Chapter 7

26 9 0
                                    

Narrator:
"Habang tinatanaw ni Prinsesa woo hee ang mga naggagandahang tanawin kasama si Prinsipe baek-ah ay tila ang tinatanaw ni prinsipe baek-ah ay ang napakagandang mukha ni prinsesa woo hee at napansin naman ito ni prinsesa woo hee at bigla niya itong kinausap.

PRINSESA WOO HEE:
"Prinsipe baek-ah tila ata ang tinatanaw mo ay ang aking mukha, sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Ah paumanhin prinsesa woo hee nasisiyahan lamang ako sa pagtanaw ng iyong napakagandang mukha, sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Masyado ka namang palabiro prinsipe baek-ah, nakangiting sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH
"Ah hindi ako nagbibiro mahal ko este mahal na prinsesa woo hee, seryoso ako sa sinabi ko, kung alam mo lang kung gaano ako nabibighani sa iyong kagandahan, seryosong sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Ah sige na kung seryoso ka sinabi mo sige lang maniniwala na ako, salamat sa iyong sinabi, nakangiting sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Walang anuman mahal ko este mahal na prinsesa woo hee, alam mo bang mahal na kita prinsesa woo hee sambit nito, hanggang sa hinawakan niya ang napa kagandang mukha ni prinsesa woo hee at bigla niyang hinalikan ito, at kinagulat naman ito ni prinsesa woo hee, at biglang pinigilan ito ni prinsesa woo hee.

PRINSESA WOO HEE:
"Sandali lamang prinsipe baek-ah masyado ka naman atang mabilis, dapat di mo ginawa yun, sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH
"Paumahin mahal ko este mahal na prinsesa woo hee, hindi ko sinasadyang gawin yun, sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Ayos lang prinsipe baek-ah basta wag mo na ulit gagawin yun, sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Oo mahal ko este mahal na prinsesa woo hee di ko na ulit gagawin yun, sambit nito.

"Samantala naman habang tinatanaw ni prinsesa woo hee ang napakagandang tanawin, ay tila naglalakad lakad naman si prinsesa hong shim sa may tabing ilog, at nakaramdam ito ng pagod sa kanyang paglalakad lakad sa may tabing ilog kung kaya't umupo muna ito sa may tabing ilog, at habang nakaupo ito sa may tabing ilog ay nakita naman siya ni prinsipe lee yool habang naglalakad din ito sa may tabing ilog.

Sa may tabing ilog:
PRINSIPE LEE YOOL:
"Ah Prinsesa hong shim anong ginagawa mo rito sa may tabing ilog at tila ay nag iisa ka, tanung na sambit nito.

PRINSESA HONG SHIM:
"Ah prinsipe lee yool ikaw pala, ah wala naman naglalakad lakad lamang ako dito sa may tabing ilog at nakaramdam ako nag pagod sa aking paglalakad lakad kung kaya't na upo muna ako dito, nakangiting sambit nito.

PRINSIPE LEE YOOL:
"Ah ganun ba maari ba kitang samahan dito sa may tabing ilog? Tanung nito,

PRINSESA HONG SHIM:
"Sige prinsipe lee yool ng sa ganun ay may makausap naman ako, nakangiting sambit nito.

PRINSIPE LEE YOOL:
"Ah sige maraming salamat prinsesa hong shim, sambit nito, at umupo na ito sa tabi ni prinsesa hong shim.

"Nang makaupo na si prinsipe lee yool sa tabi ni prinsesa hong shim habang nagkukwentohan sila at tila nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan ay nakita sila nila prinsipe lee sun, prinsipe baek-ah at prinsipe wang eun, kung kaya't nais naman nila itong asarin pag uwi sa kanilang palasyo.

"Maya maya ay natapos na ang mahabang pag kukwentuhan nila prinsipe lee yool at prinsesa hong shim kung kaya't sabay na silang umuwi, at dahil gabi narin kaya't nais ng samahan ni prinsipe lee yool si prinsesa hong shim na bumalik na sa kanilang palasyo ng sa ganun ay makauwi na rin sila, at makalipas ang ilang minuto ng kanilang paglalakad papunta sa palasyo ay nakarating na sila sa palasyo at tila nagtatawanan pa ito papasok sa palasyo, kaya't napansin ito ng kanilang mga ama, ina at mga kapatid nila.

The Four Prince(Bk1)(Completed✔)Where stories live. Discover now