Chapter 54

10 7 0
                                    

Kinabukasan:
"Maagang nagising sila Queen Hong shim at ang kanyang mga kapatid upang mag asikaso na ng kanilang makakain, maya maya ay natapos na silang mag asikaso ng kanilang almusal at sakto namang nagising na sila King Lee yool at ang kanyang mga kapatid, pagkagising nila ay agad silang nagtungo sa hapag kainan.

Sa hapag kainan:

QUEEN HONG SHIM:
"Mahal ko, mabuti na lamang at gising na kayo, halina kayo para makakain na tayo, sambit nito.

At umupo na nga sila King Lee yool sa hapag kainan, at uupo na rin sana si Queen Hong Shim ng bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo at hilo.

at tumayo naman si King Lee Yool.

KING LEE YOOL:
"Ayos ka lang ba mahal ko? Anong nararamdaman mo? Tanung nito.

At hindi na nakapagsalita si Queen hong shim dahil bigla itong nawalan ng malay kung kaya't binuhat siya ng kanyang asawa papunta sa kanilang maliit na silid at inutusan niya si Ji-mong na tumawag ng manggamot.

KING LEE YOOL:
"Kuya Ji-mong maari ka bang tumawag ng manggamot, sambit nito.

At ganun na nga ang kanyang ginawa umalis siya at nagtungo sa manggamot, makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Ji-mong sa kubo kasama ang manggagamot, at agad nitong tinignan ang kalagayan ng reyna.

Habang tinitignan ng manggagamot ang kalagayan ng reyna ay nagtanung naman si king lee yool sa manggagamot.

KING LEE YOOL:
"Kamusta na ang aking asawa? Sambit nito.

Napangiti ang maggagamot at sabay sabing.

MANGGAGAMOT:
"Binabati ko po kayo kamahalan, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Anong ibig mong sabihin? Takang tanung nito.

MANGGAGAMOT:
"Binabati ko po kayo kamahalan, sapagkat nagdadalangtao na po ang reyna, sambit nito.

At nagulat si King Lee yool sa narinig ay hindi siya makapaniwala na magkakaroon na sila ng anak ng kanyang asawa, hindi maibsan ang saya at ligaya sa kanyang mga mata, ng malaman niya ng nagdadalangtao na ang reyna.

MANGGAGAMOT:
"Sige po kamahalan, mauuna na po ako, sambit nito.

At umalis na nga ang manggagamot at pag alis ng mangagamot ay nilapitan naman ni king lee yool ang kanyang asawa at sabay umupo ito sa tabi ng kanyang asawa, at lumapit din ang tatlong prinsesa at tatlong prinsipe.

PRINSIPE LEE SUN AT PRINSESA GA-EUN:
"Binabati namin kayo kuya lee yool, sambit nito.

PRINSIPE BAEK-AH AT PRINSESA WOO HEE:
"Binabati namin kayo kuya lee yool, sambit nito.

PRINSIPE WANG EUN AT PRINSESA SOON DEOK:
"Binabati namin kayo kuya lee yool, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Maraming salamat sa inyo, sambit nito.

PRINSESA GA-EUN:
"Sigurado akong matutuwa itong sa ate pag kagising niya, sambit nito.

PRINSIPE LEE SUN:
"Syempre naman sino ba naman ang hindi matutuwa diba, tsaka sa wakas magkakaroon na kami ng pamangkin, sambit nito.

At sabay nagtawanan naman sila.

At habang tulog pa si Queen Hong Shim ay nagluluto naman si King Lee Yool ng pagkain nila at para na rin sa kanyang asawa.

Maya maya ay natapos ng magluto si King Lee yool kung kaya't inihain na nila ito sa lamesa hanggang sa dinalhan ni King Lee yool ng makakain ang kanyang asawa , at saktong nagising na ang kanyang asawa.
At pag  gising ng kanyang asawa nagtaka naman ito kung bakit dinalhan siya ng pagkain ng kanyang asawa.

