CHAPTER 5

182 9 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Haaaa!Haaa!Magaling ka nga talagang makipag laban Sakuragi!."Sabi ng isang lalake na may kulay kape na buhok at matangkad na may magandang pangangatawan habang Hinihingal buhat ng Pakikipag laban kay Sakuragi.

"Hindi ka na nadala Inari! Binugbog na kita dati bat bumalik ka pa HAHAHA namiss mo ba kamao ko na dumadapo jan sa pangit mong mukha!."Tumatawang pang aasar ni Sakuragi sa kaaway nya na si Inari Subaru.

"Damn wala pa ring kupas yang sapak mo ah Tsk!."naiinis na sabi ni Inari kay hanamichi.

"Aba syempre naman ano gusto mo pa HAHAHAHA?!."Tumatawang saad ni hanamichi sabay sapak kay inari kaya na-knock out ito.

Hindi napansin ni sakuragi yung nasa likuran nyang lalake na may hawak na tubo dahil Naka focus ang atensyon ni sakuragi sa walang Malay na si Inari.

Malakas na hinampas si sakuragi sa likod ng ulo kaya naman medyo nahilo ito Buti na lamang ay Hindi ng Malay nang maka recover si Sakuragi sa hilo dulot ng paghampas sa kanya ay agad nyang hinanap ang humampas sa kanya.At nung nakita nya ito ay agad nya itong Sinapak ng malakas kaya agad rin itong nawalan ng malay.

Umuwing Hawak hawak ni sakuragi ang ulo nya na dumudugo.Nagkalat ng dugo sa kalsada kung saan sya dumadaan at napapatingin na rin ang Mga taong nadadaanan nya at Nagsisimula na ring dumilim ang paligid nya.Pinagpatuloy nya pa rin ang paglalakad upang makauwi at makapag pahinga na.

"Uhm kuya halika samahan ko na po kayo sa hospital"Sabi ng isang babae na nag aalala kay sakuragi dahil sa tama neto sa ulo.

Napaangat naman ang tingin ni Sakuragi sa babae at nung makita nya ito ay dahan dahan itong tumango dahil Hindi nya na talaga kaya ang sakit.

*after syang dalhin sa hospital*

SAKURAGI'S POV

Gahhh! Ang sakit ng ulo ko!Bwisit Yari ako kay Gori neto malapit pa naman na Ang game namin sa Inter high.

Nasa bahay na ko ngayon dahil pinauwi na ko ng doctor kahapon dahil nang gulo ako doon hehe Ayoko sa hospital.Ang Sabi rin ng doctor ay kailangan kong magpahinga para mas mapadali ang pag galing ko.Hindi ko pa pala napapasalamatan yung babaeng tumulong sakin pero hindi ko masyado maalala mukha nya.

Hayy humiga na Lang ako at balak kong umidlip ng pumasok sila Yohei sa bahay ko.

"Hoy hanamichi tara sa pachinko."Paanyaya ni Yohei sakin.

"Ayoko magpapahinga pa ko."Sabi ko sa kanilang apat.

"Oy Anong nangyari sayo?."Tanong ni Noma sakin.Kita ko rin na nag aalala yung tatlo sakin.

"Wala, napaaway ako kay Inari e pwe!."Sabi ko sa kanila.

"Inari Subaru?"Ohkusu.

"Yung binugbog mo na dati?"Takamiya.

"Anong nangyari jan sa ulo mo hanamichi?magkakapag laro ka pa sa Inter high?malapit na yun e."Nag aalalang sabi ni Mito sakin.Kaya naman tumawa ako ng Malakas.

"Masyado bang napalakas ang hampas jan sa ulo mo.hanamichi."Sabi ni Ohkusu.

"Aba oo naman makakapag laro ako sa game isa ata akong henyo! BWAHAHAHAHAHA!."Sabi ko sa kanila at nag cheer naman sila sakin.

"Pero ano ngang nangyari jan sa ulo mo."Tanong pa rin ni Mito.

"Naisahan ako Meron tao sa likod ko habang sinasapak ko si Inari may humampas ng bakal sa ulo ko."

"Ano?!Tubo?!Yung ulo mo Kamusta?!"Sigaw nilang Apat Kaya napatakip naman ako ng tenga.

"Teka!Teka! Ang ingay nyo naman!"Sabi ko sa kanilang apat OA nila we.

"Sabihin mo na kasi pasuspense ka pang kupal ka e."Sabay Sabay pa rin nilang sabi Kaya naman.napangiwi na Lang ako.

"Pagtapos akong hampasin sa ulo ng Tubo Medyo nahilo ako buti na Lang Hindi ako tumumba nung maka recover ako sa paghampas ay agad kong hinanap yung lalake na yon nung nahanap ko na sya sinapak ko sya ng malakas."mahaba kong sabi sa kanila.

"Ano nag pa check up ka na ba?"Tanong ni Noma.

"Kamusta daw ulo mo?Naalog ba?"Tanong.rin ni Takamiya.

"Magiging Baliw ka na daw ba?"Sabi naman ni Ohkusu.Kaya naman nagtawanan silang tatlo.Pero si mito ay seryoso pa rin.

"Manahimik nga kayong tatlo riyan seryosong sitwasyon to dahil ulo nya ang napuruhan."Sabi ni mito sa tatlo kung kaya't tumigil sila sa katatawa.

"Ang Sabi ng doctor sakin kahapon ay kailangan ko lang daw magpahinga at wag muna masyadong gumalaw ng gumalaw."Sabi ko sa kanila.

"Pero malapit na Ang unang game nyo Kaya Kailangan nyo talaga mag practice At isa pa netong Mga nakaraang araw Hindi ka masyado nagpapractice Palagi ka kayang hinahanap nila Gori."Nag aalalang Sabi ni Mito at napatango tango yung tatlo.

"At isa pa Hanamichi nag aalala rin sayo sila Ayako at Haruko."Dagdag pa ni Takamiya.

"Asus Ayos lang Di ba Ang sabi ko sa inyo isa akong.henyo BWAHAHAHAHAHAHA."Sabi ko sa kanila.

"Buti na Lang at sabado ngayon may time ka pa para makapag pahinga sa Lunes ay kailangan mo ng umattend ng practice."Sabi ni Noma.

"Ay oo nga pala yung bago mong kakilala na si Sato, Hanamichi."Ohkusu.

"O Anong meron kay Sato?."

"Saan ba nakatira yon Di kasi pumapasok after ng first day of school natin."Sabi ni Mito Kaya naman nagtaka ako bat Di naman papasok yon.

"Hindi ko din alam.e nagkakilala lang kasi kami sa court malapit sa Ryonan."Ani ko sa kanila.

"Sigurado ka hanamichi?Nagtatanong na rin kasi si Sir e."Dagdag nya pa.

"Ah ewan ko sa kanya baka may problema lang sya."ako.

"O pano iwan ka na namin dito para makapag pahinga ka na at makarecover kagad para maka pag practice ka na sa Monday."Sabi ni Takamiya.

"Sige sige sabay tayo pasok sa lunes ah nga pre."Sabi ko sa kanila at nagsitanguan naman Ang Mga ito at nag paalam na aalis na daw sila.

Pag alis nila ay humiga na ko sa kama ko para makapag pahinga na nga pero.Di ako makaidlip dahil iniisip ko ang pwede kong gawin sa lunes Hindi ko kasi alam kung pano haharapin si Haruko e.

Sana maging maayos ang lahat wag rin sana maapektuhan ang paglalaro ko ng basketball.




SLAM DUNK(FAN FICTION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora