Chapter 7

3.3K 151 4
                                    

Banayad na umiling si Yvonne at ngumiti na lang. Napapadalas na ang pagiging tulala niya habang nasa harap ng canvass. Kung dati natatapos niya sa loob ng isang araw ang kanyang painting ngayon ay inaabot na siya ng tatlong araw bago niya mailapat ang buong detalye. Pilit kasing umaagaw sa utak niya si Prince Raxiine.

Tumayo siya at nilapitan ang painting ng lalaki. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito roon. Ang mukhang iyon na kahit hinulma niya lang sa pamamagitan ng kulay at tinta ay may kakayahan pa ring patigilin ang kanyang paghinga.

Before, she treasured the moment of silence thinking the wonders of sceneries around her. But now, that silence she used to keep becomes a world full of him and his memories. Ngumuso siya at ibinaling ang tingin sa portrait ni Kate na katabi lamang. Doon ay napangiti naman siya dahil sa alaala ng kasiyahan habang magkasama sila ng bata.

Mahihinang katok sa pinto ang nagpatigil sa pagmumuni-muni niya. Dagling tinungo ng dalaga ang pintuan at binuksan.

"Dad?"

"We need to talk, Yvonne," nasa anyo at boses ni Johan ang pagkabalisa.

"About what, Dad?" nagtataka niyang tanong. Bumundol ang kaba. May nangyari ba sa kapatid niya? Baka nadisgrasya na naman. Noong huli ay nalaman na lang nilang na-hospital dahil muntik nang mabalian ng binti dahil sa extreme sports.

"Follow me."  Her father gestured the study room downstairs and led the way.

Sumunod siya sa ama. Nadatnan nila sa loob ng silid ang Mommy niyang halata rin ang ligalig sa mukha. Mailap ang mga mata nito at hindi makatingin sa kanya. Naupo siya sa kabukod na sofa habang ang mga magulang ay magkatabi sa couch na na nasa kabilang ibayo ng centertable.

"Dumalo ka ba sa prince's ball?" tanong ni Johan.

"Opo, dumalo po ako."

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang.

"Anak, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol dito at kung nagdesisyon akong hindi man lang hiningi ang opinyon mo."

"Tungkol saan po ba, Dad?"

"Ikaw ang ipinalit ko kay Yvienne bilang potential bride ng prinsepe."

Tumigil ang patak ng oras sa paligid niya. Pati buong sistema niya ay huminto. Ang kanyang hininga, ang tibok ng kanyang puso ay tila nasadlak sa gapos. Hindi niya gaanong binigyan ng pansin ang sinabi ni Prince Raxiine noong gabi ng ball. Inisip niyang pakulo lamang iyon ng lalaki lalo pa at una na nitong binanggit na ginawa nito iyon para makaiwas sa kakulitan ng mga babaeng nakatakda para rito.

"Dad..." pumiyok ang boses niyang naginginig. Hindi makapaniwalang nagawa siyang ipagkanulo ng mga magulang.

"Yvonne, darling...may ipinadalang mensahe ang Andromida Conglomerate kanina lang. Ikaw ang napili ng prinsepe at inutos niyang doon ka na tumira pansamantala sa Ragenei Castle. Sisimulan na raw ang  training mo bilang prinsesa bago ang kasal ninyo. Baka bukas may darating na delegate mula sa kaharian nila para sunduin ka."

"Mom, Dad, paaalisin ninyo ako rito? Hindi po pwede! Nandito ang buhay ko! Masyadong superficial iyang arrange marriage na iyan. Mahal ba ako ng prinsepe? Siguradong hindi. At paano ang mga babae niya roon sa Ragenei? Hindi bawal sa kanya ang magkaroon ng mistress. Parte iyon ng kultura nila. Hindi ako para roon," mariin niyang pahayag.

"Anak, tumanggi na ang kapatid mo. Wala na akong mukhang maihaharap sa prinsepe kung pati ikaw ay tatanggi pa," mabilis na agap ni Johan.

Umiling siya. She had trouble absorbing this whole thing. Pero malinaw sa kanya kung anong gusto niya. Hindi mahirap mahalin ang prinsepe. Ngunit hindi siya magpapakatanga para lang pasukin ang buhay na alam niyang hindi para sa kanya. She lived to paint and to tell stories through the beauty of creations. Hindi niya iyon bibitawan.

NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔Where stories live. Discover now