Chapter 57

12 7 0
                                    

Nang makapunta sa Joseon sila King Lee yool at ang Tatlong Prinsipe ay nagbigay pugay ang lahat ng mga kawal at mga dama sa kanila, pag pasok ng hari at tatlong prinsipe sa palasyo ay agad na sinabi ng hari ang pakay niya kung bakit sila nagtungo sa joseon.

KING LEE YOOL:
"Sino ang pinuno dito sa Joseon? Tanung nito.

PINUNONG DOKMAN:
"Ako po kamahalan, ano po bang ipaglilingkod ko sa inyo, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Ah ikaw pala, ano ang iyong pangalan? Tanung nito.

PINUNONG DOKMAN:
"Dokman po ang aking pangalan, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Pinunong Dokman, kailangan ko ng tulong mo, maasahan ba kita, sambit nito.

PINUNONG DOKMAN:
"Opo kamahalan, maasahan niyo po ako ano po ba ang ipapagawa niyo sa akin, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Kung ganun nais ko sanang tipunin mo ang lahat ng mga kawal dito at nais ko sanang tulungan mo si kuya Ji-mong na sanayin ang mga kawal para sa isang labanan na magaganap muli, dahil isasama ko ang ilang sa mga kawal dito sa Joseon sa aming labanan, ang aking ginagawa at gagawin niyo ay para sa katahimikan ng lahat, at sa kaligtasan ng inyong magiging bagong reyna pati na rin ang tatlong prinsesa kaya makakaasa ba kami sa tulong niyo, sambit nito.

PINUNONG DOKMAN:
"Opo kamahalan, makakaasa po kayo, sambit nito.

Mga kawal, magsipaghanda kayo magkakaroon tayo ng matinding pagsasanay!,sambit nito.

At nagsipaghanda na nga ang lahat  at pinagsanay na nila Ji-mong at Pinunong Dokman ang mga kawal sa joseon.

Samantala sa Palasyo ng Goryeo:
"Habang pinagsasanay nila Yeon at Yeom ang mga natitira pang kawal ay nag iisip naman si King Yoo ng gagawin kung paano niya matatalo ang kanyang mga kapatid.

Sa Kubo:
"Pag alis na Pag alis nila king lee yool at ng tatlong prinsipe ay nag linis naman ng kubo ang tatlong prinsesa at ang reyna at habang naglilinis sila ay pinipigilan naman ng tatlong prinsesa ang reyna na maglinis.

PRINSESA GA-EUN:
"Ate kami na dyan, mabuti pa maupo ka na lamang dyan, sambit nito.

PRINSESA WOO HEE:
"Oo nga naman ate, maupo ka na lang dyan baka mamaya niyan makasama pa yan sa magiging anak niyo ni kuya lee yool eh, sambit nito.

PRINSESA SOON DEOK:
"Oo nga naman ate, maupo ka na lang dyan, tsaka kami ang mapapagalitan nito ni kuya lee yool sa ginagawa mo eh, sambit nito.

At wala na ngang nagawa ang reyna kung kaya't sumunod na lamang siya sa kanyang mga kapatid.

maya maya ay natapos ng maglinis ang tatlong prinsesa kung kaya't nagluto na sila ng kanilang makakain, makalipas ang ilang oras ay natapos ng maluto ang tatlong prinsesa kung kaya't tinawag na nila ang reyna at nagsikain na sila.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na silang kumain at agad na niligpit ng tatlong prinsesa ang kanilang mga pinagkainan.

Samantala sa Palasyo ng Joseon:
"Patuloy pa rin ang pagsasanay ng mga kawal hanggang sa nagdidilim na kung kaya't tumigil na muna sa pagsasanay ang mga kawal at nagsipag pahinga na muna silang lahat.

Sa Palasyo ng Goryeo:
"Dahil sa nagdidilim na ay tumigil na rin muna sa pagsanay ang mga kawal at nagsipagpahinga na rin muna sila.

Kinabukasan:
Sa Palasyo ng Joseon:
"Maagang nagising sila King Lee yool at Agad na ipinatawag ni king lee yool si Pinunong Dokman kay Ji-mong.

KING LEE YOOL:
"Kuya Ji-mong maari mo bang tawagin Si Pinunong Dokman, Sambit nito.

JI-MONG:
"Sige po  kamahalan, Masusunod po, Sambit nito habang nakayuko at nakahawak siya sa kanyang dibdib tanda ng kanyang paggalang sa hari.

At umalis na ito upang tawagin si Pinunong Dokman.

Maya maya ay nakabalik na Ji-mong kasama si Pinunong Dokman.

PINUNONG DOKMAN:
"Kamahalan, Sambit nito habang nakayuko at nakahawak siya sa kanyang dibdib tanda ng kanyang paggalang sa hari. 

Ipinatatawag niyo daw po ako, sambit pa nito.

KING LEE YOOL:
"Oo Pinunong Dokman ipinatawag nga kita, pagsanayin mo na ang mga kawal, sambit nito.

PINUNONG DOKMAN:
"Opo kamahalan, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Kuya Ji-mong sige na pagsanayin  niyo na ang mga kawal, sambit nito.

JI-MONG:
"Sige po kamahalan, sambit nito.

At saka yumuko sila at inilagay nila ang kanilang kamay sa kanilang dibdib tanda ng kanilang paggalang sa hari, at saka umalis na sila upang pagsanayin ang mga kawal.

Nang maka alis na sila Ji-mong at Pinunong Dokman ay nagising naman ang tatlong Prinsipe at nagtungo sila sa Hapag kainan para kumain.

Habang kumakain sila ay iniisip nila ang kanilang mga asawa na dapat na nasa palasyo at pinagsisilbihan ng mga dama ngunit dahil sa problema na kinakaharap nila ay hindi pa makabalik ng palasyo sila Queen hong shim at ang tatlong prinsesa, lalo't iniisip din ng hari ang kalagayan ng kanyang asawa na nagdadalang tao pa, kaya naisin niya man na pabalikin na ang kanyang asawa at ang mga kapatid nito sa palasyo ay hindi pa pwede sapagkat hindi pa nila naayos ang lahat.

makalipas ang ilang oras ay  natapos na silang mag sikain kung kaya't iniligpit na ng dama ang kanilang pinagkainan.

Samantala sa Palasyo ng Goryeo:
"Pagkagising na pagkagising ni King Yoo ay agad niyang pinagsanay ang kanilang mga kawal.

Ilang buwan pinagsanay nila King lee yool at King yoo ang kanilang mga kawal maging sila ay ilang buwan din nagsanay upang sa kanilang labanan ay maging handa na sila.

Sa ilang buwang pagsasanay nila King Lee yool ay ilang buwan din silang di nakauwi sa kubo kung kaya't ilang buwan din silang hindi nagkakasama ng kanilang mga asawa, at sa mga ilang buwan na yun ay lumalaki na ang tiyan ni Queen Hong shim halos mag iilang buwan ng nagdadalang tao ang reyna.

Sa Kubo:
"Habang naglilinis ang tatlong Prinsesa ay napansin nila na tila matamlay si Prinsesa Ga-eun at tila nakaramdam ito ng pananakit ng ulo at hilo kung kaya't bigla na lamang itong nawalan ng malay.

Nang mawalan ng malay si Prinsesa Ga-eun ay nagtulungan sila Prinsesa Woo hee at prinsesa soon deok na buhatin si prinsesa ga-eun upang dalhin sa maliit nilang silid, ng madala na nila si Prinsesa Ga-eun at agad na tumawag ng manggamot si Prinsesa Soon deok.
  

The Four Prince(Bk1)(Completed✔)Where stories live. Discover now