QUEEN HONG SHIM:
"Mahal ko, ano yan bakit dinalhan mo ako ng pagkain, kaya ko naman tumayo at pumunta sa hapag kainan, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Mahal ko, sa ngayon hindi ka na muna pwedeng mag kikilos dito ah, kung maari maupo ka na lamang diyan at kung may ipapakuha ka sabihin mo lang sakin o di kaya sa mga kapatid mo o sa mga kapatid ko, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Sandali lang mahal ko, bakit naman hindi ako pwedeng magkikilos,  sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Kasi mahal ko, baka  makasama yan sa magiging anak natin, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Teka magiging anak? Anong sinasabi mo mahal ko, sambit ito.

KING LEE YOOL:
"Mahal ko, nagdadalangtao ka, magkakaanak na tayo, kaya ka nawalan ng malay kanina dahil nga sa nagdadalangtao ka, sambit nito.

At nagulat si Queem Hong shim sa narinig niya at tila hindi siya makapaniwala at napahawak siya sa kanyang tiyan.

QUEEN HONG SHIM:
"Di ako makapaniwalang magkakaanak na tayo mahal ko, sobrang saya ko, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Ako din mahal ko, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya, halos gusto ko ngang tumalon sa sobrang saya, sambit nito.

At sabay niyakap niya ang kanyang asawa, maya maya bumitaw na siya sa pag kakayakap niya sa kanyang asawa, sabay sabing.

KING LEE YOOL:
"Mahal ko, mabuti pa kainin mo na toh habang mainit pa mas masarap toh pag bagong luto, tsaka ako nagluto niyan, niluto ko talaga yan para sayo, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Talaga mahal ko, salamat mahal ko, sambit nito.

At sabay kinain na nga ni Queen hong shim ang niluto ng kanyang asawa, maya maya natapos na siyang kumain kung kaya't niligpit na ito ng kanyang asawa.

At ng mailigpit na ito ng kanyang asawa ay nagtungo ulit si King Lee yool sa silid nila dahil sa gabi na rin nagising si Queen hong shim kung kaya't agad silang nagpahinga.

Kinabukasan:
"Maagang nagising si King Lee yool upang magluto ng kanilang almusal at sunod na nagising ay ang tatlong prinsesa, nakita ng tatlong Prinsesa si king lee yool na nagluluto kung kaya't nilapitan nila ito.

TATLONG PRINSESA:
"Magandang umaga kuya lee yool, sambit nila.

KING LEE YOOL:
"Magandang umaga rin sa inyo mga prinsesa,sambit nito.

PRINSESA GA-EUN:
"Ah Kuya Lee yool tila ata maaga kang nagising upang magluto ah, sambit nito

PRINSESA WOO HEE:
"Oo nga naman kuya lee yool, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Ah gusto ko lamang paglutaan ang aking asawa, lalo na ngayon at nagdadalangtao ang aking asawa, sambit nito.

PRINSESA SOON DEOK:
"Uyy si kuya ayieee, napakasweet namang asawa niyan, sambit nito.

At bigla namang nagising ang tatlong prinsipe pati na rin si Queen hong shim.

TATLONG PRINSIPE:
"Magandang umaga sa inyo, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Magandang umaga sainyo, sambit nito.

KING LEE YOOL:
"Oh mahal ko magandang umaga, bakit tumayo ka sabi ko naman sayo dadalhan na lang kita ng makakain mo sa silid eh, sambit nito.

QUEEN HONG SHIM:
"Hayaan mo na mahal ko, tsaka  gusto ko kayong makasabay kumain lahat, sambit nito.

At wala na ngang nagawa ang kanyang asawa kung kaya't inihain na lamang niya ang kanilang pagkain at nagsikainan na sila.

The Four Prince(Bk1)(Completed✔)Onde histórias criam vida. Descubra agora