Chapter 49: Mansion of Lies

1.3K 85 9
                                    

RIVER ACKLEY'S Point of View

Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto.

Dahil sa pagdilim ng paligid, hindi ko makita si Theon o Kasdeya. Kumurap kurap ako para may maaninag sa kadiliman.

"Theon? Kas? Paris! Nasaan kayo?" Sigaw ko sa pangalan ng mga kabigan ko pero walang sumagot sakanila. My voice echoes around the mansion, but it's the only sound I hear.

Where are they?

I groan when my head starts to spin all of a sudden.

The back of my eyes throb painfully until all I can see are blurry colors. Hindi ko na maimulat ng mabuti ang mga mata ko.

Hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. My body surrenders to gravity as it pulls me closer, and I faint the moment my head hits the floor. Narinig ko ang pagbagsak ng aking katawan sa kahoy na sahig.

Tila kumurap lang ako nang mawalan ako ng malay.

Napamulat ako. Sumalubong sa akin ang isang magara ngunit lumang chandelier na nasa itaas ng ulo ko. I squirm a little, feeling something soft underneath me. Kinapa ko kung ano yung hinihigaan ko. Napaupo ako bigla nang mapagtanto na isang itong kama.

"What in the name of Aries?" Hindi ko maiwasang mapabulong nang makita ko ng mabuti yung hinihigaan ko.

A large bed with two head pillows and a comforter. Malinis ngunit halatang sobrang luma na ito dahil amoy ko kung gaano na ito ka-antigo.

Tumingin ako sa kinaroonan kong kwarto. I'm in a bedroom with one antique cabinet on the side. Maliban sa kama, chandelier, at cabinet, wala nang ibang bagay sa loob ng kwarto.

Napatingin ako sa bintanang natatabunan ng makapal at kulay kremang kurtina. Malapit lang ito sa kama kaya hinawi ko ito at pinagmasdan ang labas.

I notice the dead trees, a massive gate lined with a metal fence, at sa kabilang side nito ay mga bahay na kasing laki ngunit hindi kasing luma ng bahay na 'to. I'm inside the eerie mansion... pero sino ang nagdala sa akin dito?

"Paris..." I whisper his name when I remember why we are inside this mansion in the first place.

Napasinghap akong umalis sa kama at tumayo. Kailangan ko na siyang mahanap! Baka kung ano na ang nangyari sakanya, I can't let him get hurt.

Naglakad ako patungo sa pintuan. I hold the doorknob, causing me to flinch when I realize how cold it is. Napabitaw agad ako at tumingin sa kamay ko.

Sobrang laming. Normal pa ba 'to?

Tumingin muli ako sa doorknob. Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko. My fingertip slightly graze the metal. Pinakiramdaman ko ito at hindi naman ako nakaramdam ng lamig. Hinawakan ko ulit ngunit mas matagal na.

Mahina akong napamura sa lamig na naramdaman. How am I going to get out? Sobrang lamig ng doorknob.

Naisip ko na sipain nalang yung pinto kaso baka may makarinig. I'm suspecting na hindi lang kaming apat nina Theon, Kas, at ang nawawalang Paris ang nasa loob ng bahay na 'to. This is going to be a big problem lalo na't kailangan namin hanapin si Paris.

Huminga ako ng malalim bago titigan yung doorknob. I have no choice. Kailangan kong hawakan para makaalis ako sa kwarto. I need to find him quickly. I have to save him.

I count to three before holding the doorknob again. Napangiwi ako nang mabilis ko itong pihitin at hatakin pabukas. I can feel the cold nipping my palm, like tiny needles inserting ice inside my skin.

The door swings open and a dark hallway greets me.

Mabilis kong binitawan ang doorknob. Sobrang lamig ng kamay ko, halos manginig na ito sa sensasyon. Tumingin ako pabalik sa madilim na hallway bago humakbang palabas ng kwarto.

Descendants of the Gods (Imitheos Series #1)Where stories live. Discover now