Chapter 2

172 20 3
                                    


Present Day


"Baby Cocoooo!" sigaw na nanggagaling sa pinto ng kwarto ko kaya bumangon na ako sa pagkakahiga ko at nag unat unat muna ng katawan bago buksan ang pinto.

"Goodmorning ate abby!" sabi ko sakanya pagbukas ko palang ng pinto at niyakap sya.

"Maghilamos kana at magtoothbrush tapos bumaba kana at magb-breakfast na tayo" sabi nya, kaya tumango nalang ako at pumunta na ng cr duon ginawa ang daily routine ko tuwing umaga, pagkatapos bumaba na ako.

"Goodmorning Mommy, Daddy!" bate ko sakanila at umupo na.

"Coco maligo kana pagkatapos mo kumain para makaalis na tayo ah?"sabi ni ate abby kaya tumango ako.

Btw dito muna nakikitira si ate abby samen pansamantala kase ayaw nya doon sa bahay nila magisa lang sya kase sila tito at tita asa korea may business na ginagawa kaya wala na den nagawa sila daddy at pumayag na, tutal pinsan ko naman sya tyaka para may kausap ako dito minsan sa house lagi kase ako nakatambay sa kwarto boring pa.


Tapos na kaming kumain, kaya naman umakyat na ako sa kwarto para maligo. Aalis kase kami ni ate abby kasama mga tropa namen, super excited nga ako e kase naman susunduin lang naman namen sa airport yung FUTURE WIFEEY  KO ehe! galing kase syang vietnam.


Mga ilang minuto nakarating na kami ng airport, van ang gamit namen papunto dito kase madame  kasama namen, alam kong di lang ako excited makita sya, lahat naman sila lalo na si ate itl- ate sela pala hehe nasanay kase ako sorry na, halos  3 years den di nakita ni ate sela si gabrielle kaya sobrang miss na nya.

"Ate Sela baket po ba pumuntang ibang bansa si gabrielle?" tanong ko kay ate sela na katabe ko then sa right side nya si ate abby.

"Dun kase gusto nila tito na pag aralen si gabb ng senior highschool" sabe ni ate sela habang nakatutok pa den sa phone nya, napatango nalang ako at nagintay ng ilang saglet dahil nakababa na ang eroplanong sinakyan nya. Maya maya...

"Ate sela!" sigaw nung papalapit saamen kaya napalingon kaming lahat dito.

Para bang nagslowmo ang lahat nung nakita ko na ulet sya... yung itsura nya anlake ng pinagbago nagmatured mukha nya pero ang pogi at ganda paden, di ko lang alam kung pate yung pakiking cold nya e nagbago, sana kilala nya paden ako.

"Aba gabo, pugi paden naten ah" ate lara.

"Ate gabb grabi kana talaga! asawahin mo na nga ako" sabi ni amy kaya binatukan sya ni laney.

sinamaan ko den si amy ng tingen.

"Gabb pasulubong ko baka nakalimutan mo ah" sabi ni ate ecka. Hays mami ecka talaga 

"Magsitigel na nga kayo. Nauuna pa kayo sa pinsan magsalita e" sabi ni ate alice kaya nagtawanan sila habang ako seyosong nakatitig lang sakanya pero di nya alam.

"Gabb, grabe ang ogip paden naten ah! saka kamusta pag aaral doon?"tanong ni ate sela kay gabrielle, ngumite lang ito at tumango sabay yakap kila ate isa isa, napahinto sya sa pag yakap sa mga ate ng makita nya ako.

"Sino sya ate?"tanong nya kay ate sela habang naka duro saaken.

Hays expected ko ng di nya na ako makikilala tagal nameng di nagkita.

"HAHAHAHA sabi na makakalimutan mo na ako e tagal na nung pagkikita naten bata palang tayo non, btw i'm Coleen Trinidad, baby nalang po for short hehe" pagpapa alala ko naman sakanya kaya parang biglang nagbago ang mood nya nung sinabe ko sakanya yun.

"Ahhh i see anlaki na ng pinagbago mo pero anliit mo paden sana naman pate ugali mo nagbago na"bulong na sabi nya kaya di ko narinig yon.

