CHAPTER FIVE

213 6 2
                                    

THYLANE'S POV:

Dalawang linggo na ang nakakalipas. Halos isang linggo rin akong mag-isa dito sa bahay. Kailan lang bumalik si manang dahil sumama pa siya sa pag-shopping ni mommy. Habang si Gabriel naman ay umalis ng matagal. Malamang nasa kabet niya siya pumunta noong mga araw na wala siya. Hindi ko alam pero nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko.

Noong lunes naman ay halos mabaliw ako sa inis nang bumalik dito si Gabriel. Wala siyang ginawa kung hindi tumanggi sa pagpirma sa divorce papers, tumabi sa akin sa gabi, ipagluto ako sa umaga, samahan ako sa bahay, at bwisitin ako magdamag.

Bumangon ako sa higaan at doon napagtantong wala na si Gabriel sa tabi ko. Agad ko namang naisip na nandoon siya sa kusina. Ipinagluluto ako. Naghurumintado na naman ang puso ko sa isiping iyon.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi normal ang pagtibok ng puso ko. Hindi rin normal ang pagtakbo ng sikmura ko. At mas lalong hindi normal ang mga nararamdaman ko. Pero hindi ko na iyon iniisip pa dahil alam kong masama ang epekto ng stress sa akin.

Tumayo na ako saka dumeretso sa banyo upang magsepilyo. Matapos  niyon ay bumaba na ako at naabutan ko siya na nandoon sa kusina na nagluluto at mukhang tangang kumakanta na sinasabayan ng pagsayaw. Hawak niya pa ang sandok habang iwinawasiwas iyon sa ere.

Tuloy ay naalala ko ang mga nangyari sa amin makalipas ang pitong araw simula nung bumalik siya...

~Flashback~

-Day One-

Naabutan ko siyang may kausap kanina sa popne ngunit nang matamaan niya ang paningin ko ay para siyang nakakita ng multo dahil sa gulat. Mabilis niyang pinutol iyon at heto kami ngayon...nagtatalo tungkol sa divorce.

"Pirmahan mo na kasi sabi 'yan e!" malakas na sigaw ko sa kaniya. Pinipilit na pirmahan ang divorce papers.

"No.." simpleng sagot niya na para bang walang kwenta ang sinabi ko.

"Bakit ba ayaw mong pirmahan!?" inis na tanong ko sa kaniya.

Nilingon naman niya ako at tinignan ng deretso sa mata. "Dahil ayoko.."

"Gago ka ba!? Hindi na kita mahal, 'di ba? Hindi mo rin ako mahal. Bakit ayaw mo pa itong pirmahan!?" gilalas ko.

"Things can change, wifey. Keep that on your mind." makahulugang aniya.

"Would you please, stop calling me 'wifey'!?" asar na ani ko.

"Why?" nakangising tanong niya. Napalunok naman ako.

"I-I d-don't like it.."

"You stuttered, wifey. It made me curious.." aniya na kunwaring humawak pa sa baba (chin) at nag-isip. "Are you falling for me again everytime I call you, 'WIFEY'?" nakangising usal niya.

"A-ang kapal ng mukha mo!" ani ko na pilit nilalabanan ang pag-utal.

"Are you falling?" tanong niya ulit na humakbang papalapit sa akin. "That was the exact reason why I don't want to sign those divorce papers, wifey. Because I want you to FALL FOR ME AGAIN."

"Cut it, Gabriel." ani ko na nag-iwas ng tingin at mabilis na ibinalik iyon sa kaniya. "Hindi mo gustong mahulog ako sa'yo ng walang dahilan. And I want to know the reason why. I'm pretty sure that there's a reason. The reason why you are doing this" mariing usal ko.

Married Twice (Del Fuego series #1)Where stories live. Discover now