Chapter 46

11 7 0
                                    

Nang makapasok na sa loob ng kubo ang tatlong prinsipe at tatlong prinsesa ay agad silang nagpahinga, habang si Queen Hong shim ay nakaupo malapit sa may binatana at doon ay iyak siya ng iyak at napansin naman yun ng kanyang asawa kung kaya't nilapitan siya nito.

KING LEE YOOL:
"Mahal ko tahan na, wag ka ng umiiyak, sambit nito habang hinahaplos haplos niya ang likod ng kanyang asawa.

At sabay napayakap naman si Queen hong shim sa kanyang asawa at doon ay di pa rin siya tumitigil sa pag iyak hanggang sa may sinabi sa kanya ang kanyang asawa.

KING LEE YOOL:
"Mahal ko tama na, tahan na kahit naman ako di ko rin matanggap ang ginawa niya(Reffering to king yoo) sa aming ina lalo na sa inyong mga  magulang, mahal ko tahan na, nung ako ang malungkot at umiiyak dahil sa pagkamatay ni ama, pinapalakas mo ang loob ko, ano kaya ang dapat kong gawin para mapalakas ko din ang loob mo mahal ko, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Wala mahal ko, wala kang dapat gawin para palakasin ang loob ko, sapat na nandito ka sa tabi ko, at dindamayan ako, sambit nito habang umiiyak😢

At sabay niyakap naman siya ng kanyang asawa.

At maya maya ay nagpahinga na rin sila.

Kinabukasan:
"Maagang nagising ang tatlong prinsesa at ang reyna at agad silang nagluto ng kanilang almusal, at maya maya ay natapos na silang magluto ng kanilang almusal at sakto namang nagising na ang kanilang mga asawa at ganun din si Ji-mong.

At sabay sabay na silang nag almusal, maya maya ay natapos na silang mag almusal at lumabas muna saglit ang tatlong prinsipe at ang hari para magpahangin sa labas habang kanilang mga asawa ay nag liligpit ng kanilang pinagkainan.

Sa Palasyo ng Goryeo:
"Maagang nagising si King yoo at ang kanyang asawa na si Queen Yeonhwa at pagkagising na pagkagising nila ay agad inutusan ni King yoo ang kanyang mga kawal na hanapin ang kanyang mga kapatid.

KING YOO:
"Mga kawal!! Hanapin niyo ang aking mga kapatid at iharap niyo sila sa akin kilos na, sambit nito.

MGA KAWAL:
"Masusunod po kamahalan, sambit nila habang nakayuko at nakahawak sila sa kanilang  dibdib tanda ng kanilang paggalang.

At ganun na nga ang kanilang ginawa hinanap nga nila ang mga kapatid ni King yoo at nagmasid masid sila sa lahat ng lugar, ng Goryeo at Joseon pati na rin sa bayan kung saan ang pamilihan ng mga pagkain at kung ano ano pa.

Samantala sa Kubo:
"Natapos ng maglinis at magligpit ang mga prinsesa at ang reyna kung kaya't pinuntahan nila sa labas ng kubo ang kanilang mga asawa.

Sa labas:

QUEEN HONG SHIM:
"Mahal ko, ayos lang ba kayo, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Oh kayo pala mahak ko, ayos lamang kami, kayo ba? Kamusta na mga pakiramdaman niyo? Tanung nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Ayos naman na mahal ko, wag mo na kaming alalahanin, sambit nito.

At sabay nagkwentuhan na lamang sila.

Hanggang sa inabot sila ng tanghali sa kanila pag kukwentuhan, kung kaya't nag asikaso na sila ng kanilang pananghalian, hanggang sa napansin ni Queen hong shim na wala na pala silang makakain kung kaya't agad niyang sinabi ito sa kanyang mga kapatid at sa kanilang mga asawa.

QUEEN HONG SHIM:
"Ah mahal ko, mga kapatid  wala na pala tayong makakain, ubos na, sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Ah ate magtutungo na lamang ako sa bayan upang mamili ng ating makakain, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Teka lang baka naman kung anong mangyari sayo dun woo hee, sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Wag kang mag alala ate, mag iingat naman ako, pangako, sambit nito.

At sumabat naman si Prinsipe baek-ah.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Kung ganun mahal ko, sasama ako sayo sa bayan upang mamili ng ating makakain, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Sigurado ba kayo diyan? Sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Oo kuya, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Oh sige kung yan ang inyong nais, basta mag iingat kayo, sambit nito.

At tumango na lamang sila Prinsipe baek-ah at Prinsesa woo hee at sabay umalis na sila at nagtungo na sila sa bayan upang mamili ng kanilang mga makakain.

Makalipas ang ilang oras ng kanilang paglalakbay papunta aa bayan ay nakarating na rin sila.

Sa Bayan:
Habang namimili sila sa ng kanilang makakain ay napapansin ni prinsipe baek-ah na parang may nagmamasid masid sa kanila kaya ng makabili na sila at ng makabayad na sila ng kanilang binili at pasimple silang umalis para hindi sila mapansin ng nagmamasid masid sa kanila, nang papalabas na sila ng bayan ay napapansin ni prinsipe baek-ah na may sumusunod sa kanila kaya kinausap niya ang kanyang asawa.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Mahal ko, pagsinabi kong bunutin mo ang espada mo bubunutin mo ha, at bubunutin ko rin ang espada ko, sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Bakit mahal ko, may problema ba? Tanung nito.

PRINSIPE BAEK-AH:
"Basta mahal ko, sumunod ka na lang sakin, sambit nito.

At tumango na lamang si prinsesa woo hee hanggang sa..

PRINSIPE BAEK-AH:
"Mahal ko, bibilang ako ng tatlo at bubunutin mo yang espada mo , sambit nito.

Isa, dalawa, tatlo!! Sambit nito.

At sabay binunot nila ang kanilang mga espada at sabay nakipaglaban sila sa mga kawal na sumusunod sa kanila.

Hanggang sa bigla na lamang silang hinampas ng espada at doon ay nawalan sila ng malay.

Nang mawalan ng malay sila Prinsipe baek-ah at Prinsesa  woo hee ay agad silang dinala ng mga kawal sa Palasyo ng Goryeo.

Sa Palasyo ng Goryeo:

MGA KAWAL:
"Kamahalan, isang kapatid at ang kanyang kasintahan lamang ang nahuli namin, sambit nila.

KING YOO:
"Sige dalhin sila sa kulungan at pag nagising na ang dalawang yang saka niyo ulit iharap sakin, sambit nito.

At ganun na nga ang kanilang ginawa dinala nila sa kulungan sina prinsipe baek at prinsesa woo hee.

Samantala sa Kubo:
"Kanina pa naghihintay ang mga prinsesa at mga prinsipe ganun din ang hari at ang reyna sa kanilang kapatid ngunit hindi pa rin sila dumarating hanggang sa nagdilim na ay di parin nakakauwi ang kanilang dalawang kapatid, at doon ay nag alala na sila, kung kaya't di na sila mapakali sa kubo.

The Four Prince(Bk1)(Completed✔)Where stories live. Discover now