O1O ҂

141 17 4
                                    

Moon Eunji's

"Okay that's it for now class" sabi ni ma'am

"Happy lunch everyone!!" sigaw naming lahat magkaklase

Tumakbo si Hena sakin habang umupo si Soojin sa aking tabi

"Tara na tara naaa" sabi ni Hena habang hawak ang kamay namin ni Soojin

Napatayo kami ni Soojin at hinila kami ni Hena palabas ng classroom

"Guys, sorry.. kayo nalang muna siguro sa canteen, kailangan kong sabayan si Jungwon mag-lunch. Alam nyo naman, sya lang daw mag-isa sa classroom nila" sabi ko

"Ayyy shene el shebey" sabi ni Hena

"Sige na oks lang yan, next time nalang tayo apat if papayag sya" sabi ko

"Okies, eat well besss" sabi ni Soojin

"Kayo den mareee" sabi ko habang nagtungo ako sa classroom nila Jungwon

Nakita ko sya sa glass window, nakaheadset na parang natutulog..?

Pumasok ako sa classroom nila at nilapitan sya.. parang pagod tignan..

"Isa ka talagang pagod na pusa.." sabi ko

Ang cute nya tignan, yung mga malaki niyang mata na nakapikit..

"Gising~" bulong ko sa tenga nya pagkatapos kong tanggalin yung headset nya

Ayaw nya gumising, ayan puyat pa more.

"Huyyyy" sabi ko

"Hala gagu-" sabi nya habang nagulat

"Ay sorry-" sabi ko

"Hindi sorry nakatulog ako" sabi nya

"Oks lang yan, nagpuyat ka pa kase" sabi ko

"So ano? Nagbabaon ka ba or bumibili?" tanong nya

"Minsan baon minsan bili" sabi ko

"Eh ngayon?" tanong nya

"Bili" sabi ko

"Ako den eh, ano gusto mo kainin?" tanong nya

"Gusto ko siomai hahaha" sabi ko

"Oh siomai din gusto ko, tara bili na tayo" sabi nya

"Ocakes" sabi ko

Lumabas na kami sa classroom at nagtinginan

"Ano tingin tingin mo dyan" sabi nya

"Wala lang, I mean bawal ba?" sabi ko

"Hindi naman, pero wag naman masyadong titig ha baka mahulog yung mga eyeballs mo" sabi nya

"Wao grabe ka ha" sabi ko sabay sapak sa braso nya

"Gagi kung makapagsapak ka ha, sapakin kita mamaya hahaha" sabi nya

"Awiet saan?" tanong ko

"Sa ulo mo, I like ya cut g" sabi nya

"Ehe, sige gawin mo yan kundi isusumbong kita kay mama" sabi ko

"Ikaw nga yung unang nagsapak ako pa yung isusumbong" sabi nya

"Gagi ka manahimik nalang kaya siguro tayo hanggang andun na tayo sa tindahan" sabi ko

"Oh sige deal" sabi nya

Naglakad kami ng walang usap-usap, medyo malayo din kase yung tindahan.. ang init pa ng panahon

"Ang init" sabi ko

"Aha di mo natigilan sarili mo" sabi nya

"Oo na oo na" sabi ko

Pumunta si Jungwon sa harap ko at tinignan ako

"Loh gagu?" sabi ko

"Pinagpawisan kana Eunji" sabi nya

"Oks lang yan, malapit naman lang tayo eh" sabi ko

"Sure ka? Balik ka nalang kaya sa school para mapreskohan ka, ako nalang bibili" sabi nya

"Baliw ka ba, anlapit na nga naten eh ngayon mo pa ako ipapabalik na nakalayo na tayo sa school" sabi ko

"Bahala ka" sabi nya

"By the way, bakit ikaw lang mag-isa? If personal yung reason pwede mo naman hindi sabihin" sabi ko

"Wala eh, ginusto ko maging independent pero ngayon namimiss ko sina mama at papa" sabi nya

"Ay bakit naman ganon?" tanong ko

"I don't know din eh, pumasok lang sa isip ko yun.. ewan ko din kung ba't sinunod ko yung pagiging independent na decision" sabi nya

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya.. why naman ganun ka sad yung pagiging independent..

〄 : 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 || 𝙔 . 𝙅𝙐𝙉𝙂𝙒𝙊𝙉Where stories live. Discover now