kumpleto tayo, isa pa sigurado ako hahanapin ka ni daddy."

Dumilim ang muka nya sa ideyang hahanapin sya ng ama nya. For what reason? Para ipamuka na naman sakanya na wala syang silbe at talunan. Hindi nya namalayan na naka kuyom na pala ang kamay nya.

"Ate? Anjan ka pa ba?"

"Still, No pa din. Isa pa hindi naman ako kaylangan jan, staka na ako sasama sa dinner nyo pag may narating na ako sa buhay, gaya ng langing sumbat ni daddy."

"Pero ate-"

"And my importante akong kaylangan gawin"

"Mas importante sa dinner natin?" sa tinig ng kapatid ay halata dito ang pagka dismaya at lungkot.

She took a deep breath after hearing her sister sad voice.

"Yes, mas importante pa sa dinner nyo."

She cut off the line at hinagis sa gilid ng kama nya ang hawak na cellphone at muling nag talukbong ng kumot at napa pikit. Wala naman talaga syang importanteng lakad ngayon bukod sa pumunta sa tattoo shop nya at pag tapos non ay pupunta na sa bar ng kaybigan para don na abutan ng umaga.

Alas kwatro na ng hapon ng mapag disisyonan nya na umlis na ng shop. Iniisip nya kung pag bibigyan nya ba ang bunso nyang kapatid na mag punta sa family dinner daw, napa buntong hininga nalang sya at nag drive papunta sa bahay nila kung saan naka tira ang aman nya at dalawa pang kapatid. Sya lang naman kase ang naka bukod sa kanila dahil mas pinili nyang mabuhay mag isa at lumayo sakanila.

Pagka dating ng bahay ay ang bunso nyang kapatid agad ang sumalubong sakanya at niyakap sya nito ng mahigpit. "Ate!!!!!! Sabi ko na di mo 'ko matitiis eh" tinapik nito ang kamay parang sinasabi ng humiwalany na sa pag kakayakap dahil nasasakal na sya "I'm doing this for you, after ng dinner aalis din ako" at sabay na sila pumasok sa loob.

Maaga pa ng maka dating sya sa bahay kaya naman ang mga kasambahay ay abala pa sa pag luluto at pag aayos ng hapag kainan, tumigil ito sa mga ginagawa ng makita sya na pumasok sa loob, isang tipid na ngit at tango lang ang ginanti nya at saka nag pasya na mag tungo muna sa kayang silid nung doon pa sya nakatira. Pag pasok nya ng pinto ay agad sumalubong sakanya ang isang malaking frame, their family picture dahan dahan sya pumunta sa harap neto at pinag masdan. Malungkot nyang tiningnan isa-isa ang mga muka na naroon sa larawan, mga muka ng may ngiti sa labi may kislap sa mga mata at ramdam ang pag mamahalan ng isang pamilya, lumipat ang mata nya ng tingin sa larawan ng ina. Inalala nya ang mga masasayang ala-ala kasama ang kanyang ina nung nabubuhay pa ito, madiing syang napa pikit at napa buntong hininga

"Ang hirap mabuhay ng wala ka mommy, wala nang naniniwala saken. Miss na miss na po kita, bakit ba kase ang aga mo kaming iniwan" tanong nya sa larawan ng ina na para bang kausap nya talaga ito.

natigil sa pag titig sa larawan ng ina ng biglang pumasok ang kapatid upang ipaalam sa kanya na nariyan na ang ama at isa nya pang kapatid.

"ate, anjan na sila daddy at ate Ema. Tara na sa baba?" pag aya nito sakanya, agad naman itong tumango at sumunod sa kapatid palabas ng kanyang dating silid. Isang buntong hinga muna ang ginawid at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng litrato nilang pamilya at saka sinara ang pinto.

Mabagal ang kanyang pag yapak pababa sa hagdan tila ba gusto biglang mag bago ng isip nya na makasama ang mga ito sa hapagkainan. Nauna na ang kapatid na bumaba kaya naman ay sya nalang ang hinihintay ng mga ito.

Nang marating nya ang malawak na kusina at mahabang lamesa ay agad nyang nakita ang ama na agad naman tumingin sa kanya, napunta sa mga tattoo nya ang mga mata ng ama at marahan na napa pikit ito, tila ba dismayado dahil nakita nya ang mga ito at dahil sabi-sabi ng iba na bastos ang ugali nya ay nag dirediretso ito at umupo sa tabi ng bunsong kapatid.

"Ok, ate lilli is here! Let's eat na" si Ellie na masigla at masaya ang pagkakasabi.

Tahimik sila na nag umpisa ng kumain, gusto nya na matapos agad ang dinner na ito dahil hindi nya na kaya ang pa saglit saglit na sama ng tingin sakanya ng ama o kung sa kanya ba talaga ito naka tingin o sa mga tattoo nya na naman.

"Nga pala ate kumusta ang tattoo shop mo, malaks ba kita?" si Ellie na may aliw ang tono nito

"Ok naman, minsan malaks kita minsan sakto lang" sabi ko without looking at her

"kuntento kana sa ganyan mong buhay? Sa sakto lang? Bakit hindi mo ayusin ang buhay mo at mag hanap ng maayos na trabaho"

Bigla syang natigil sa pagkain ng mag salita ang daddy nya.

"Dad, maayos ang buhay ko. Isa pa gusto ko ang ginagawa ko"

"Gusto mo na ganyan ka nalang? Gusto mo na walang narating sa buhay? Gusto habang buhay ka nalang nasa ibaba? Yan ba ang gusto mong ipakita sa mommy mo, na wala kang silbi at pakinabang. Para saan pa ang tinapos mong Business Management kung hindi mo naman magagamit"

"Ikaw lang namn ang nag sabi na Business Management ang kunin ko. Its not really my thing by the way.

Pagkatapos ng sinabi nya ay agad na syang tumayo dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito.

Paalis na sana sya ng mag salita ulit ang daddy nya.

"Bakit hindi ka tumulad sa mga kapatid mo, may mga kanya-kanya ng propisyon at narting sa buhay. Ikaw lang ang tanging nag papahiya sa pamilyang ito, look at your self. Sa tingin mo ba maganda tingnan yang marami kang tattoo."

"But I'm not them para tumulad sakanila. Pasensya na po pag tatattoo lang kase ang alam kong propesyon." at tuluyan na ako nag lakad papunta sa pintuan ng kusina at huminto panandalian.

"And yeah, you're right dad, wala nga siguro talaga akong silbi at pakinabang."

A/N: Hi! Pls follow me:))

Enjoy Reading

Enjoy Reading

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I'll Mark You As Mine Where stories live. Discover now