Story: 3

3 2 0
                                    

NOONG KAPILING KA

Naalala mo ba noong una tayong magkita, alam mo umpisa noon nagkagusto na ako sayo.

“Anne, si Jake nga pala, kaibigan ko.” Sabi ni kuya.

“Hi po kuya, Anne nga po pala.” Pagpapakilala ko, sabay kamayan natin.

Parang ayaw ko pa ngang kunin ang kamay ko noong nagkamayan tayo. Nakakatuwa ngang isipin na nagkagusto ako, sa kaibigan pa ng kuya ko, na tinuring ako bilang isang kapatid. Alam mo ba masakit isipin na gusto mo ang isang tao, pero yun nga lang kapatid lang ang turing sayo. Bakit hindi ba tayo pwede?. Dalawang taon lang naman ang tanda mo. Pero naalala mo ba yung ipinagtanggol mo ako ng inaway ako ng malditang si Jane, na may gusto sayo.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako.” Inis na sabi ko,  habang pilit na kumakawala sa mahigpit na kapit ni Jane sa aking braso.

“Ayaw ko nga bagay lang to sayo, masyado kang pasikat kay Jake.” Inis rin na sabi ni Jane, na mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa braso ko.

“Hoy! Anong ginagawa mo kay Anne?.”sabi mo sabay punta sa aming pwesto, kaya natakot si Jane at tumakbo.

“Salamat kuya Jake.” Pagpapasalamat ko sayo.

“Walang anuman.” Sagot mo.

“Alam mo po, palagi mo nalang po akong pinagtatanggol, sigurado po akong maswerte ang makakatuluyan mo balang araw.” Sabi ko, pero sa isip ko sana ako nalang ang makakatuluyan mo.

“Hahahaha (tawa mo) ikaw talaga, ako nga yung maswerte ehh, nasa tabi ko lang yung gusto ko (pabulong).” Sabi mo pero hindi ko narinig ang huli mong sinabi.

“Ano po yung huling sinabi mo kuya?” tanong ko.

“Ahh- wala.” Sabi mo, sabay iwas ng tingin.

Alam mo nagpapasalmat ako na dumating ka sa buhay ko. Naalala ko pa nga noong kaarwan ko, nalungkot ako noong nahuli ka ng dating.

“Kuya saan si kuya Jake?” tanong ko kay kuya.

“Hindi ko alam bunso ehh, baka may pinuntahan lang, pero sigurado ako dadating yun.” Sagot ni kuya.

Parang ayaw ko pa ngang pasimulan ang kasiyahan, kasi gusto ko andyan ka. Isa ka kasi sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kung ako nga ang papipiliin parang hindi ko na itutuloy ang selebrasyon ko, kung hindi ko lang nakita ang mga naiinip na mukha ng mga bisita. Kaya napalitan ng saya ang kalungkutan ko ng dumating ka, parang nagibg slowmo pa nga yung paligid ko no'n.

“Akala ko kuya hindi ka na makakarating.” Sabi ko, na may halong pagtatampo.

“Pwede bay yun?, Mahal kaya kita-.” Sabi mo. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

“ Siyempre bilang kapatid.” Dugtong mo ulit. Yun na sana yun masaya na ako, napawi lang dahil sa huling mga salitang sinabi mo. Na ang turing mo parin sa akin ay bilang isang kapatid. Ngumiti ako sayo ng alanganin. Ngumiti man ako hindi nito matatago ang kalungkutan na naramdaman ko sa mga salitang binitawan mo.

Lumipas ang dalawang taon, at naging mas malapit pa tayo sa isa’t –isa. Palagi kang pumupunta sa bahay para mag-laro ng basketball kasama si kuya sa bakuran. Alam mo laging sumasaya ang araw ko dahil kasama kita. Tama na siguro ang dalawang taon ng pagtatago ng nararamdaman ko sayo, siguro kailangan ko na talagang sabihin sayo ang nararamdaman ko. Ito na siguro ang tamang panahon para malaman ko kung may pag-asa ako, pero kung wala na sigurong pag-asa, tama na, titigil na  ako. Nandito tayo sa park ng pumunta ako sayo at magtanong.

“Kuya Jake, pwede ba tayong mag-usap?.” Tanong ko.

“Ohh sige, tungkol saan ba?.” Tanong mo. Tapos hindi ko mapigilan at humagolgol ako ng iyak.

Short Story CollectionWhere stories live. Discover now