CHAPTER 2

220 10 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Uhm Haruko a-ano may s-sabihin sana ako sayo hehe."Nahihiyang aniya ni sakuragi kay haruko hinihimas himas nya pa ang likod ng ulo nya.

"Ano yon?"sagot ni haruko.

"Gusto kita matagal na."Pikit matang pag amin nya kay haruko, nilakasan nya lang Ang loob nya dito at nananalangin na sana wag sya bustedin.

"H-huh?Pasensya ka na mabait ka naman sakuragi at masayang kausap e cute ka rin pero ang gusto ko talaga ay si Rukawa I'm so sorry sakuragi."Balisang sagot ni haruko."Ah eto na pala bahay.namin haha p-paalam sakuragi.!"Tas mabilis na Pumasok sa bahay nila si haruko, si sakuragi naman ay medyo lutang.

Pang 52 na sya hehe Di ka pa nasanay hanamichi sakuragi gunggong ka nga talaga.

Wala ng nagawa si sakuragi kung Hindi tanggapin ang isinagot sa kanya ni haruko Akala nya ay may pag asa sya pero wala pala, Sa sobrang lungkot nya ay nagpunta na Lang sya sa gym ng school at nag practice magdamag para makalimutan panandalian ang sakit sa pang bubusted sa kanya.

Di namalayan ni sakuragi na nakatulog pala sya sa gym nagising na lamang sya nung sinisipa sya ng marahan sa paanan ni Gori.

"Anong ginagawa mo ng ganitong kaaga sa Gym sakuragi?."tanong ni Gori sa kanya.

"Nagpapractice kasi ako ng mga moves[/yawn;Di ko namalayan nakatulog pala ko sorry."Tumayo na si sakuragi at umalis sa gym.

Nagtataka naman si Gori kung Anong nangyayari kay sakuragi dahil Di naman ganon kung umasta si sakuragi, Di na lang pinansin ni Gori yon at nagpractice na Lang sya.

Si Sakuragi naman ay umuwi muna sa kanyang bahay upang maligo at kumain naiIsip nya yung Mga nangyari kagabi kahit Anong pilit nyang kalimutan Hindi nya pa rin magawa.

Pagtapos nyang Kumain at Maligo ay Pumasok na sya sa eskwelehan at himalang Hindi sya nalate binati nya rin lahat ng teacher na nakikita nya at nakikinig na rin sya sa Mga itinuturo ng Mga guro.

"Ano sa tingin nyo ang nangyayari kay hanamichi?"Tanong ni ohkusu sa tatlo.

"Hindi ko alam pre."Noma

Hindi ko rin alam."Takamiya

"Nagkakaganyan lang yang si hanamichi kapag binabusted sya ng mga bebot e ano sa palagay nyo umamin na Kaya yan kay haruko?."Si mito

Samantalang sa Gym naman ay nagtataka na rin sila sa ikinikolos ni sakuragi, nagtataka sila dahil tahimik sya seryoso sa pagpapractice Di nang aasar at di nagyayabang at higit sa lahat ang galing mag basketball.

"Sakuragi ayos ka lang?wala ka bang lagnat?"tanong ni miyagi sa kanya.

"Ayos lang ako wag moko pansinin."Nakangiting sagot ni sakuragi sa kanya Kaya lalong nagtaka ang mga teammate nya.

Biglang nag three point si hanamichi at Pumasok iyon sa ring Kaya naman nagulat sila dahil hindi naman sanay si sakuragi tumira ng long shots ang alam nila na alam lang ni sakuragi ay ang SLAM DUNK , LAY UP, AT JUMPSHOT.

"Miyagi one on one tayo kung sino unang makapuntos ay syang Panalo."seryosong pag aaya ni hanamichi.

"Sige pre."nakangising pa tanggap ni miyagi sa hamon ni hanamichi.

