CHAPTER 1

332 9 1
                                    

SAKURAGI'S POV

What a wanderpuldeyy HAHAHA

Ngayon ay nakatambay kami sa cafeteria dahil lunch naman na, kanina pa nga ako naiinis dahil panay ang kwentuhan netong mga kasama ko tungkol sa pang bubusted sakin ni Sakura hay buhay nga naman parang life.


"Hoy hanamitchi bakit ka tulala riyan Hindi ba dapat ay nag sasaya ka dahil eto ang 51 beses mo ng nabusted sa highschool HAHAHAHAHHAHA"Natatawang sabi ni takamiya kay sakuragi Kaya naman hinead but nya ito.

"Shatappp boys kita nyo na ngang nabusted ako ang saya saya nyo pa riyan!."bulyaw ni sakuragi sa apat pero tinawanan lamang sya ng Mga ito.

"Hoy sakuragi!Nasaan ka kahapon at bakit Di ka na nagpractice?!."tanong ni ayako kay sakuragi Sabay hampas ng pamaypay sa ulo nya.

"Oo nga sakuragi nasaan ka?"mahinhin at Nakangiting tanong ni haruko sa kanya.

"H-haruko my labs."namumulang banggit ni sakuragi sa pangalan ni haruko habang hawak hawak ang ulo nya kung Saan sya pinalo ni ayako ng pamaypay."M-may ginawa kasi kaming importante nila mito kahapon pasensya na ha."sabay kamot ng ulo.

"Ganon ba sakuragi pero sana wag ka na umabsent para kumpleto ang first five ng shohoku okay?Kailangan ko na pala umalis paalam sakuragi sa inyo rin mito."pagpapaalam ni haruko dahil malelate na sya sa kanyang klase ,nagpaalam na rin si ayako dahil baka malate rin sya pero yung limang kulugo ay nasa cafeteria pa rin Hindi nila napansin ang oras at Malapit na sila malate

"Sige haruko my labs."kinikilig pa na sabi ni sakuragi sa kanya.

Maya maya lang ay tumunog na Ang bell ibig sabihin ay tapos na Ang lunch break , dali dali namang tumakbo ang lima papasok sa kanya kanyang room nila pero nandon na ang teacher nila buti na lamang ay mabait ang teacher na ito.

"Pasensya na po at late kami Mr.Takato".nakayukong paghingi ng paumanhin ni sakuragi at mito.

Hindi magkakaklase silang lima ang magkaklase lamang ay si mito at sakuragi at yung tatlo sila ang magkakaklase.

Natapos na ang klase kaya naman dumiretso na si sakuragi sa gym para makapag practice ng basketball.

Pagpasok nya pa lang sa pintuan ay nakatikim na kagad sya ng malutong na palatok kay akagi.

"Gunggong ka talaga! Saan ka nanggaling kahapon at wala ka rito upang mag practice?!Hindi porket nanalo tayo sa Team ng Ryonan ay magbubulakbol ka na! Tandaan mo sakuragi eto ang unang beses natin na makakapasok sa interhigh Kaya kailangan natin ng matinding ensayo! at ikaw gunggong ikaw pa naman ang pinaka kulelat sa team!."Sigaw ni Gori kay sakuragi na nakaluhod habang hawak hawak ang ulo na binatukan ni Gori.

Biglang bumangon si sakuragi at masamang tumingin kay akagi."May ginawa kami kahapon ni mito Kaya di ako nakapag practice."

"Sa susunod na Hindi ka ulit mag practice tatakbo ka lang mula 7 pm hanggang 9 pm dire diretso!."Galit pa rin na Sabi nya kay sakuragi.

"Sisiw lang sakin yan Gori WAHAHAHA lalo na't isa akong henyo WAHAHAHAHAHAA."tumatawang saad nya sabay alis sa harapan ni Gori.

"Gunggong."bulong ni Rukawa pero narinig pa rin sya ni sakuragi

"What did ya say Rukawa?!Grrr!."gigil na sabi ni sakuragi.

Bwisit ka talaga rukawa makikita mo tatalunin ka ng isang henyong Katulad ko WAHAHAHA.

"Ang Sabi ko gunggong ka umalis ka nga riyan nakaharang ka sa daan."sabay tulak ng marahan kay sakuragi at nagdribble ito papunta sa ring Sabay dakdak ng bola.

Nakatingin pa rin sya ng masama kay Rukawa dahil sa pagtulak neto sa kanya kahit marahan lamang ng biglang dumating si haruko upang kamustahin ang lagay ng team.

