OO8 ҂

145 23 8
                                    

Moon Eunji's

"Eunji!!" sigaw ni Jungwon

Napalingon ako sa likod pero wala akong nakita.. so naglakad ako ulit patungo sa bahay..

"I like you.." narinig ko ang bulong ni Jungwon sa tenga ko

Nagulat ako.. pero pagtingin ko sa likod wala talaga sya.. ano ba talaga nangyayare..

Pagtingin ko ulit sa harapan ko may nakita akong higanteng tupa-

"HOY EUNJI GUMISING KANAAAA!!" sigaw ng tupa

<< Normal >>

"Putangina-" sabi ko habang napabangon ng may gulat

"Si mama talaga-" sabi ko habang inayos ko buhok ko

"EUNJI GISING NAAA!!" sigaw ni mama

"Eto na maaa!!" sigaw ko pabalik

"BILISAN MO ANDITO SI JUNGWON NAGHIHINTAY!!" sigaw ni mama

"Hala- jusko nakalimutan ko na susunduin ako neto-" sabi ko

"MAAA DI PAKO GISING!!" sigaw ko habang napahiga ulit sa higaan at napapikit mga mata ko

Biglang bumukas yung pintuan kaya I pretended to snore..

"Bobo narinig ko yon" sabi ni Jungwon

Napalaki mga mata ko at tinignan ko sya

"HOY GAGO BA'T KA PA PUMASOK-" sigaw ko

"Baket ba, bawal ba ako pumasok? friends naman tayo ah" sabi ni Jungwon

"OO FRIENDS LANG HINDI BESTFRIENDS!" sigaw ko habang tinapon ko yung unan sa mukha nya

"Abah abah ang sakit nun ah-" sabi nya

"Kasalanan mo naman eh" sabi ko

May kinuha sya sa labas at bumalik dito sa kwarto..

"Will you allow me to be your bestfriend..?" tanong nya habang may binigay na notebook pati writing materials

"Gago ano toh?" tanong ko

"Gift" sabi nya

"Loh? Para san naman?" tanong ko

"For making me happy yesterday" sabi nya

"Gagi ba't ka pa bumili neto?" tanong ko

"Kase alam ko na mahilig ka magsulat malamang" sabi nya

"Edi thanks" sabi ko

"Soo?? Nakapasa ba ako sa pagiging bestfriend mo?" tanong nya

"Oo na kaya lumabas ka dito at ako'y maliligo na kase baka malelate na tayo" sabi ko

"Okay, hintayin nalang kita sa sala" sabi nya

"Okay go go go get out shoo" sabi ko habang tinulak ko sya sa labas

Kinuha ko yung towalya ko at lumabas sa kwarto, nakikita ko si Jungwon na nakikipaglaro sa kapatid ko na si Daewon.. ang cute nila tignan hshsh

Pumasok nako sa cr at naligo..

<< Time skip >>

Pumasok ako kaagad sa kwarto at nagbihis, nilock ko na den yung pintuan incase papasok yung tupa na yun-

Lumabas nako sa kwarto pagkatapos ko magbihis

"Tara kain muna tayo" sabi ni Jungwon na nakaupo sa lamesa

"Luh? Ma?" sabi ko habang nakatingin kay mama

"Sige na Eunji, andito na nga kaibigan mo oh" sabi ni mama

Tumingin ako kay Jungwon at napangiti sya..

"Oh sige" sabi ko habang umupo

Nag-dasal kaming apat, nahihiya ako kase si Jungwon yung pinalead ni mama..

Kumain na kaming apat at ako'y masaya na di na tinapay kakainin ko

"Kamusta yung pagkain Jungwon?" tanong ni mama

"Masarap po tita hehe, namiss ko po tuloy yung luto ni mama" sabi ni Jungwon

"Oh? Asan ba mama mo?" tanong ko

"I'm living alone eh" sabi nya

"Ahh.." sabi ko

Ano kaya nangyare.. ba't sya lang mag-isa..

〄 : 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 || 𝙔 . 𝙅𝙐𝙉𝙂𝙒𝙊𝙉Where stories live. Discover now