CHAPTER 36

198 15 4
                                    

THYLANE'S POV:

Huminga ako ng malalim habang pinanonood ang pagbuhos ng ulan sa daan. Ilang oras na ako'ng naghihintay dito para sa kaniya pero hindi pa rin siya dumarating. Niyakap ko ang sarili ko matapos tumama ng malamig na hangin sa balat ko. Kaunti na lang ay manginginig na ako. Napabuntong-hininga na lamang ako at napaupo saka niyakap ang mga tuhod ko.

Akala ko ay darating ka...kung alam ko ang ay hindi na sana kita hinintay.

Bigla ay parang nakaramdam ako ng pagod at nawalan ng gana para sa lahat ng bagay. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko't parang ayoko nang kumilos pa. Ang tanging nagawa ko na lang ay mag-isip ng kung anu-ano.

"Anong ginagawa mo diyan?" napalingon ako agad at napatayo ng maayos nang magsalita ang isang ginang sa likod ko.

"P-po?" takang tanong ko sa kaniya.

"Ano 'kako ang ginagawa mo diyan?" pag-uulit niya sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Medyo nakakatakot kasi ang hitsura niya dahil masyado siyang seryoso. "May hinihintay ka?" tanong niya. Tumango lang naman ako bilang sagot. Nahihiwagaan kasi ako sa kaniya kaya hindi ko magawang magsalita.

"P-pa'no niyo po nalaman?" tanong ko.

Ngumisi siya sa akin. "Dahil kailangan kong alamin." simple ngunit mahirap intindihin ang naging sagot niya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" puno ng pagtatakang tanong ko. "S-sino ho ba kayo?"

Ngayon naman ay binigyan niya ako ng ngiti. "Kay bilis mo namang makalimot. Parang kailan lang noong huli tayong nagkita."

Dahil doon ay nangunot ang noo ko at tinitigan ng maigi ang hitsura ng ginang. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino siya. Siya iyong babae na lumabas sa kwarto ni Gabriel sa hospital noong nakaraang buwan.

"Natatandaan mo na ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

Nakamaang akong tumango habang nakatitig pa rin sa kaniya. "O-opo." tugon ko. "K-kayo 'yung babae na lumabas sa hospital room ni Gabriel." kusa akong napahinto nang mabanggit ko ang pangalan ni Gabriel.

Hindi ko inaasahan na kusang lalabas sa bibig ko ang pangalan niya. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako sa pagbanggit sa pangalan niya. Bigla ay nagbago ang mood ko at parang tumamlay na naman ang paligid ko.

"Darating siya." napaangat ako ng tingin sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. "Darating siya...hindi man ganon kabilis pero darating siya para sa'yo."

Ang sinabi niya sa akin ay nagbigay ng kung anong pag-asa sa dibdib ko. Gayunpaman ay nagtaka ako dahil bakit niya sinasabi ang mga 'to sa akin?

"B-bakit niyo sinasabi sa'kin 'to?" tanong ko pero nginitian niya lang ulit ako. "P-paano niyo rin nalaman na darating siya?" itinanong ko na rin dahil baka niloloko niya lang ako.

Ngumiti siyang muli. "Dahil kailangan kong alamin." inulit niyang muli ang sagot niya kanina bago siya humakbang paatras, handa nang umalis.

"S-sandali la-"

"Magkikita tayong muli, Tala. 'Wag kang mag-alala." aniya saka tuluyan nang umalis.

Hahabulin ko pa sana siya kaya lang ako na rin mismo ang sumuko. Tinanaw ko ang likod ng ginang na lumalayo hanggang sa hindi ko na siya makita dahil parang nilamon na siya ng dilim. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil may isa na namang misteryosang babae ang nakilala ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nandidito pa rin ako, nakasilong at parang lutang na pinagmamadan ang pagbuhos ng ulan. Panay rin ang paghinga ko ng malalim at sunud-sunod na buntong-hininga ang ginawa ko. Aminin ko man o hindi, iisa lang naman talaga ang rason kung bakit ako nandidito.

Married Twice (Del Fuego series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora