Story: 1

7 4 0
                                    

TAMA NA

✓R18+

•Ang mga sumusunod po ay hindi angkop sa mga bata, kung kaya't patnubay at gabay ng magulang ay lubos na kailangan. Ang istoryang ito ay hindi hango sa totoong buhay, ang pagkakapareho ng pangalan, lugar, tao at mga organisasyon ay pawang nagkataon lamang.

"Ayoko na, maghiwalay na tayo!" Sigaw ni mama.

"Putangina!! Kung yan ang gusto mo, sige!" Sigaw ni papa.

Anim na taong gulang ako ng nagkahiwalay ang aking mga magulang, napunta ako sa pangangalaga ng aking tiyahin sapagkat walang gustong mag-alaga sa akin.

Durog na durog ako ng mga panahong iyon, ngunit pilit ko paring binuo ang sarili ko.

--------------

"T-ito, w-ag po." Humahagulgol na ani ko.

~Pak~

Sinampal ako ng aking tinyuhin at marahas na hinawakan ang aking mukha sabay dinuro-duro.

"Alam ko namang gusto mo rin naman to, wag ka ng magkaila. Paligayahin mo'ko." Utos nito.

Labing-anim na taon ako noong ginahasa ako ng aking tiyuhin. Hanggang ngayon ay paulit-ulit parin ako nitong binababoy. Kahit na gano'n ang nagyari ay pinilit ko paring buoin ang aking pagkatao.
-------------

Akala ko patuloy nang magiging gano'n ang takbo ng aking buhay, akala ko ako na lamang ang bubuo mag-isa sa pagkatao ko. Ngunit dahil sa isang lalaki nagbago ang lahat...

"Kashia, will you be my girlfriend?" Tanong ni Dave na aking manliligaw.

"Yes, Dave! Yes!" Masayang ani ko.

Pinaramdam ni Dave na deserve ko na maging masaya, kaya binuo ko ang sarili ko para sa kaniya.

--------------

Ngunit sabi nga ng iba, lahat at may hangganan...

"Ughh"

"Ahhh"

"Faster"

Ungol na mula sa kwarto ng aking kasintahan, kahit na naginginig pinihit ko parin ang pintuan ng kaniyang kwarto. Napaiyak ako sa eksenang nadatnan, nakapatong ang aking hubo't hubad na nobyo sa aking matalik na kaibigan. Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa senaryong iyon at paulit-ulit na sinasaksak ng libo-libong kutsilyo. Binuo ko ang sarili para sa kaniya, ngunit gano'n parin pala ang mangyayari.
-----------------

"Tama na!"

"Sumuko ka na."

"Maawa ka sa sarili mo."

Nagmamakaawang ani ng isang babae sa akin, para akong pinapatay kapag nakikita ko itong nagmamakaawa sa harap ko. Gustong-gusto ko ulit buuin ang sarili ko, ngunit wala na akong lakas.Tama nga siguro siya na kailangan ko nang tumigil, na kailangan ko na ring sumuko. Tama nga siya, ang babaeng nakikito sa salamin...Tama na... Tama ang sarili ko, ayoko na suko na ako.

Short Story CollectionWhere stories live. Discover now