Chapter 26

2.5K 129 24
                                    

Leih's eyebrows tangled after Yvonne notified him to re-schedule their next tour.

"For what reason?" tanong niya sa hipag na pasulyap-sulyap sa cellphone nitong naka-charge sa powerbank niya.

"Susunduin ako ni Raxiine at iuuwi muna ng Ragenei." Minasahe nito ang bahagi ng kandungan kungsaan nakapatong mga kamay.

Nasa isolated area sila ng venue at marami pa ring tao kahit patapos na ang exhibit. Maya-maya lang ay magpa-pack up na sila dahil ibibiyahe pa ang mga painting patungo sa susunod nilang venue.

"Akala ko ba naintindihan ng asawa mo itong ginagawa natin? Hindi pwedeng abutan ng paglaki ng tiyan mo ang exhibit tour na ito, Yvonne. Mahihirapan ka sa travel. Your husband is a certified maniac, all he can think of is eating you."

"Hindi siya ganoon!" Pinagtanggol nito ang asawa at ngumuso. "Sweet lang talaga siya at healthy."

"Right, pati milyon-milyong similya niya kasing-lusog ng kabayo kaya kailangan niyang pakawalan."

"Lower your voice, baka may makarinig!" namumula ang pisnging sita nito sa kanya. "Pwede mo ba akong alalayan mamaya sa interview? May gustong itanong ang media." Nilihis nito ang usapan.

Tumango siya. Nabubugnot. Naka-plot na ang schedule nila. Kailangan na naman bang kanselahin? Hindi ba at naghahabol sila ng oras? Kinapa niya ang kanyang cellphone at binuksan ang chatbox nilang dalawa ni Rheeva. Na-seen na ng kapatid ang mga larawang ipinasa niya. Isa pa iyon, wala yatang tiwala sa kanya. Panay ang usisa kung maayos ba ang kalagayan ng prinsesa. Kailangan pa niyang magpakita ng proof na bantay-sarado niya si Yvonne biente-kwatro oras.

Nag-type siya ng message.

L : Pinatitigil ni Raxiine ang exhibit tour. Susunduin daw rito si Yvonne.

Siyam-siyam pa ang hinintay niya bago nagreply ang hari.

R: Nagseselos sa iyo. Ituloy mo lang ang ginagawa mo. Don't cancel the schedule.

Umarko ang kilay niya. Nagseselos sa kanya si Raxiine?

L: Copy that. Dapat ba pagselosin ko pa siya?

R: Kung gusto mong lumunok ng mga ngipin, sige lang.

May pahabol na malaking emoticon na humalakhak ang huling mensahe. He sent a dirty finger as a reply. Napailing siya at hinulog sa bulsa ng coat ang cellphone. Kaselos-selos ba siya? Sinulyapan niya si Yvonne na bumibilog ang mga mata habang nakatingala sa kanya. Isang hakbang at dumukwang siya, hinagkan ito sa noo. Hindi na ito mainit. Gumana ang maraming tubig na pinainom niya.

"Para saan iyon?" nagtatakang tanong nito.

"Gusto ko lang." Ikinibit niya ang mga balikat.

Tinirikan siya nito ng mga mata. Makikita ng prinsepeng iyon mamaya. Pasasabugin niya ang bumbunan n'on sa selos.

"Sige, papayag akong mag-resched tayo pero sa isang kondisyon."

"Talagang may kondisyon pa?"

"You know, I'm not fond of helping others for free. Kahit hipag kita, hindi dapat libre ang serbisyo ko. Just for my effort of setting up this exhibit tour for you, you must cooperate."

Lumambot ang mukha nito. "Okay, ano ba iyon?"

"Give me five hundred kisses until this whole thing is over. Five hundred smoochies." Ikinumpas niya ng limang daan ang kamay.

"Ayaw ko nga!" agap nitong tanggi.

"Sa pisngi lang. Get the deal or I will abandon this tour, and the negotiations with your potential sponsors for the refugees." Ipinasok niya ang mga kamay sa back pocket ng pantalon.

NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔Where stories live. Discover now