Chapter 1

4.9K 175 18
                                    

SYDNEY'S POV

"Anak diba, ngayon na ang interview mo bilang isang secretary sa kompanya?" Tanong ni mama.

Nandito kami ngayon sa hapag kainan, sinubuan ko muna si Astrea bago ako sumagot.

"Opo ma, kayo po muna bahala kay Astrea habang wala ako." Nakangiting tugon ko.

Nahihiya narin kasi ako kay mama dahil sa loob ng limang taon, naging pabigat ako sa kanila ni papa. At ngayon na magkakatrabaho na ako, gusto ko silang bayaran sa lahat ng sakripisyo nila hindi lang sa akin kundi pati narin sa anak ko.

"Syempre naman, siyanga pala anak, ipapasyal ko ang apo ko malapit sa parke rito, para naman hindi siya mababangot rito sa bahay." Tumango ako sa sinabi nito. Mabilis namang napaangat ng tingin si Astrea.

"Yehey! Mamasyal po tayo lola?" Masayang tili nito at pumalakpak pa, habang nakatingala sa amin.

"Syempre naman apo!" Maslalong humagikhik ang anak ko kaya natawa ako.

"Sasama ka po Momma?" Napatingin ako sa anak ko at napakagat labi. Baka kasi hindi pumayag na umalis ako at mag-w-wild na naman nako!

"Uhm, Astrea anak, hindi po kasi makakasama si Momma kasi po, aalis po ako. Pupunta po si momma sa work para may pambili po tayo ng bagong teddy bear, gusto mo ba 'yun?" Kumunot ang noo nito at nagtatakang tinignan ako. Ayan na naman ang mukhang 'to, nakakainis! Bakit ba kasi manang mana ang batang 'to sa kanyang ama? Pwede naman sa akin lang? Bwesit!

"Ayaw mo bang mag work si momma?" Tanong ko. Tumango naman siya habang nakatingala parin sa akin.

"Ano apo, kailangan ni momma mo mag work para may pambili tayo ng bago mong bag dahil mag e-school kana diba?" Tumingin siya kay mama pero tahimik parin siya. Hindi parin siya pumapayag. Hinawakan ko nalang ang pisnge niya.

"Please anak?" Malambing na pamimilit ko, ngumuso naman siya.

"Babalik po  kaagad ka momma?" Nakangusong tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Napangiti naman ako dahil sa tugon nito.

"Oo naman, uuwi si momma ng maaga. Gusto mo bilhan kita ng ice cream pagkauwi ko?" Lumiwanag naman ang mga mata niya at tumango-tango.

"Ah-huh! gusto ko ice cream yey!" Rinig ko. Napangiti naman ako nang masilayan ko ang masayang mukha nito.

Pareho naman kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin na may kumakatok. Si mama na ang nag-abalang buksan ang pinto habang yakap-yakap ko naman ang anak ko.

"Oh, iha ikaw pala pasok ka muna." Rinig ko kay mama dahilan na ikinalingon ko roon. Nakita ko si Jamaica na nakapang-office uniform.

Kaibigan ko si Jamaica at dati rin namin siyang kapit bahay sa Sta. Luciana, pero lumipat rin rito sa manila at isa rin siya sa ninang ng anak ko.

"Ang cute talaga ng inaanak ko, pa kurot!" Sigaw niya na ikinataranta ng anak ko at bigla nalang ako nitong niyakap bago itinago niya ang pagmumukha sa tiyan ko. Halatang ayaw magpakurot.

"Ang arte talaga ng anak mo Leng, sarap sabunutan." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa birong sabi nito sa anak ko.

"Joke lang, ano na? Hindi ka ba mag-a-apply? Ma-l-late na tayo day!" Napatingin naman ako kay Astrea. Nakanguso siya kaya hinalikan ko siya sa labi niya at ngumiti sa kanya.

"Aalis na si momma anak?" Tanong ko. Ngumuso na naman ito. Naglabas ako ng buntong hininga.

Back to paliwanag na naman.

"Sige na please anak? Astrea?" Patanong na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at yumuko.

"Anak huwag kana malungkot, saglit lang si momma babalik agad si momma promise, bibili si momma ng ice cream." Malambing na sambit ko at niyakap siya. Tumango naman siya at kiniss ako sa labi at sa magkabilang pisnge ko.

My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)Where stories live. Discover now