Anne

335 10 4
                                    

     Inisa-isa kong tignan ang mga available na flavors na nasa harap ko. Mint, bubblegum, vanilla, strawberry, and cola. Hmm... Masarap kaya 'tong mint? Parang halos lahat ng nandito ay natikman na namin. Or should I say... nasubukan na namin.

     Binaba ko ang tingin ko sa ilalim na shelf. Glow in the dark and pleasure-shaped condoms naman ang mga nandito. Hah. Why don't we try the glow in the dark this time? Kinuha ko ang maliit na box na kulay neon green at nilagay ito sa shopping cart na katabi ko.

     Chineck ko ang lahat ng mga pinamili ko habang tinutulak ang cart papunta sa cashier. I got Avel's favorite spread or palaman sa tinapay which is liver spread. At siyempre, nandito rin ang favorite niyang i-spread sa favorite niyang snack which is me, ang strawberry jam.

     Sinigurado kong nandito din ang mahabang talong, malagong pechay, at Maggie Magic Sarap. Kahit pa hindi naman talaga sa Maggie Magic Sarap matatagpuan ang tunay na sarap. Hindi sila kasama sa s.exlife namin ni Avel. Sadyang nasa listahan ko lang sila para sa mga lulutuin ko this week.

     Pero itong tatlong lata ng pineapple chunks ay may dalawang purpose. Una, para sa Pininyahang Manok na kakainin ni Avel for lunch sa Miyerkules. Pangalawa, para sa kakainin ni Avel for his late-night snack anytime this week. Kung hindi mo alam ang ibig kong sabihin sa pangalawa kong dahilan, i-Google mo na lang ang benefits of pineapple on your bodily fluids. Thank me later.

     Nandito na din ang Yan Yan, Choco-choco, at Zest-O Orange ng very bright and pretty naming only child. Our Bela just turned six years old this year. Kuhang-kuha niya ang kapilyuhan ng dugong Yeo. Ang nakuha lang ata niya sa akin ay ang itsura.

     Pero kahit na napaka-pilya niya, sobrang lambing na bata naman. Very independent na rin siya sa karamihan ng bagay. She insists on putting her own food on her plate every meal, doing her homework without me dictating her what she should do, and also keeping herself well-groomed all the time. Madalas nga pumapasok na sa isip namin ni Avel na sundan na siya.

     Nilagay ko na lahat ng mga pinamili ko sa conveyor belt ng cashier. Tinext ko si Avel na pauwi na ako, ilang segundo lang ay nag-reply na siya na papunta na siya sa school ni Bela para sunduin siya. Tamang-tama, may oras pa ako para maghanda ng miryenda.

     Binuksan ko ang radyo ng kotse ko pagka-start ko ng makina. Napangiti naman ako ng marinig ang Basang-basa sa Ulan ng Aegis. Nilakasan ko ang volume at nagsimula nang mag-drive. Kung may makakarinig man ng kantahan ko ngayon at makikita akong may malawak na ngiti, malamang iisipin niya baliw na ako.

     Hindi ko kasi maiwasan na maalala 'yung gabing nagkita ulit kami ni Avel matapos i-cut off ni Summ ang buong pamilya niya dahil sa pagkamatay ni Gyno. Nung gabing 'yun, lumabas kami nung lalaking na-meet ko sa park, si boy next door type. Eh kaya naman pala nakikipag-meet sa akin eh para sabihin sa akin na na-realize niyang hindi kami compatible sa isa't isa. Ako naman 'tong si asang-asa at akala ko tatanungin na niya ako kung puwede siya manligaw. Kasi nga ako nga si tangang hopeless romantic, pakitaan lang ng ka-sweetan, na-fafall agad. Kahit pa tanungin lang ako ng "Kumain na ba u?" I would assume that you are flirting with me at interesado ka sa akin. Pero siyempre noon 'yun.

     So back to sinabi na nga niyang na-realize niyang hindi pala kami compatible sa isa't isa. Sobra na naman akong nasaktan. Kahit pa isang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Iniwan niya ako mag-isa sa coffee shop. Nilagok ko ng diretso 'yung kape ko. Ano pa ba ang pinagkaiba ng pait nito sa pait na dinanas ng puso ko? Wala naman di ba? Wala! Baka sakaling magising ako sa katotohanan. Pero wala. Mas masakit pa rin 'yung nabasag kong puso kaysa sa napaso kong dila.

     Lumabas ako sa coffee shop at malakas na patak ng ulan ang sumalubong sa akin. Hindi ako nagdala ng payong. Kasi umasa akong mag-shashare kami sa isang payong. Uuwi na nga akong luhaan, mukha pa akong basang sisiw. Ang masaklap pa, hindi ko dinala 'yung kotse ko. Kasi sinundo niya ako sa condo, tapos ang lakas ng loob na iwan ako mag-isa sa coffee shop.

Bridge, Anne, & GabWhere stories live. Discover now