Bridgette

480 19 9
                                    

     Mahina kong tinadyakan 'yung stand ng table na nasa tapat ko. Bahagyang gumalaw ito at naurong. Sumandal ako sa upuan ko at unti unting nag-slide pababa hanggang sa ma-meet na ng puwet ko 'yung dulo ng upuan. Napakatagal naman dumating ng lalaking 'yun. Mahigit isang oras na akong naghihintay sakanya dito sa restaurant at wala pa din siya.

     Late na nga ako ng fifteen minutes dahil hindi ko makita 'yung pink kong t-back at sinubukan kong magmadali para lang makadating agad dito. Tapos madatdatnan kong wala pa din siya. Ni text o tawag wala? Masasakal talaga kita Manaloto. Oras na makita kita, 'yang mukha mong mas matigas pa sa abs ni Channing Tatum, eh lalamutakin ko.

     Napatingin ako sa pinto ng restaurant ng kumalansing ang bell sa tuktok nito. There he is. My frog prince. My Marvin Manaloto.

     Inikot niya ang mata niya sa kabuoan ng restaurant upang hanapin ako. Nang magtama ang tingin namin, binigyan niya ako ng malawak na ngiti at binigyan ko naman siya ng isang malupit at makapanindig balahibong death stare.

     Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Hindi pa din ako umaayos ng upo kahit na nilalamon na ng puwet ko 'yung t-back ko. Suot lang niya ang masaya niyang ngiti kahit pa inis na mukha ang bungad ko sakanya.

     "Explain yourself," walang gana kong sabi sakanya.

     "Sorry, honey my lov-"

     "Ayaw kong marinig mga ekspelanasyon mo!" sigaw ko sakanya.

     "Pero sabi mo explain mysel-"

     "Hindi ako naniniwala sa explanation mo!" putol ko sakanya.

     "Pero wala pa nga akong sinasa-"

     "Aba, sasabat ka pa?" nanlilisik kong tanong sakanya.

     Umakto siyang zinipper ang bibig at yumuko.

     "Pakainin mo na ako, baka matuwa pa ako sayo," sabi ko saka umayos na ng upo. Inabot ko 'yung likod ng skirt ko at inayos 'yung t-back ko.

     "Oh sige, gutom na din ako eh," masigla niyang sabi. Tinaas niya 'yung kamay niya para tawagin 'yung atensyon ng waiter.

     Lumapit siya sa amin at binalingan ako ng tingin. "Good evening, Ma'am. Ready to take your order?" tanong niya sa akin.

     Actually, oo kaninang kanina pa. Nakailang beses na akong tumingin sa menu sa tagal ng paghihintay ko sa lalaking 'to, hindi man lang nagtext sa akin. "I'll have the Mediterranean Grilled Chicken and Brooklyn Spaghetti and Meatballs."

     "Got it," sagot niya. "And for your driver, Ma'am?" tanong niya sa akin sabay tingin saglit kay Marvin.

     "Uhm... He is not my driver," tama ko sakanya.

     "Oh! Sorry, Ma'am! Akala ko driver niyo 'yung bodyguard niyo."

     Napakunot ang noo ko. "Hindi ko din siya bodyguard."

     "Hoy, pare. Sumusobra ka na ah," singit ni Channing Tatum ng buhay ko.

     Nanlalaking mata sa gulat na tinignan siya nung waiter. "Sorry, Sir! Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi masyado at ang bata tignan ng pamangkin niyo."

     Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming tatlo.

     "Nilalait mo ba 'yung honey my loves ko?" naniningkit mata kong tanong sa waiter.

     Mabilis niya akong binalingan ng tingin. Gulat na gulat ang reaksyon. "No way," bulong niya.

     "Anong no way no way ka diyan. Ihagis kita diyan sa highway eh," pagalit kong sabi sakanya.

Bridge, Anne, & GabKde žijí příběhy. Začni objevovat