Chapter 9

3.4K 144 0
                                    

"Good moring, Sir." Magalang na bati ko kay Darwin. Nakita kong napa-angat siya ng tingin sa akin pero hindi ko siya pinansin bagkus agaran akong umupo sa tabi niya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya kaya hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya. Salubong ang dalawa niyang kilay nang makita ko. Nagsalita siya.

"Dapat ikaw ang naouna kaysa sa Boss mo." Sabi niya habang nakahalukipkip ang mga braso at sumandal sa sandalan ng swivel chair niya. Nagkunwari akong hindi ako naapektuhan sa paraan ng pagtitig niya sakin kaya inirapan ko siya.

Okay, Sydney. Kalma. Boss mo siya.

Huminga muna ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Ayokong maging bastos sa kanya ngayon.

"May gagawin pa kasi ako sa umaga kaya hindi ako naouna, malay ko bang mas maaga kang dadating kaysa sa akin." Ang sabi ko.

May gagawin naman talaga ako. Ako ang magluluto 'tuwing umaga dahil ako palagi ang naouna magising tapos papakainin ko pa si Astrea at kukumbinsihin na aalis na ako.

"Tsk." Ang narinig ko mula sa kanya. Inirapan ko siya at inayos na ang mga papeles na naka tambak sa lamesa naming dalawa.

After some minutes, maynarinig kaming kumatok sa pintuan dahilan na  napatingin naman kaming dalawa roon.

"Come in." Narinig ko kay Darwin.

Kaagad namang bumukas ang pituan at iniluwa roon si Francisco. ka-co-worker ko.

"Good morning, Sir." Magalang na bati niya habang papalapit sa harapan ni Darwin. Wala kaming narinig na response kay Darwin kaya naman ay may inabot siyang folder kay Darwin at wala paring imik na tinanggap.

"Galing po 'yan kay Ms. Salazar." Sabi ni Francisco sa kanya. Tango lang ang ibinalik nito kaya napairap ako.

Kahit kailan hindi parin siya nagbabago. Masungit parin siya sa ibang tao. Nang mapunta ang paningin ko kay Francisco ay kaagad siyang kumaway sa akin na kinawayan ko naman pabalik.

"Good morning din sayo, Sydney." Bati niya sa akin dahilan na ikinangiti ko.

"Good morning rin sayo, Francisco!" Masiglang bati ko rin sa kanya.

"Get out you jerk!" 

Pareho kaming napatingin kay Darwin sa biglaang pag sigaw nito. Kitang kita ko sa kanya na nandidilim ang kanyang mga mata at nag iigting ang kanyang panga habang masamang naka tingin kay Francisco.

"S-sorry po sir!" Natatarantang sambit ni Francisco bago siya nagmamadaling lumabas. Galit siyang bumaling sa akin.

"Problema mo?" Pagtataray ko sa kanya habang inaayos ang mga folder na nasa ibabaw ng lamesa.

"Malandi ka talaga." Mabilis na napalingon ako sa sinabi niya tungkol sa akin.

"Anong sabi mo?" Nanggigil na tanong ko sa kanya.

"I said, malandi ka." Ulit niya habang titig na titig parin sa akin.

Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa akin ulo dahil sa sinabi niya. Para akong sasabog. Dahil sa galit na nararamdaman ko ay naibato ko sa kanya ang folder na hawak-hawak ko habang nanatili paring nanlilisik ang mga mata kong pinupukol ko sa kanya.

Ang kapal niyang sabihin sakin ang mga katagang 'yan sa akin. Inaamin akong naging cheater ako minsan at dahil iyon sa kanya pero kahit na kailan ay hindi ako naging malandi sa iba maliban sa kanya. Isa pa, wala siyang karapatan na sabihin sa akin dahil wala siyang papel sa buhay ko. 

"HINDI AKO MALANDI! PISTE KA! ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA MONG SABIHIN SA AKIN 'YAN!" Hindi kona napigilan ang pagtaasan siya ng boses dahil sa galit ko. 

Nawala sa utak ko na siya ang boss ko at wala narin akong pakialam kung sakaling ipapatanggal niya ako. Ikakasaya ko pa iyun.

My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon