Chapter 4

3.6K 155 4
                                    

"Ano ba naman iyan, late na late na talaga ako." Naiinis na bulong ko at nagmamadaling pumasok sa elevator bago ko pinindot ang 48th floor at napatingin sa wristwatch ko shoked! 8:34 AM na patay! Late na ako ng forty minutes!

*TING

Agad akong lumabas at nagmamadaling lumakad papuntang office ng bruheldong iyon. Subukan lang niyang sigawan ako dahil makakatikim siya! Kung hindi sana nag wild ang anak niya, hindi ako ma-l-late kaya subukan lang niya talaga at makakatikim siya!

Nakita ko pa si Jayla ang nag assist sa akin kahapon kay Darwin. Nakita ko sa mukha niya ang pagkabangot habang nakatayo sa pintoan ng opisina ni Darwin? Napalingon siya sakin at biglang nanlaki naman ang mga mata niya at tumakbo sa kinaroroonan ko.

"Ms. Canberra bakit late po kayo? Nako, baka sermonan po kayo ni Boss kundi po, ipapatanggal po kayo." Nag-aalalang sabi niya kaya napa taas ang kilay ko. Ipapatanggal? Sige, subukan niya at isampal ko sa kanya ang binubuhay kong anak niya, kainis!

"Pumasok na po kayo, baka po magalit iyon lalo sa inyo, good luck po." Tumango ako at binuksan ang pintoan.

Tumumbad sa akin ang tahimik na silid at nakita ko siyang nakaupo sa puwesto niya at may sinusulat? O nag pipirma? Sa lamesa niya. Lumapit ako ng kaunti dahilan kaya napaangat naman ang tingin niya siguro napansin niya ako.

"Why are you late?" Salubong ang kilay nito napa lunok naman ako.

'Kasi nag wild ang anak mo, sinira pa ang bagong bili kong laruan para sa kanya dahil ayaw niya akong umalis.'

Gusto kong sabihin pero hindi ako boba para sabihin iyon sa kanya dahil natatakot ako na baka kunin niya sa akin si Astrea no!

"What?" Napabalik ako sa ulirat ng magsalita siya ganon parin ang kilay niya magkasalubong

"Ano uhm.. Sobrang t-traffic kasi kaya na-late ako." Pagsisinungaling ko, ang dami ko ng kasalanan kay lord.

"Tsk." Asik lang nito sa akin.

Aba't putik na bruheldong 'to kainis, iyon lang? Mas mabuti na lang na ganito kesa sigawan niya ako dahil kung hindi, sasampalin ko talaga siya.

"That's your table." Sabi niya habang hindi ako tinitignan at itinuro niya ang isang table sa katabi niya.

AS IN KATABI TALAGA NG TABLE NIYA.

Napakunot noo naman ako at nanatiling nakatayo. Napa-angat naman siya ng tingin at nagtatakang tinignan ako.

"What?" Naiinis na sambit niya bago niya ako sinamaan ng tingin ganun rin ako sa kanya.

"Bakit katabi tayo ng table? Eh, dapat doon ako sa---"

"Shh.. Just do what I say, huwag puro reklamo." Putol niya napa roled eyes naman ako at kumilos papunta sa table na katabi niya. Napatigil naman ako nang makita ko ang uupuan ko sana. Napataas ang kilay ko dahil magkadikit iyon sa inuupan niya rin kaya napailing-iling na lamang ako sa kalandian niya. Kinuha ko ang upuan na bakante at inabante sa kinaroroonan ko para hindi kami masyadong magkadikit.

Napatingin naman siya sa ginawa ko. Umangat ulit ang tingin nito at sinamaan ako ng tingin. Problema nito?

"Problema mo?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Dito ka." Aniya bago hinawakan ang upuan ko at hinila papunta sa kinaroroonan niya kaya nainis ako.

"Ano ba, akin na 'yan!" Singhal ko sa kanya at aakmang hihilain ang upuan nang pigilan niya ulit ako.

"No sit beside me." Matigas parin na sabi niya.

"Ayaw ko." Mariin ko rin na sabi sa kanya kaya maslalong sumama ang tingin niya sa akin.

My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)Where stories live. Discover now