CHAPTER 6

274 12 9
                                    

HANAMICHI'S POV

Gahh! Buti na lang at mahina lang yung batok sakin ni Gori at Buti na lang rin at hindi masyadong halata yung sugat ko sa ulo dahil sa buhok ko.

Pagpasok ko dito Kanina ay kamao kagad ni Gori ang sumalubong sakin. At yung sandamakmak na tanong ni Ayako sakin. Buti na Lang rin talaga ay wala si Haruko. Di ko alam kung pano ako makikitungo sa kanya dahil sa nangyari doon sa harap ng bahay nila.

Safe ang sikreto ko tungkol sa pang bubusted sakin ni haruko mylabs

"Sakuragi! Anak ng tupa wag ka tumunganga riyan at mag practice ka na!"Bulyaw ni Gori sakin.

"Ayoko na! Puro dribble lang itinuturo mo sakin! Gusto ko mag shoot.ng bola! GUSTO KO MAG SLAM DUNK GORI!"Bulyaw ko rin sa kanya Kaya naman nakatikim na naman ako ng batok sa kanya 'aray ko'

"Sumosobra ka na talaga ah Gori!! BOOO GORI BOO ANG PANGIT MO NYAHAHAHAHA"Sabi ko sa kanya at tumawa ng malakas. Kita ko naman kung pano manlaki ang butas ng Ilong ni Gori Kaya naman bago nya pa ako mabatukan ay tumakbo na ko ng mabilis papaalis sa kanya.

* * * * * * * * *

THIRD PERSON'S POV

Patuloy pa rin ang pag rereklamo ni Hanamichi kay Akagi kesyo henyo na raw sya kaya bakit hanggang dribble pa rin ang pinapagawa sa kanya ni Akagi at si Akagi naman ay panay batok kay Hanamichi.

*after practice*

"Sakuragi maiwan ka magpapractice ka ng shooting ngayon."Sabi ni Akagi kay Hanamichi.

"Talaga Gori?! Sabi na nga ba Hindi mo matitiis yung henyo na katulad ko e KAHAHAHAHHA."Tumatawang sabi ni Hanamichi Kaya naman Napa face palm na Lang si Akagi sa kayabangan nya.

"Gunggong bilisan mo na riyan at ng makapag practice ka na!"Sigaw ni Akagi sa kanya.

Nakakunot ng noo na pumunta sa locker room nila si Hanamichi dahil kay Gori. Pagtapos nyang magpalit ng damit ay pumunta na kagad sya sa court. Pagpunta nya kay Akagi ay nag simula nang magsalita si Gori.

"Hanamichi mag practice ka na muna ng shooting."Sabi ni Gori sa kanya.

"Slam dunk Gori?!"Malakas na sabi ni Hanamichi.

"Oo at yung jump shot mo wala ka naman ng problema sa pag rerebound Kaya naman Di na natin papractice-an yon mag fofocus na muna tayo sa opensiba mo."Seryosong Sabi sa kanya ni Gori.Napatango na lang si Hanamichi dahil alam nyang mahirap ang magiging training nya kay Gori dahil kumpara kay Coach Ansai ay di sya nambabatok.

Nagsimula na sila mag practice ng mag practice hanggang sa mapagod na ng husto ang katawan ni hanamichi.

*after Practice*

HANAMITCHI SAKURAGI'S POV

Hee! Takte parang sumali ako marathon  sa sobrang pagod ko ah di naman ako kagad napapagod.Naapektuhan kaya yung katawan ko nung na ospital ako?

Ahh! Hindi maaari kung maaapektuhan nung nangyari ang katawan ko Hindi ko matatalo ang mayabang na Soro na yon! Grrr Rukawa!

Tsk! Mag self practice muna kaya ako HAHAHA total henyo naman ako hmmm.

"Ahh!"Sabi ng isang babae nang mabangga ito sakin.

"Sorry Miss!Di kasi kita napansin!."Nakayukong paghingi ko ng tawad ko.

"O-okay lang S-sorry din."Nahihiyang Sabi nung babae na nakabangga ko

Nang Tumingala ito sakin ay napanganga ito na para bang ngayon lang sya nakakita ng gwapo.

"P-p-pulang buhok! Demonyo ka po ba?"Tanong nya sakin.

A-anak ng tinapa o tsk

"Haaaaa?! Ako?! Demonyo?! Sa.gwapo kong to mapapagkamalan mo akong Demonyo Tsk tsk tsk malabo ba mata mo miss?"Naiinis kong tanong sa kanya syempre Sino ba naman di mababadtrip diba Ikaw ba naman pagkamalang demonyo.

"A-ah s-s-sorry yung b-buhok mo kasi e."Nakayukong Sabi nung babae sakin.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis kaya naman bago pa ko mabadtrip lalo ay nagpaalam na kong umalis.

"Osya sige dahil isa akong henyo palalagpasin ko na lang to bye!."Sabi ko sa kanya at tuluyan nang umalis.

THIRD PERSON'S POV

"Henyo? Pero mukha talaga syang demonyo dahil sa pulang buhok nya."Sabi nung babaeng nakabanggan ni Hanamitchi.

Yuriko Azeri isang Transferred Student at kasalukuyang namamasyal sa school may katangkaran at kahubugan ang katawan kulay itim na itim ang kanyang buhok Medyo makapal na kilay matangos na ilong at namumulang mga labi Mahaba rin ang kanyang Mga pilik mata.












Mwehehehe Sorry Sorry di ako nakakapag update ang dami ko kasing nababasa na fanfic tapos mga nababasa ko ring manga shishishi

SLAM DUNK(FAN FICTION)Where stories live. Discover now