Commander vs Boss

204 7 6
                                    

Summer's POV


     Tagaktak na ang pawis ko at ramdam ko ang pagtulo nito mula sa aking noo. Kahit pa natatakpan ako ng lilim ng mga puno dito sa gubat at palubog na ang haring araw ay damang dama ko pa din ang init. Pinagpagan ko ang kuwelyo ng aking camouflage uniform kung saan may nalaglag na dahon, sa ibaba ng kuwelyo ay nakaburda ang apelyido kong "Del Julio." Hinawakan ko ng maigi ang hawak kong rifle at itinutok ito sa puno na nasa kanan ko.

     Nang lumipas ang ilang segundo at wala akong naramdamang nagtatago doon, maingat akong tumakbo palapit upang magtago sa malapad na katawan ng puno. Pag-upo ko ay sumandal ako at dahan dahang sumilip sa likod ng puno, ngunit napatago ako ulit nang may maaninagang tumakbo sa kaliwang bahagi ng gubat.

     Agad akong tumayo upang tumakbo palapit kung saan ko ito nakita. Pilit kong sinusubukang tumakbo ng tahimik. Kaso napaka-imposible dahil nagkalat ang mga malulutong na patay na dahon. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, hindi lang dahil pagod na ako at mukhang heatstroke pa ang magiging dahilan ng pagkamatay ko dito, kundi dahil pakiramdam ko ay may matang nakatingin sa akin.

     Muli akong tumigil sa pagtakbo ng may marinig na kaluskos mula sa likod ko. Mabilis ko itong nilingon, ngunit masukal na mga damo at nagtatayugang puno lang ang nakikita ko.

     Isang malakas na pagbagsak sa lupa ang narinig ko di kalayuan sa kanang bahagi. Naglakad ako papunta doon habang madiin na hawak ang aking rifle. Dahan dahan ko itong itinaas hanggang sa may nakita akong sapatos ng nakahigang tao sa likod ng puno. Marahan kong inikutan ang puno hanggang sa tumambad sa akin ang batang nakahiga sa lupa. Dali dali akong lumapit sakanya. "Seth!" My baby boy!

     Lumuhod ako para tignan kung anong nangyari sakanya. Ang mga mata niya ay nakatingin sa langit at tila hapong hapo sa paghabol ng hininga niya.

     Tinignan niya ako, "Mom. I-"

     "Ssshhhh," pigil ko sakanya. "It will be over soon."

     "Mom, I-" ulit niya ngunit natigil nang may nakaagaw ng pansin niya. Ang mga mata niya ay nalipat sa kung ano o sino man ang nasa likod ko.

     Nanigas ako sa puwesto ko. Di malaman kung lilingon ba. It will be over soon. But this is not the end I had in mind.

     Marahan akong tumayo. Nilingon ko ang ulo ko bago ko sinunod ang aking katawan para harapin kung sino man ang endgame ko. Hanggang sa tumama ang mga tingin ko sa pares ng chestnut-colored eyes.

     "Commander," bulong niya habang ang hawak niyang rifle ay nakatutok sa akin.

     Umiling ako. "Boss... I know you can't do this. Put the rifle down."

     Ngunit hindi niya ako pinakinggan. Pinulupot ng hintuturo niya ang gatilyo ng rifle. "I've already made my mind, commander. I'm sorry if it has to end this way." Malamig ang kanyang mga tingin at determinado sa kung ano man ang binabalak niya.

     Kasabay ng pagtaas ko ng aking rifle upang itutok sakanya... ay ang mabilis na pagtama ng mainit na bagay sa aking dibidib. Napaurong ako at bumagsak ang mga kamay ko sa aking gilid. How could he.

     Hinawakan ko ang aking dibdib. Ramdam ko ang likido na tumutulo mula dito. Tinignan ko ang aking kamay. Punong puno ito ng kulay dilaw na pintura.

     "Anak ng teteng naman, Summ!" sigaw ni Bridge mula sa likod ng isang puno.

     "The fvck was that, Summ!?" reklamo ni Gabbie na nakadapa sa damuhan.

     "Yeeesss!" masiglang sabi ni Manaloto habang tumatakbo palapit sa amin na may suot na ngiting-tagumpay.

     "Paano ba 'yan panalo na naman kami?" rinig kong sabi ni Kuya Avel mula sa likod ko.

Bridge, Anne, & GabWhere stories live. Discover now