Pagtapos nilang mag practice ay naiwan si sakuragi at rukawa upang maglinis ng gymnasium nauna ng umuwi Ang Mga kaibigan ni sakuragi dahil may Mga gagawin pa raw ang mga ito.

"Bilisan mo maglinis jan gunggong."Sabi ni Rukawa kay Sakuragi ng makita nya itong nakatitig sa ring.

Bigla namang tumingin ng masama si sakuragi kay rukawa"Bakit tapos ka na ba ha?!."bulyaw nya kay Rukawa.

"Oo bahala ka na riyan gunggong ka."pumunta na si rukawa sa locker room upang linisin ang kanyang katawan pagtapos nyang maglinis ay sumakay na sya sa kanyang bisekleta para umuwi, naiwan naman mag isa si sakuragi sa gym Kaya naman naisipan nyang magpractice na muna total sya lang rin naman mag isa ang naiwan don at sya rin ang magsasarado.

Una nyang prinactice ang dribbling pinatalbog talbog nya ito ng pa "v" sa kanyang harapan sabay pinalusot sa kanyang Mga hita at pinatalbog nga ulit ang bola na pa "v" pero nasa likod naman ang bola, pinag sabay sabay nya ang tatlong iyon hanggang sa magawa na nya ng tuluyan.

Ang sunod naman ay ang Three point shot sinunod nya lahat ng itinuro sa kanya ni mitsui tungkol sa pag shushoot ng bola sa tres Hindi dapat masyadong nilalagyan ng pwersa ang kanyang Mga kamay kapag titira kundi ay lalagpas ito dapat rin ay Hindi masyadong Nakabukas ang kanyang mga braso.

Ang sunod ulit ay ang "lay-up shot"dito naman ay natatandaan nya lahat ng itinuro sa kanya ni tatang at haruko parang ilalagay nya lang daw ang bola sa ring.

At ang huli ay ang DUNK paulit ulit nya naman na ginawa ito Kaya kahit papano ay sanay na sya neto.

Pagtapos nya sanayin lahat ng yon ay pumunta sya kabilang bahagi ng court naghahanda upang magsanay ng Mga 3 point shot lay up at dunk  nagsimula ng tumakbo si sakuragi papunta sa kabila pinatalbog talbog nya ang.bola at nag iimagine sya na may kalaban sya Kaya ang ginawa nya ay huminto sya pagdating sa kabilang ring at pinalusot ang bola sa kanyang Mga hita at umatras sya ng konti Sabay tira ng tres , pumasok naman ang.bola Kaya tuwang tuwa si sakuragi.

Ang kanyang sunod na ginawa ay pinalusot ulit ang bola sa kanyang Mga hita at umikot tapos tumalon iniisip nya na may Mga kamay na susupalpal sa jump shot nya Kaya ang ginawa nya biglang ibinaba Ang mga kamay Sabay lagay ng bola sa ring.

Habang busy si sakuragi sa pag papractice di nya napansin na may nanonood na pala sa kanya

Di nya alam na Nanonood pala si haruko sa kanya at Tuwang tuwa na Nanonood sa mga ginagawa nya na mga tira.

Nang mapagod si sakuragi sa ginagawa nyang pag papractice ay humiga muna sya sa sahig at nagpahinga, pumunta naman si haruko sa gawi nya upang bigyan sya ng towel dahil basang basa na ng pawis si sakuragi.

"Ang galing mo na sakuragi."Sabi ni haruko, Kaya naman nagulat si sakuragi at napatayo sya bigla Kaya nagkauntugan sila ni haruko.

"Ay bwakang ina ni binay! Shít ang sakit"napatingin sya sa don sa taong biglang nagsalita"H-haruko? Naku! Pasensya ka na masakit pa ba?Akala ko rin umuwi ka Pasensya na talaga."aligagang paghingi nya ng tawad kay haruko.

"Ano ka ba ayos lang hehe kasalanan ko naman kasi bigla bigla akong nagsasalita nagulat tuloy kita."Mahinhin pa rin na sabi ni haruko.

"Naku!sorry talaga halika don tayo sa locker room lagyan natin ng ointment para hindi bumukol."hinila nya na si haruko Kaya wala na ring saysay kung tatanggi pa sya

Pagdating sa locker room ay agad na naghanap si sakuragi ng ointment at May nakita naman sya at agad nya itong nilagay sa parteng noo ni haruko.

"Hintayin mo ako dito haruko at maglilinis lamang ako ng aking katawan ihahatid na kita sa inyo.Sakuragi

"Ah sige salamat."Nakangiting sabi ni Haruko.

SLAM DUNK(FAN FICTION)Where stories live. Discover now