Kay miyagi ang bola dahil kung mag jujump ball sila ay tiyak na matatalo sya kaya sa kanya na Lang Ang bola hindi naman umangal si sakuragi.

Nagsimula na ang match nag didribble si miyagi papunta kay sakuragi at si sakuragi naman ay seryosong nakatingin sa.bola walang buhay ang kanyang mga mata at talagang sinusundan nya kung saan papunta ang bola, sumugod na si miyagi kay sakuragi pinalusot nya ang bola sa kanyang paa at , tsaka umikot upang makaiwas kay sakuragi pero mas labis nilang.ikinagulat dahil biglang naagaw ni sakuragi ang.bola kay miyagi nakapagtataka dahil hindi naman masyadong sanay sa dipensa itong si sakuragi.

Si Sakuragi naman ang sumugod at talaga namang hinihigpitan ni miyagi ang kanyang depensa, nagdribble na si sakuragi at pinalusot nya rin ang bola sa kanyang paanan tapos ay bigla syang titira sa tres Kaya naman tumalon si miyagi upang pigilin iyon ngunit fake lang pala dahil ang totoong gagawin ni sakuragi ay ang SLAM DUNK pagtalon ni miyagi sya namang lusot ni sakuragi habang nag didribble mabilis syang pumunta sa.ring at tumalon pagtapos ay pinalusot nya.muna ang bola sa kanyang mga hita sabay dunk ng bola sa ring, Nagulat ang lahat.

"Anong nangyayari kay sakuragi.?"sa isip ni Gori.

"Kelan pa gumaling ang ugok na to."sa isip naman ni mitsui bungal.

"Huuu hanamichi sige magpakitang gilas ka WAHAHAHAHAHA."Sigaw nila ohkusu, takamiya, Noma, at Mito.

"Lintek talaga kung sumuporta itong special army ni sakuragi."Si ayako.

"Wow pre ang Galing mo na HAHAHA."Nakangiting Sabi ni Miyagi kay sakuragi.

"Salamat hehe."Sagot ni sakuragi, pero dahil don ay naiwang nakatulala ang lahat dahil ang inaasahan nilang isasagot nya ay...

"HAHAHAHA ano kulot sabi ko sayo hinding hindi mo matatalo ang isang henyo na katulad ko HAHAHAHA."

Ganyan ang nasa isip ng lahat pero hindi ganyan ang nangyari bagkus ay nagpasalamat pa ito.

Pagtapos ng laban nila ay nagpunta ang special army ni sakuragi at sya sa cafeteria dahil nagugutom na raw ang mga ito, nanatiling seryoso pa rin at walang buhay ang mga brown na mata ni sakuragi Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang nangyari talaga sa mismong tapat ng Bahay nila haruko.

"Sakuragi may problema ka ba?"Nag aalalng tanong ni mito at nung tatlo.

"Wala naman yohei wag mo na lamang ako Pansinin."Wala pa ring buhay na tugon ni sakuragi sa kanila, Kaya nagkibit balikat ang tatlo at si mito ay nag aalala pa ring nakatingin sa kanyang bespren alam nyang may nangyari dito at ayaw lamang magsabi.

"May nag aaya sating makipag away ano g kayo?."  Sabi ni Takamiya sa apat agad namang sumagot ng oo yung tatlo pero si sakuragi ay Tulala at parang Di Narinig ang sinabi ni Takamiya na makikipag away daw sila, medyo naguluhan ang apat dahil alam nila pag sinabi nila kagad na may naghahamon sa kanilang.away ay ito pa mismo ang nag aaya sa meeting place kung saan magaganap ang away pero Eto sya ngayon tulala at ang lalim ng iniisip.

-----------------------------------------------------------------

Pasensya na pre kung medyo hindi kagandahan ang istorya na aking ginagawa Eto kasi ang una kong story sana magustuhan nyo pa rin Maraming salamat  sainyong lahat.

SLAM DUNK(FAN FICTION)Where stories live. Discover now