KASDEYA ARGYROS' Point of View
Cold shivers prick my skin like needles when the silent whisper repeats itself over and over. Hindi ko na masyadong naisip ang bulong dahil hinatak na ako ni Ryo paalis.
Kaninang umaga ko pa nararamdaman na may mali. The thud I heard earlier is still lingering in my mind, tapos ngayon dumagdag ang bulong na narinig ko sa loob ng bahay. Lumalakas ang tibok ng puso ko pag-inuulit ko ang sinambit nito.
"Hahanapin kita, Kas."
Who and why does it want to find me?
"Tingin mo alam na nilang wala tayo sa orphanage?" Kumurap ako nang magsalita si Ryo. He chuckles, as if what he said isn't a big deal, kahit na alam naming hindi matutuwa si Sir Riggor at Ma'am Amanda sa ginawa namin.
Sumulyap ako sa langit. The vast canvas of the sky starts to change colors. From a bright blue hue powdered with cottons of white to a vibrant shade of deep red and orange. Mabagal ang pagbaba ng araw samantalang malinaw na ang hugis ng buwan sa langit.
I quickly look away before I can stare longer.
Buti nalang at hindi matindi ang panahon ngayon. The December cold breeze is almost refreshing to the skin. A small change of pace from the usual battle between storms and scorching weather.
When my gaze falls from the heavens, it settles on the black-haired guy next to me.
Ryo's jaw is as sharp as the murderous glare in his green eyes. My eyes scan his long, messy hair reaching until his nape down to his wrinkled shirt and jacket. Pinupusod ko ng half-ponytail ang buhok niya para magmukha naman siyang matinong tao.
Siya yung tipong mukhang mahal tingnan kahit galing sa ukay-ukay ang suot, pero laging magulo ang kanyang ayos. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ilang oras na rin ang nakalipas. Sigurado akong hinahanap na nila tayo." Sagot ko sa tanong niya.
Kanina pa kami naglilibot sa palengke na malapit sa orphanage. Sinamahan ko si Ryo na magpunta sa mga lugar na lagi naming pinupuntahan noon. He knows he can't go here anymore once he gets adopted.
Rinig kong mayaman ang mga aampon sakaniya. Siguradong hindi na nila papapuntahin si Ryo sa mga ganitong lugar kahit na gusto niyang bumalik. But what's the big deal?
He's lucky to get adopted, let alone by a wealthy family. I would kill to have that opportunity.
Tahimik lang kami, hanggang sa tumigil siya sa ilalim ng isang bukas na lamppost sa labas ng palengke. Kinuha niya ulit ang kamay ko kaya napatigil ako.
Lumingon ako sakaniya. "Ano?"
He smiles again. "Hindi pa kita nababati ngayon. Happy birthday, Kas."
Wala akong naisagot agad. I didn't expect him to greet me here, of all places. "Hindi mo na ako kailangan batiin. Wala naman akong pakialam." Sabi ko sakanya. He only stares at me, tongue dancing on the surface of his lips, bringing out its natural crimson color.
"Well, I hope you still take this." May kinuha siya sa kaniyang bulsa bago ito ibigay sa akin. Umawang ang labi ko nang makita ang isang maliit na box sa kanyang kamay. He opens it, revealing a silver bracelet embellished with pure moonstones. "Birthday gift. Suotin mo."
Mahina akong natawa. "Where did you get this?" To me, gifts are unnecessary. Spending birthdays don't matter, in fact, it's a waste of time. Why would I celebrate a day that reminds me I'm inching closer to death?
Nagkibit-balikat siya. "An extra gift given by the De Villes," Tukoy niya sa mga aampon sakaniya. "It's the other half to my bracelet. Parang ikaw at ako."

YOU ARE READING
Descendants of the Gods (Imitheos Series #1)
FantasyFor a girl who has nothing, Kasdeya Argyros dreams of everything - she wants to have everything that a normal person can have. She schemed her life from the littlest detail to the biggest decisions, so changing her plans is a big 'no' for her. But t...