- C H A P T E R T H R E E -

61 4 0
                                    

Pandemic Love  <3

- C H A P T E R  T H R E E  -

Late na ako nagising ngayon araw. 'Di kasi ako makatulog dahil lang sa tinawag niya akong ' Langga '. Parang tanga lang! Hindi ko siya magawang replayan kasi di ko din alam kung anong irereply ko sa kanya. 

"Frey? Gising ka na ba?" narinig kong tanong galing sa labas. Super familiar!
Napabalikwas ako ng bangon nang napagtanto kong si kuya yuuun! Ghad nakauwi na pala siya.

"Kuya!?" sigaw ko.

 
"Oo, bumangon ka na di'yan may dala kong pagkain." narinig kong sabi niya.

"Jobille ba yan?" tanong ko habang nagtatali ng buhok at sinusuot ang tsinelas. Pero hindi sumagot si kuya kaya napatakbo na ako sa pintuan at kaagad na binuksan.

Nakita ko siyang nilalabas at inaayos ang dala niyang pagkain.

"Yes! Jobilleeeeeeee!" malakas na sigaw ko na nagpatalon sa kuya ko.

"Bwisit ka talaga Frejaaaaa!" sigaw din niya habang hinihimas niya ang dibdib niya.

"What? I just got excited!" sabi ko naman at naghugas ng kamay.

"Ito kina Mama at Papa 'to." turo niya sa iniba niyang burgers at coke. Tumango-tango naman ako habang nginunguya ang manok sa aking bibig.

"Fanho kha?" tanong ko sa kanya.

 

"Ano?" naguguluhang tanong niya sa akin. Hindi naintindihan ang sinabi ko.

Nilunok ko muna ang manok sa bibig ko, "Sabi ko pano ka? Hindi ka kakain?" malinaw na tanong ko sa kanya.

"Mamaya na para dalawa." sabi niya at tinaas baba ang kilay.

"Buang ka." sabi ko at nakita ko namang kinuha niya ang isang box na chicken joy din ang laman.

"Oo nga pala kuya, ito lang ba dala mo?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin na nakataas ang isang kilay, "Ano na naman?"

 
"Baka naman may iba ka pang dala?" tanong ko at tinaas baba ang dalawa kong kilay. Alam kong hindi lang ito ang dala niya eh.

"W-wala, wala. Wala na akong dala." sabi niya habang umiiling at ang mata niya ay naglilikot 'di makatingin sa akin ng diretso.

"Asuuus! Nabubulol pa eh! Sabihin mo na kasi na may iba ka pang dala." Pagpilit ko sa kanya.

He sigh then said "Fine!" at tumayo siya palapit sa bag niya at may kinuha tapos lumapit ulit sa akin.

"Lakas talaga ng radar mo!" sabi niya sa akin at pabagsak na binigay sa akin ang....................


.................CHOCOLATES!

"What the! Ano to?" sabi ko sa kanya habang hawak ang limang chokolate.

"Chocolates! Lakas talaga ng pang-amoy mo ano?" nakasimangot niyang sabi sa akin.

Tatlong Toblerone na malalaki at dalawang Dairy Milk na malalaki din!

"Ang ibig ko namang sabihin sa iba mong dala ay sapatos! Hindi chocolates!"

 

Umawang naman ang labi niya sa narinig. Ako naman ay napangisi dahil may tinatago palang chocolates ito HA!HA!HA!HA!

 
Agad akong kumuha ng papel at marker para lagyang ng pangalan tapos dinikit ko sa mga chocolates ko.

"Freja's property."

Pandemic Love (A Covid-19 Series)Where stories live. Discover now