Gabrielle

345 12 10
                                    

     Dark blue eyes stare right back at me. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Napababa 'yung tingin ko sa labi niya. Kanina pa siya nagsasalita pero kanina pa rin ako na-didistract sa kaguwapuhan niya. Muling napaangat 'yung tingin ko sa mata niya. Hindi pa rin niya tinatanggal 'yung titig niya sa akin. Hay nako, kaya mas lalo akong na-iin love sa 'yo eh. Oh, my, pretty boy.

     "Right, Gab?" sabi niya.

     "Yeah," agad kong sagot. Medyo napaurong ako patalikod kasi sobrang lapit ko na sa screen ng laptop ko.

     Nakita ko sa screen ko na inayos niya 'yung webcam niya. He is wearing his baby blue collared shirt today. Napansin kong dumaan sa likod niya si Mr. Haynes, 'yung boss namin, na may dala-dalang kape. Napabalik si Mr. Haynes sa likod niya ng makita ako sa screen. Siningit ni Mr. Haynes ang ulo niya sa tabi ni pretty boy.

     "Gab!" masigla nitong bati sa akin.

     "Hey, Mr. Haynes!"

     "We miss you here!"

     Ngumiti ako ng malawak. "I'm coming back tomorrow. Today is the last day of my one-week off. Just had to take care of some stuff beforehand."

     Inikutan niya ako ng mata. "Yeah, right. Then after two weeks you'll be leaving us permanently."

     Medyo nawala 'yung ngiti ko. "I know, Mr. Haynes. I'm gonna miss all of you there."

     "Well, we'll see you tomorrow, Gab." He waved a hand on the camera then went back to his own business.

     Tumawa ng mahina si pretty boy. "Thanks for your help, Gab. Sorry for bugging you on the last day of your off," paumanhin niya sa 'kin.

     "No biggie, Bret. I am always glad to help."

     Bigla naman naging seryoso 'yung mukha niya. "You are a big lost in the company, Gab. A lot of people will miss you here."

     Eh, ikaw? Hindi mo ba ako ma-mimiss? "I wish I could stay, Bret. I will miss all the people there too..." Including you.

     Saglit kaming natahimik at napatitig na lang sa isa't isa. Kaso agad ring napaangat 'yung mata niya at naalis ang tingin sa camera, na para bang may nakakuha ng atensyon niya. Ngumiti siya ng malawak at kita mo ang kinang sa mga mata niya sa kung sino man ang tinitignan niya ngayon. "I'll see you tomorrow, Gab," paalam niya sa akin pagkabalik ng tingin niya sa webcam. "Laura needs my help on the 5th Ave. project at Upper East Side."

     "Ah," malungkot kong sagot. "Sure. See yah!" And with that, binabaan na niya ako ng video call.

     Laura Johnson. Or LJ as we call her for short. The long-legged, blonde, green-eyed, big-bo.obed white girl. Ano ba namang laban ng Cup B ko sa Cup D niya? Napahawak ako sa dibdib ko. I hate wearing push-up bras, pero dahil sa Laura Johnson na 'yan, araw-araw akong napapasuot ng wired and push-up bra sa office.

     Biglang nag-appear sa laptop screen ko ang incoming video call. Sinagot ko 'to ng hawak-hawak pa rin ng isang kamay 'yung dibdib ko. Nag-appear sa screen ko ang apat na window, tig-iisang laman ay mga mukha namin ng mga kaibigan ko.

     Si Anne na may hawak-hawak na umuusok na mug, si Bridge na nasa likod ay si Manaloto na mukhang tulo laway na sa kama, at si Summ na karga-karga si Seth na nakatalikod sa amin at nakalapat ang pisngi sa balikat ni Summ. 10 p.m. na sa Pinas samantalang 11 a.m. naman dito sa New York.

     "Ano 'yan? Na-istorbo ba namin pagsasariling-sikap mo?" tanong ni Bridge na mukhang nakatingin sa kamay kong nakadakma sa dibdib ko.

     "Alam ko na 'yan, inggit na naman 'yan sa bo.obs ni LJ," sagot ni Anne.

Bridge, Anne, & GabWhere stories live. Discover now