"Yes? may sinasabe kaba? namiss moko noh ahihihi" sabi ko sakanya na medjo kinikilig.

"W-wala s-sabi ko a-ano, ano ahhhm hindi. hindi kita namiss muntik na nga kita makalimutan buti at nagpakilala ka saken" sabi nya na may pagkakaalinlangan.

"Baby coco at gabb, tagal pa yarn?, nagugutom na ako pakibilis bilisan naman"pag iinarte ni ate sheki. Kaya hinampas sya ni ate alice.

"Hoy bonita! hayaan mo ang dalawa ang tagal na den nilang di nagkita minsan lang magusap kaya pag adjust- in mo yang kapatay gutuman mo!" sabi ni ate alice kay ate sheki, kaya natawa kameng lahat, pero itong si gabrielle seryoso paden ang mukha at naglakad na.

kala ko nagbago na sya, tulad paden ng date apaka cold nya pa ren, lalo na saaken.

Umalis na kame ng airport, ngayon papunta kaming resto para kumain gutom naren naman kameng lahat. Tagal namen nagintay duon e.

"So san tayo guys pagkatapos nating kumain" tanong ni ate abby kaya nagsalita yung iba.

"Bar tayo guys!" sabay sabay na sabi ni ate ecka, jaydee, gia at lara.

binatukan naman ni ate sela sila ate ecka dahil sa sinabe nila.

"Anong bar kita nyong kakadating lang ni gabb, mag aaya kayo agad ng inuman!"saad ni ate sela kaya natawa nalang iba kong ate.

"Ateee sa mall nalang po tayo, dun po sa may arcade"sabay pout para pumayag sila pang akit ko kase sakanila ang pag papacute ko well tumatalab naman kahit di ako mag pacute, literal na cute at maganda na kase ako.

"Oo nga mall na lang tayo guys, sa susunod na ang bar kakainom nyo lang nung isang araw eh"sabi naman ni ate brei.

tumango nalang ang iba bilang pag sang ayon. Wala na ang nagsalita saamen at nagkainan na.

Nakasakay na kaming lahat sa van papuntang mall, yung mga maleta naman ni gabb andun sa may likod ng sasakyan, malaki naman tong van parang bus lang pero maliit. habang nagbabyahe kame kinakausap ko minsan si gabrielle kase sya lang katabe ko wala akong madaldal na iba, tyaka namiss ko den syang kausapen.

"Namiss kita ng sobra gabrielle, kala ko di na tayo magkikita e hihi, at alam mo ba tawag don sa pagkikita ulet naten?" dagdag ko pa habang nakatingen sakany bigla syang humarap saken nung sinabe ko sa dulo at nagsalita.

"What?" tanong nya saken.

"It means nakatadhana tayo sa isa't isa yieeeee" kinikilig na sabi ko sakanya at sabay tusok sa tagiliran nya para kiligin den sya pero seryoso paden sya.

Panget mo kabonding gabrielle!

"Ano bayan coco, unang kita nyo palang ni gabo, hinaharot mo agad" sabi saken ni ate brei kaya inirapan ko lang sya at patuloy paden sa pakikipag usap kay gabrielle kahit di ako minsan pinapansin. Hanggang sa nakarating na kami ng mall.

Dumiretso muna kame ng penshoppe kase may bibilin lang daw sila ate sela kaya wala kaming nagawa at sumunod nalang.

"Marsela gusto mo ng dress? para yun ang suotin mo sa date naten" sabi ni ate abby habang may hawak hawak na dress, kaya nagsitilian naman yung iba samen kase minsan lang maging sweet si ate abby kay ate sela. Btw jowa nga pala netong pinsan ko si ate sela. Namula naman bigla si ate sela kaya lalo pa nagsitilian ang mga ate, hays nakakahiya.

"Matagal pa bayang harutan nyo? naiinip na ako dito kakatayo" napalingon kame kay gabrielle nang sabihin iyon.

"Kj mo gabrielle minsan na ngalang maging sweet yan si ate abby kay ate sela e"sabi ko naman sakanya. Kaya wala na syang nagawa kundi mag intay HAHAHAHHA kawawa naman ang baby ko naiinip na.

Words can't describe how much I Love You(UNICOCO)Where stories live. Discover now