O76 ҂

85 11 14
                                    

Yang Jungwon's

It's been 2 months, di pa din sya gising.. I visit the hospital once every week, I always ask the nurse if she's doing okay.. okay naman daw sya.. I also heard that she went through surgery. Sana magising na sya, gusto ko na sya makasama.. kahit isang araw lang, isang araw na makipag-usap sa kanya. Gusto ko sya pasayahin, pero di ko talaga alam kung may chance pako sa pamilya nya.

Everytime bumibisita ako sa hospital, bumibili ako ng mga pagkain at flowers para sa kanya. Humihingi nalang ako ng favor sa nurse na ipadala sa kwarto nya, baka kase mapagalitan pako ni tita.. Pero kanina, I noticed all the food and flowers I gave to her sa labas ng hospital. Nasa basurahan. Kaya nalungkot ako, wala na talaga akong chance kay tita.

Naghanap ako ng paraan, gusto ko magbigay ng something kay Eunji na hindi itatapon sa basurahan. I'll buy her something special, wala akong pakialam kung mahal.. basta maappreciate ni tita..

"Hoy Jungwon" sabi ni Heeseung-hyung habang napaupo sa tabi ko. "Oh hyung?" tanong ko, "Tara ramyeon tayo, sama si Jake at Ni-ki" sabi nya. "Yung iba?" tanong ko, "Busy eh, tara! sama kana!" sigaw ni Heeseung-hyung. "Oh sige, teka lang ayusin ko lang mukha ko" sabi ko, "Ano ka ba! Pogi kana noh. Di na kailangan magbihis! Ramyeon lang naman eh!" sabi nya habang napatayo na sya.

Tumayo na din ako at sumunod kay Heeseung-hyung sa labas, dun lang ata kami sa 7/11 mag-raramyeon since gabi na din.

Si Jake-hyung at Ni-ki ay tawa ng tawa nanood ng videos sa social media habang kami ni Heeseung-hyung nag-uusap.

"Hoy kayong dalawa ang lalakas ng tawa nyo, may natutulog ha" sabi ni Heeseung-hyung

"Eh eto naman kase si Ni-ki ang kulit! Ayaw ibigay yung selpon ko!" sabi ni Jake-hyung habang napatawa lang si Ni-ki

"Hoy Ni-ki! ibigay mo nga yang selpon ni Jake" sabi ni Heeseung-hyung, "Yoko nga, unless.." sabi ni Ni-ki. "Lintek na ina yarn! milktea nanaman gusto mo ano?! HAHAHAHAHA" napatawa si Heeseung-hyung, "Yessir" sagot ni Ni-ki. "Bahala ka dyan! HAHAHAHA" sigaw ni Heeseung-hyung habang tumakbo sya palayo.

"Huy yung selpon ko pano na?! Ni-ki aken na kase!" sigaw ni Jake-hyung, "Ni-ki ibigay mo na kay Jake-hyung yung phone nya, ako na bahala sa milktea mo" sabi ko. "Ohhh?? MAHAL MO TALAGA AKO HYUNG!" sigaw ni Ni-ki habang niyakap ako, "Oi yuck wag moko yakapin" sabi ko. "Yieeee mahal ako ni Jungwon-hyung~" sabi nya, "Hoy tigilan mo yan" sabi ko. "MAHAL AKO NI JUNGWON HYUNG!!!" sigaw nya ng palakas sa gitna ng gabi, sinapak ko sya sa likod ng ulo nya kase ang kulit. "Aray ko naman, mahal mo naman talaga ako ah!!" sigaw nya, "Oo mahal kita pero wag kang sumigaw sa gitna ng gabi ulol!" sigaw ko. "Hehe labyu hyung" sabi nya, "Palusot sa milktea! Tse!" sigaw ko.

〄 : 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 || 𝙔 . 𝙅𝙐𝙉𝙂𝙒𝙊𝙉Where stories live. Discover now