Chapter 27

4.2K 185 5
                                    

JASMINE VALDEZ POV
Isang linggo na kaming hindi pumapasok, sa loob ng isang linggo na iyon ay puro threats ang sumasalubong sa buong araw namin.

Pagbabanta na sasaktann nila ang malalapit sa amin. Tsk! Paano nila sasaktan kung hindi naman nila kilala kung sino ang taong nasa likod ng maskarang ito.

Papunta kami ngayon sa underground dahil nabalitaan kong may laban sila kuya.

Kanino ko nalaman? Connection my dear.

"Queen, leon gang ang kalaban nila alexious mamaya." Sabi sa akin ni princess ng makababa ako sa kotse.

Nagkanya kanya kaming gamit ng sariling kotse kanina dahil lahat kami ay sinisipag.

"Hmm rank 3, not bad." Naglakad na kami papasok sa gate ng underground pero bago iyon ay itinapat muna namin ang ID para makapasok.

If wala kang ID ay hindi ka maaaring pumasok sa loob dahil isa iyon sa rules na ipinatupad nila empress.

Pagpasok palang namin ay nanahimik ang maingay na arena kanina. Ngayon lang ulit kami lumabas sa ganitong paraan.

Madalas kasi ay yung pa special intrans pa kami.

"OMG! Nandito ang trio dragon gang"

"Exciting!"

"Himala normal lang ang pagpasok nila"

"Ang ganda talaga nila kahit nakamask"

"Sexy"

"Handsome prince!"

"Princess idol"

Napailing na lang ako sa isipan nang marinig ang ilan sa bulungan nila. Hindi parin talaga nagbabago ang mga tao rito, maiingay parin.

Inilibot ko ang paningin ko at bigla na lang napatigil sa pwesto nila alex. Nandun siya at nakatingin sa akin. Nakikilala mo ba ako? Tsk.

Umiwas ako ng tingin bago dumeretso sa bar dito sa loob. Ayokong umupo sa nakaassign sa amin, gusto ko munang maglibang.

Naalala ko na naman ang claire na iyon. Bagay lang sa kanya ang nangyari, hindi niya muna kinikilala ang kinakalaban bago gumalaw.

Yes, ako ang gumawa ng pagbagsak ng kumpanya nila.

Sinabi ko naman kasing iiyak siya pag-uwi dahil sa gagawin ko. Look what i did! Ngayon ay maghihirap siya para maayos ang buhay niya.

Walang puso na kung wala dahil ganito naman talaga ako lumaban. Inuubos kung anong meron siya–sila kung ako ang babanggin nila.

Hindi ako anghel tulad ng inaakala nila kaya ako ang binabangga nila basta basta. Hindi ba nila alam na ang mukha ay maaring makapangloko lalo kung inosente.

Tsk!

Ang landi niya para landian ang boyfriend kung nananahimik sa sa loob ng office niya. Hindi niya ba alam na may girlfriend na yung tao.

Hindi naman ako galit kay alexious kailangan ko lang talagang umalis para ayusin ang ibang bagay tulad na lang ng underground.

Bilang trio ay kami ang namamahala dito maliban sa empress at emperor na aming master.

I know them!

Sa loob ng isang linggong pananatili sa hideout at pagpaparusa sa mga gangster na sumuway sa batas ay nakilala ko din ang nasa likod ng maskarang iyon na ikinagulat ko at the same time ikinamangha ko.

Napahinga ako malalim ng maalala na ang mga taong pinaparusahan namin nila prince.

Ang dami nila at ang iba ruon ay kumakalaban sa amin. Hindi ako makapaniwalang sumasanib sila sa kalaban.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon