Chapter 7

3.6K 158 40
                                    

"Dae, sabay tayo mag lunch mamaya ah?" Tumango ako kay Jamaica at napatingin sa wristwatch ko eleven-twenty-eight na pala ng umaga.

"Sige, mag papaalam muna ako sa masungit nating Boss." Sakratiko kung sabi at nahagya pang napangiwi ang labi ko.

"Sos, crush mo iyon no?" Nang aasar sabi niya. Ew! Inaamin kong natikman ko ang Bruheldo na iyon noon pero ngayon? Ew, no way!

"Ano? Ang lalaking iyon? Magiging cush ko? Ew!" Nandidiring sambit ko. Nakita ko naman siyang nanlaki ang mga mata.

Natikman ko na nga eh, sarap. Charot.

"Hindi mo 'yon crush? Hindi ako naniniwala sa landi mong iyan? Nako Sydney!" Napangiwi uli ang labi ko sa sinabi niya. Hinila ko ang iilang hibla ng kanyang buhok at sinamaan siya ng tingin.

"Aray ko!" Daing niya.

"Sige na, magkita nalang tayo sa baba." Sambit ko at umiwas ng tingin sa kanya bago mabilis na naglakad para hindi siya makaganti sakin sa ginawa ko sa kanya.

"Hoy babae! Hindi pa ako nakaganti sayo bruha ka!" Natawa naman ako sa sigaw niya. Bahala siya, siya nauna kahapon gumanti lang ako.

Naglakad ako papuntang elevator at kaagad na pinindot ang floor kung saan nakatuka si Darwin. Narating kona kaagad ang office niya at kumatok muna ako sa pinto.

"Come in." Rinig ko kaya. Agad akong pumasok. Nadatnan ko siyang busy sa laptop niya at hindi ako pinansin. Naglakad na lamang ako at tumabi sa kanya. Syempre, nandito rin ang table ko kaya dito rin ako uupo sa tabi niya.

Agad kong kinapa ang cellphone ko sa bag dahil wala pa naman akong ginagawa kaya tatawagan ko muna si mama at kumustahin ko ang anak ko. Naka ilang ring pa ang tawag bago sumagot.

"Hello? Anak?" Bungad ni Mama sa kabilang linya. Napatingin naman si Astrey sa 'kin kaya nag piece sign ako at hininaan ko ang volume ng tawag.

"Ma?" Ang sagot ko kay Mama.

"Teka lang anak, Astrea apo, halika. Tumatawag ang mama mo!" Napapikit naman ako ng mga mata dahil sa boses niya sa kabilang linya.

Nako, bunganga talaga ni mama, nakakainis.

"Momma?" Tila may buhay ang labi ko dahil narinig kolang ang boses ng anak ko napangiti na ako.

"Hello anak, kumain kana po?" Ang tanong ko.

"Yes po momma, bumili po kami ng siomai kanina." Sagot niya sakin.

"Wow, sarap naman po iyun, busog kana po?" Ang tanong ko ulit. Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya kaya maslalong lumawak ang ngiti ko.

"Opo momma. Momma, may nakilala po akong bata. Kainis po, kasi po bigla niya akong nilapitan tapos sabi niya, you're mine daw.'" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig abat--kay bata-bata pa ng anak ko may kalandian na. 

Malandi naman ako pero hindi naman ako  ganoon ka aga ah?

"Talaga? Basta anak, dapat huwag kang makipag away ha? Masama iyun." Mahinahon kong sabi.

"Opo momma, good girl po ako. Basta uwi po kayo ng maaga ha? Hintayin po kita sa labas momma!"

"Nako, huwag kana lang lumabas anak, kasi po, baka may manguha ng bata hala sige ka baka kukunin ka." Pananakot ko.

"Pero Momma!" Angal niya.

"Astrea~~" Mahinang saway ko sa kanya.

"Okay po, love you momma." Pagsusuko niya.

"I love you rin po." Ani ko.

"Sige na, bye. I love you ulit."

"Bye momma! I love you too! Ingat ka po!"

My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)Where stories live. Discover now