CHAPTER 17

322 11 7
                                    

GABRIEL'S POV:

"What were you thinking!?" I shouted at her when we reached her house. I really can't understand why she did that! "Or are you even thinking!? Why did you do that!?"

"Calm down, Gabriel...I just want to take the kids out." I looked at her in disbelief before letting out a short breath.

"Take the kids out!? Is that how you take the kids out!?" I really said it in a sarcastic way to make her feel that I am mad at her. "You're going to take them out without informing their parents!? God, Lexi! At talagang naisipan mo a silang ilabas pagkatapos ng lahat ng nangyari?!"

"E, kasalanan rin naman ng mga lintek na bata'ng 'yon e! Kung sumama na lang agad sila sa akin, e 'di sana, hindi na sila nasaktan!" sigaw niya dahilan para lalong uminit ang ulo ko!

"Why are you going to take them?" I asked in a serious way, removing all of my expressions. "Why are you going to take them?" I repeated my question and I can see how she stopped. "Why?"

"I-I told you, I was going to take them o-out!" she stuttered. And I know she's lying.

"Taking them out after what happened? Oh, come on, Lexi, you should have expected that their parents are going to tell them, not to come with you. Not to come with us. But here, you are saying that you're going to take them out? How?!" my voice is cold but I am definitely mad inside. "There is nothing wrong about taking them out, kung walang nangyari. But taking them out after the incident is way too impossible, Lexi."

"Teka nga! Bakit ba sila ang kinakampihan mo!? Hindi mo ba nakita 'yong ginawa sa'kin ni Karina—"

"Lexiana, stop acting like a victim because we both know that you deserved it!" I shouted making her jump and I can see how pain flashed through her eyes. "Hinatak mo 'yong mga bata! Tinulak mo si Calvin kaya nasubsob sa sahig—nasugatan pa siya! Sa tingin mo, hindi ka sasaktan ni Karina, ha!?" galit na sigaw ko at halos sumabog na ako sa sobrang inis! "Iyong ginawa natin kay Tala—doon pa lang, binigyan mo na sila ng dahilan para saktan ka! Tapos sasaktan mo ng gano'n 'yong mga bata!?" patuloy na pagsigaw ko. "At ikaw pa 'tong galit nung kinaladkad ka ni Kari palabas!?"

Galit na sigaw ko sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang salubong na ang mga kilay at patulo na ang mga luha. Pero wala akong pakialam. Sinaktan niya 'yong mga bata. Pamangkin ko pa'rin ang mga ngayon kahit papaano.

"Hindi mo 'ko mahal."

"Mahal mo na si Thylane kaya ka nagagalit sa akin, gano'n ba!?" tuluyang tumulo ang mga luha galing sa mga mata niya.

Lalo namang nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga pinagsasasabi niya ngayon! Kung kanina ay galit siya, ngayon naman ay hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa niya! Bigla-biglang nagbabago ang emosyon niya!

"Ano!? Si Thylane na ba, ha!?—Si Thylane na ba!?" aniya habang umiiyak.

"Paano naman siya nasama sa usapan?!" inis na tanong ko.

"Sagutin mo ko! Mahal mo ba si Thylane!?" mariing tanong niya pero wala akong balak na sagutin siya.

"Stop it." I said.

"Sabihin mo! Mahal mo na ba siya!? Ano!? Mahal mo—"

"I said, stop it!"

"Mahal mo na ba si Tala!?—"

"Tumigil ka na!—"

"Mahal mo ba siya—"

"Oo! Oo na! Mahal ko siya! Mahal ko si Tala! Mahal na mahal ko siya! Oo!" malakas na sigaw ko na halos pumutok na ang lahat ng litid ko! Nakita kong natigilan siya. Hingal na hingal akong tumingin sa kaniya habang ang luha niya ay sunod-sunod na bumagsak. "Mahal ko siya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero nagising na lang ako na mahal ko na siya." usal ko habang hinahabol pa rin ang hininga. "I didn't know how it happened, I didn't know when it started but one thing's for sure and that is my love for her didn't end."

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon